Kabanata XXXI

1.5K 86 1
                                    

INIGO

ISANG linggo na ang nakalipas matapos kaming mamasyal ni Callista sa Sampaloc lake. Everything is still unclear for me. Hindi ko pa rin alam kung ano ang gagawin.

I'm starting to realize that I like her—no, that is an understatement. Hindi ko lang basta gusto si Callista.

I go crazy for her. My whole system does. Kahit hindi ako tiyak sa dahilan, I know it because I feel it. And because of this stupid feeling, I got so confused as to what I'll do.

Bakit ba naman kasi ako nahulog ng ganito kadali sa kaniya? A week or two is just too short for a romantic feeling to be developed. And I guess this is my first time falling for someone?

Liban na lang kung may gusto na pala ako sa kaniya noon pa man.

"Sabay na tayong mag-lunch Xav," she suddenly said but the way she said it is almost close to a yell. Kasalukuyan kaming naglalakad sa hallway. Now that she's often with me, mas agaw pansin na ako sa mga tao. They're staring at me like a criminal—which is a fact.

"H-ha?"

"Sabi ko, sabay tayong maglunch!" ulit pa niya.

"Ah, sige," tugon ko.

It was too late when I realized what she did. Kaya pala niya pasigaw na sinabi 'yon ay para mas lalong maningkit ang mga mata ng mga taong nakatingin sa amin.

"Duh, hayaan mo na 'yon sila," aniya. "They don't even know you personally kaya who are they to judge you?"

Natigilan ako sa paglalakad matapos niyang magsalita. "Why? Are you sure that you know me enough? Halos dalawang linggo pa lang tayong magkakilala," ani ko. She has no idea that I'm that childhood friend of hers.

"Maybe."

"Maybe what?"

"Maybe, I know you enough?" aniya at nauna nang maglakad.

Katulad nga ng sinabi niya, sabay na kaming kumain. Wala namang masyadong nangyari pagkatapos no'n and the day passed by unnoticed. Kahit sa pag-uwi ay kasama ko pa rin si Callista. I even heard her friends teasing the both of us because of that.

Sabay kaming lumabas ng gate. Katulad nung una naming encounter dito, medyo gabi na rin nang makauwi kami. Meron na naman kasing mga projects na kailangang tapusin kaya napagabi na naman ako. Never had I onced cared about school stuff before I met her.

"Mauna ka na, magco-commute na lang ako," sabi niya.

I just rolled by eyes. "Are you trying reverse psychology on me?"

Napangisi naman siya roon. I 'tsked' and lead her to my car. Alam ko namang 'yon ang gusto niyang mangyari. Kunwari ay magcoco-commute siya pero ang totoo niyan ay gusto niya lang magpahatid kasi gabi na. I get that.

Siguro kung walang mga ilaw sa kalapit na building ng parking space, malamang sobrang dilim sa lugar na'ti. There's no single lamppost to be seen. Tanging ang mga ilaw sa karatig na building lang ang nagpapaliwanag dito.

"They should have placed some light here," wika ko.

"True! Alam mo, hindi na ako nagtaka do'n sa balita na may pinatay raw dito last week. The darkness in this area is too perfect for—"

"Shh!" natigilan sa pagsasalita si Callista nang sinenyasan ko siyang tumahimik.

Something isn't right.

May naririnig akong mga yapak.

"Bakit ba—"

"—shut up!" bulong ko. Napalingon ako sa magkabilang gilid. Nawala na lang bigla ang narinig ko kanina.

I'll Save You ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon