Kabanata XVII

1.7K 123 17
                                    

INIGO

NAHULI ng mga nurse na pababalik sa pagtakbo ang atensyon ko. Nasa harap ako ng Operating room ngayon.

I wasn't really paying attention pero nung nabangga ako ng isang lalaking nurse, napalingon na ako.

Nahulog ang mga binibitbit niyang gamit kay napayuko siya at isa isa itong pinulot.

"So-sorry po sir, hindi ko sinasadya," pautal utal niyang sabi habang napatingala sa akin.

"It's alright," mahinahon kong tugon at tinulungan na lang siya sa mga nahulog niyang gamit.

Hindi lang siya pero halos lahat ng mga nakita kong nurse na kanina pa nagsisitakbuhan ay hindi medical kits ang dala kundi mga balloons. Yung iba nama'y pagkain ang dala.

Nang makita kami ng isa niyang kasama, agad naman itong lumapit sa amin at tinulungan rin siyang pulutin yung mga balloons na hindi pa nalalagyan ng hangin.

"Para saan ba 'tong mga 'to?" I can't help but ask.

"Para po 'to sa surprise namin mamaya sir," sabi nung babaeng nurse na tumulong na rin. Napansin ko namang mas lalong nagmadali yung lalaking nakabangga ko matapos magsalita nung babae.

"Surprise? For what?"

"Magpopropose na po kasi itong si Matthew sa girlfriend niya," sagot naman nung babae. "Pero syempre with a twist po," nananabik niyang kwento dahilan para sikuhin siya nung lalaki.

Natawa pa yung babae sa reaksyon ni Matthew pero agad din naman siyang nagpatuloy sa pagsasalita.

"Kunwari po kasi, may nangyaring masama daw kay Mathhew tapos tatawagan namin yung girlfriend niya na pumunta agad dito sa ospital tapos dito na mangyayari yung proposal," pagpapaliwanag nung babae.

Napatango tango naman ako sa mga tinuran niya habang si Matthew naman ay namula ang pisngi.

Pagkatapos naming mapulot lahat ng nahulog ay nauna na silang dalawa.

To be honest, I'm quite amazed with their plan. Halatang kinabahan yung lalaki but for love, his willing to do the proposal. I wonder how the girl he loves would react to everything.

Life is full of surprises. And by that, I mean the most unexpected ones. Habang iniisip ang mga bagay na 'yon, I can't help but to think of the recent happenings in my life.

Life is a novel full of twists. Marahil ay kung isang kwento itong buhay ko, readers will probably go crazy. Kahit ako ay nababaliw na sa mga hindi ko maintindihang nangyayari.

Wala pang isang buwan ngunit animo'y ilang taon na ang lumipas dahil sa lahat ng 'yon.

Napatingin ako sa wall clock na nakasabit malapit sa pintuan ng Operating Room. Mag-iisang oras na mula nung ipasok si Callista roon.

Napabuntong hininga ako saka napaupo sa mga nakahilerang upuan.

Everything is becoming a mystery.

May nakatayong babae sa harapan ko. Nakaharap siya kay Alistor kaya nakatalikod siya sakin.

Unti unti siyang nawalan ng balanse ngunit bago pa man siya tuluyang matumba ay nagawa pa niyang humarap sakin at ngumiti.

Nanlaki na lamang ang mga mata ko nang makilala ko kung sino siya. Ang babaeng maka ilang beses na ring nagligtas sa akin.

Unti unting dumadanak ang dugo mula sa tatlong tama ng bala sa kaniyang tiyan, dahilan para mabilis na balutin ng dugo ang kaniyang damit.

"C-callista?" 'yon na lamang ang lumabas sa bibig ko.

I'll Save You ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon