Kabanata XXV

1.4K 98 3
                                    

INIGO

ILANG beses na nga ba akong naglabas-pasok dito sa unit?

Answer: Hindi ko na mabilang. After Karyll sent that message, hindi ko na alam kung ano ang mangyayari o kung ano ang gagawin.

Ano bang kasunduan ang ibig niyang sabihin?—that's the question that has kept me restless for 3 hours now. Tatlong oras na ang nakalipas mula nung insidenteng nangyari sa café. After a couple of minutes, umuwi na kami ni Callista dito sa condo.

At simula no'n, hindi na ako mapakali. Maya maya'y lumalabas ako upang tingnan kung nandito na ba si Karyll.

"Inigo..." I looked at Callista after she suddenly broke the silence. Kanina pa siya nakatingin sa akin at tila ba nag-aalala ngunit ngayon lang siya nagsalita.

"Yes?" I answered, trying to act calm.

"Okay ka lang?" tanong niya.

Napangiti na lamang ako roon at tumango. Ever since she came back yesterday, nag-iba na ang pakikitungo niya sa'kin.

Gone is the sarcastic, hard-headed and annoying version of her. Tila ba may kung anong nangyari sa kaniya noong panahong umalis siya at iniwan ako.

She didn't dare to ask another question. Hinayaan niya na lamang akong maglibot libot at maglakad ng pabalik balik ditto sa sala.

Ilang minuto pa ang lumipas ay narinig ko na ang tunog ng doorbell. I immediately went to the door but I hesitated in opening it. Napabuntong-hininga muna ako bago hinawakan ang door knob.

"Sana, ang dating Karyll na ang makita ko ngayon. I wish she can help me with this mess and misunderstanding," bulong ko sa sarili.

I opened the door at hindi nga ako nagkamali dahil si Karyll nga ang nakatayo sa harapan ko.

"Good afternoon," she greeted with a smile but I sensed sarcasm in it.

Seriously, what's with you, Karyll?

"Let's get straight to the point, shall we?" ani ko.

Mabilis na nawala ang pekeng ngiti sa kaniyang mukha pagkatapos kong magsalita. "What deal are you talking about?" dagdag ko.

"Hindi mo man lang ba 'ko papapasukin?" aniya at nagtaas ng kilay.

"Oh, come in." Nagkunwari akong nakalimot tsaka tumabi para papasukin siya.

She immediately sat on the long couch. Sandali pa akong natigilan nang mapagtanto kong tumabi pala siya kay Callista ngunit agad na rin akong umupo sa kasalungat na upuan.

"I'll get straight to the point as you wish," sambit niya.

Napangiti naman ako roon. It was a light yet genuine smile. Sana nga matulungan niya ako sa gulong ito.

"Surrender that woman."

The smile plastered in my face gradually disappeared after she uttered those. Nangunot pa ang mga noo naming ni Callista. Meanwhile, Karyll was just looking straight at me.

"What do you mean?"

"Oh please, Inigo. Tayo tayo na lang dito. Hanggang kalian ka pa ba magmamaang-maangan?"

"I am telling the truth. Kung sinasabi mong tinatago ko pa rin hanggang ngayon si Callista, you're mistaken. Matagal na siyang umalis." Pinilit kong maging kalmado habang nagsasalita.

"Then where is she? Where is that woman who killed Eric and Edison?" Nabigla ako nang pagtaasan ako ng boses ni Karyll. Napatayo siya kaya nakatingala na ako sa kaniya ngayon.

I'll Save You ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon