Kabanata XX

1.6K 123 19
                                    

INIGO

"Inigo? Sino siya" sunod sunod na tanong niya. "At teka, bakit ka nga ba nakahubad?"

HINDI na ako nakapagsalita. Kilala ko si mama. Alam kong iba na ang iniisip niya ngayon. I tried to remain silent pero tinawag niya ako muli.

"Ano Inigo, nakatira ka na kasama ang nobya mo sa iisang bubong nang hindi namin nalalaman?"

Sabi ko na nga ba. She shrugged her shoulders, waiting for my answer.

"Ah, ganito po kasi 'yon, siya po si—" hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil biglang sumapaw si Callista.

"Hi po sa inyo, ako po si Shae," nagulat ako sa boses ni Callista kaya agad akong napatingin sa kaniya. Her voice suddenly became different. Ang nakasanayan kong sarkastiko at malalim na boses ay napalitan ng medyo matulis at mahinhin.

Parang yung mga babae sa mga anime series.

"Diyan po ako nakatira sa katabing unit. Pasensya na po ha, naabala ko pa po itong anak niyo. Nasira po kasi yung hot shower sa unit ko kaya kumatok ako sa kaniya kanina para makiligo," sunod sunod niyang wika. "And nagkakamali po kayo. Wala pong namamagitan sa amin."

"Opo, 'yon po talaga ang totoong nangyari," pahabol ko naman at humarap ulit kay mama.

Tangina. Callista's such a good deceiver.

"Ganoon ba? Nako pasensya na hija at napagbintangan ko pa kayo," sabi ni mama.

"Nako okay lang po, no worries," nguimiti pa ng malaki si Callista habang nagsasalita. "Oh siya, mauna na ako sa inyo. Thank you sa hot shower neighbor ha, ipapaayos ko na lang yung sa'kin later," kumaway kaway pa si Callista at nilagpasan na ako.

Hindi ko naman mai-alis ang tingin ko sa kaniya. Patuloy pa rin siyang naglalakad papalayo nang nakatapis lang.

Papanindigan niya ba talaga 'tong pagsisinungaling niya?

"Anak, magdamit ka na nga," wika ni mama pero nanatili pa rin ang mga mata ko kay Callista.

She was about about to open the door when she suddenly looked back and winked at me. Pagkatapos non ay tuluyan na siyang lumabas at umalis.

What the hell was that?

"Magbibihis lang ako,"pasigaw kong saad at mabilis na tumungo sa kwarto.

I got myself a plain white shirt. Agad akong lumabas at dumiretso sa kabilang kwarto. Dito ko pinatulog si Callista kagabi kaya nandito rin ang mga binili ko sa kaniyang mga damit.

Tangina, Callista ano ba kasing iniisip mo?

Mabilis akong bumunot ng isang pares ng damit at agad itong isinilid sa isang paper bag. Pagkatapos non ay lumabas na ako sa kwarto.

Nadatnan ko silang tatlo ni papa, mama at Karyll na nag-uusap at nagtatawanan habang nakaupo na sa sofa. Naalala ko naman yung sinabi kanina ni Karyll na hindi macontact yung phone ko.

"Ma, pa, naiwan pala yung phone ko sa sasakyan, kukunin ko lang sa baba," pagsisinungaling ko at ngumiti. Ang totoo niyan ay nasa bulsa ko na ang phone ko ngayon.

Rason ko lang 'yon para maibigay 'tong mga damit kay Callista. Tsk, akala niya siguro siya lang marunong magsinungaling haha!

"Nako kang bata ka, kaya pala hindi ka matawagan," ani mama.

I'll Save You ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon