Kabanata XXVII

1.4K 99 5
                                    

INIGO

"ANO INIGO, natatakot ka na ba? I told you, time is running out," saad ng isang pamliyar na boses sa aking likuran.

I slowly turned around and saw the person I've been expecting. Hindi nga ako nagkamali. Ang pamilyar na boses na 'yon ay mula sa matandang lalaki na bigla biglaan na lang sumusulpot nitong mga nagdaang araw.

I first saw him as a siomai vendor. Nakita ko siya ulit sa ospital at sa Mang Inasal.

And now is the fourth time he showed up to me.

"W-what's happening here?" nanginginig ang boses ko habang tinatanong siya. Walang ni isang salitang lumabas sa kaniyang bibig.

I tried to look back to the scene I saw earlier at hindi nga ako namamalik-mata. Sa kama ay nakita ko ang sarili kong katawan na walang buhay at balot ng dugo. Ganoon din si Callista sa sahig.

"What the fuck is happening here!" Muli kong hinarap at tinanong ang matandang lalaki ngunit sa pagkakataong ito ay sinigawan ko na siya.

Hindi ko alam kung siya ba ang dahilan kung bakit ito nangyayari pero malakas ang kutob ko na may kinalaman siya dito. Or at least, he knows something.

Sa dinadami daming kakaibang bagay na ipinamalas niya sa'kin, alam kong hindi siya normal na tao o nilalang.

"Tell me what's going on!" sigaw ko ngunit nanatali lamang siyang nakatayo habang walang emosyong ipinapabatid ang kaniyang mukha.

Hindi ko na napigilan ang aking sarili. The next thing I knew, I was already grabbing the collar of his plain white shirt. "Sino ka ba? Why do you keep on messing with my mind?"

"Bitawan mo ako Inigo." Nanlaki ang mga mata ko sa nangyari. He only uttered those words and did nothing but there was some kind of wind that blew me away from him.

"Pinapaalalahanan lamang kita," aniya. "Wala ka nang sapat na oras. Kung gusto mong maayos ang lahat ng mga nangyayari ngayon sa buhay mo, better see me in the address I gave you," dagdag niya.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. Muli ay wala na naman akong maintindihan sa mahihiwaga niyang salita.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo? Wala kang maiintindihan kung hindi mo ako susundin."

"Forget about that. Ano munang nangyayari dito? Bakit nasa kama ang walang buhay kong katawan? And why is Callista dead on the floor?"

"Malalaman mo rin," aniya. His voice was soft but they were like splinters hitting me. "Why don't you check on her first? I'm sure she's crying because of you right now." Pagkatapos niyang magsalita, biglaan na lamang siyang naglaho na parang bula.

Who is he talking about? At saka ano ba talaga ang nangyayari ngayon? Am I dead?

Ilang segundo pa ang lumipas ay bigla na lamang akong nakaramdam ng hilo. Unti unting naningkit ang mga mata ko habang ang paligid ay tila walang tigil sa pag-ikot. Ilang saglit pa'y nagdilim na rin ang aking paningin at bumagsak ang katawan ko.

"Callista!" sigaw ko at mabilis na bumangon. My body felt pain all over it and I'm trying to catch my breath. Tila ba naubusan ng oxygen ang paligid.

I can hardly breathe. Para akong nalulunod.

When I finally ease myself and my breath, napalingon ako sa paligid. It was bright not because of the sun but because of the small lightbulb above me. The curtains were also parted and I saw the dark sky outside.

Teka, gabi na ba? I opened my phone which is placed beside me. Ala una na ng madaling araw at kakalipat lang ng petsa.

I look around and saw no traces of anything I saw a while ago.

I'll Save You ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon