Kabanata XVI

1.7K 123 19
                                    

INIGO

"Let's get this started."

WALANG kumibo matapos kong magsalita. Nanatiling nakatikom ang kanilang mga bibig habang ang kanilang mga hawak na baril ay nakatutok pa rin sa akin.

All of them are staring at me as if I am the criminal here.

Kung tama nga ang hula kong nasa singkwenta pataas sila, hindi imposibleng magtapos na ang buhay ko ngayon.

Pero hindi ko pinagtuonan ng pansin 'yon. Ang nasa isip ko lang ay kung paano ko maitatakas si Eric sa ganito kadaming armadong tao.

Nanatili kaming tahimik sa ganoong posisyon. My gun was set on the boss while approximately 50 guns are pointing on me.

Ilang saglit pa ay naglakad na yung leader ng Crimson at umalis sa kaniyang kinatatayuan. Everyone was still silent. Tanging ang taguktok lang mula sa kaniyang sapatos ang umaalingawngaw sa buong gym.

He's wearing a black suit. By the way he looks, alam mo na agad na siya ang boss dito.

I let my gun followed his direction. Sa huli ay napagtanto kong bababa pala siya mula sa mga bleechers. Dumaan siya sa isang hagdan sa gilid.

"Ibaba niyo ang mga baril niyo," sigaw niya dahilan para sabay sabay na inalis ng mga tauhan niya ang kanilang mga baril mula sa pagkakatutok sa akin. Medyo malayo pa rin siya sa akin ngayon pero nasa harapan ko na siya.

"Change of plans," he added then smirked.

I used a split-second to see how his boys reacted but I didn't see any response. Mukhang sa maikling pariralang'yon ay alam na nila ang gagawin.

"My name's Allistor Rodriguez."

Tsk. He even had the audacity to introduce himself. I thought that he might just started a conversation to derive my attention.

"If I were you, ibaba mo na 'yang baril mo. As you can see, wala nang nakatutok na baril sa'yo. Wala rin akong hawak na baril oh," Allistor uttered.

Itinaas pa niya ang dalawa niyang kamay at iwinagayway ito para makita kong wala nga siyang hawak na baril.

"Ibaba mo yan kung ayaw mong mamatay ang kaibigan mo!" sigaw niya pa pero hindi ako natinag roon. Nanatili pa ring nakatutok ang baril ko sa kaniya.

"Tsk, ayaw mong makinig huh?" saad niya at ngumisi "Ilabas ang traydor ng grupo!" Matapos niyang bitawan ang mga salitang 'yon, two men from the bleechers went down. Napatingin ako sa kanila habang nakangiti lang si Allistor habang pinagmamasdan ang mga tumatakbo niyang alagad.

Both of his men went inside a small door. Ilang segundo lang ay lumabas naman agad sila pero nanlaki na lamang ang mga mata ko nang may isang tao pa silang isinama.

The sound of forbidden speech was echoing around the gym. Crystal is forcing herself to yell despite the thick duct tape in her mouth.

"Kilala mo siya of course," usal ni Allistor. "Huwag na nating pagsalitain, baka mambaliktad na naman."

With that, tumawa lahat ng mga tauhan niya. It seems like a joke to them. Mukhang matagal na nga nilang alam na taksil si Crystal. Napatingin ako sa dalawang alagad ni Allistor na naglabas kay Crystal. They were the ones who accompanied her earlier.

Tama nga ang kutob ni Eric. These two are traitors. Mabuti na lang at hindi nila narinig ang buong pinag-usapan namin kanina.

Dahil sa pagtawa ng mga demonyong alagad ni Allistor, kumalma si Crystal ngunit hingal na hingal pa rin siya habang ang mga mala-leon niyang tingin ay nakatutok kay Alistor.

I'll Save You ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon