Kabanata X

2.1K 143 2
                                    

INIGO

"Inigo, sundan mo siya!" sigaw ng aming chief sabay turo sa isang myembro ng Crimson Group na mabilis na tumatakbo papalayo.

Nacorner na ng mga kasamahan ko yung ibang miyembro at tanging yung nakatakbong suspect na lang ang natira.

Agad naman akong tumango sa chief namin at mabilis ring hinabol yung suspect.

Mag-aalas sais na ng hapon at nasa isang cargo port kami kung saan marami ang nakahilerang cargo boxes na lagpas tao yung taas.

Panay lang ang takbo ko at hinahabol yung suspect sa kung saang direksyon siya pumupunta.

Halos puno ng cargo boxes ang buong lugar at halos wala ng madaanan pero tila ba kabisadong kabisado niya ang mga pasikot sikot dito.

Para kaming naghahabulan sa isang maze.

Ilang saglit pa ay biglang bumuhos ang ulan dahilan para balutin ang buong lugar ng tunog ng nababasang bakal at semento.

Dahil rin sa sobrang lakas ng hangin, lumilikha rin ng ingay ang mga alon ng dagat sa di kalayuan.

Tamang tama lang ang dating namin dito sa daungan para hulihin sila. If we were late for even a minute, they could have successfully gotten the imported illegal firearms.

Hindi maitatangging mayroon pa rin talagang mga nagaganap na ganitong mga transaksyon dito sa atin.

Natigilan ako sa pagtakbo nang makita kong tumigil na rin yung suspect. Kung makakawala man siya ngayon, malabo nang mahuli pa namin siya ulit.

The thing this criminal is wearing has no traces at all. Balot na balot siya sa itim na jacket at itim na sombrero. May makapal rin siyang mask na suot na nagsisilbing pantakip sa kaniyang mukha.

Mahirap na kung makawala 'to. Ni hindi ko nga masabi kung lalaki ba siya o babae.

"Sumuko ka na," hingal kong saad. Nakatayo pa rin siya habang nakatalikod sakin.

Sa puntong ito, hindi ko mapigilang kabahan. Lagpas isang taon pa lang ako sa pagiging pulis at unang beses ko pa lang maharap sa ganitong sitwasyon.

I find it awesome when I see these scenarios on movies but when I realized I'm doing this now, I can't help but feel anxious.

Naningkit ang mga mata ko habang pilit na binabasa ang mga galaw niya. Unti unti na siyang umiikot paharap sakin pero nakayuko lang ang ulo niya.

Ilang saglit pa ay tuluyan na siyang humarap sakin pero nanlaki na lamang ang mga mata ko nang mabilis siyang bumunot ng baril mula sa kaniyang tagiliran at itinutok ito sakin.

Hindi naman ito naging rason para maiputok niya iyon sa akin dahil mabilis ko ring nakuha ang aking amras kaya nakatutok lang kami ngayon ng baril sa isa't isa.

"You're too young for this officer," hamon niya. Sa pagkakataong ito ay napagtanto kong babae pala siya.

"So you're a girl, huh," napangisi ako habang nagsasalita. It's not that I'm underestimating her. In fact, I'm amazed of the fact that I'm dealing with a woman right now.

"Huwag mokong maliitin," sumbat niya. "Kaya ko 'tong iputok sayo ngayon din."

Hindi na ako sumagot pa at mas pinili ko na lang basahin ang mga galaw niya. Nakatingin lang ako sa darili niyang nakadikit lang sa gatilyo ng kaniyang baril.

I'll Save You ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon