Simula

121 28 7
                                    

"Miss, mag-dinner na raw po kayo sa baba," rinig kong sabi ng kasambahay namin.


Sinuklay ko muna ang buhok ko bago bumaba para pumunta sa kusina. Dapat ay kumbinsihin ko sila. Ayokong makipag-break sa boyfriend ko.


Dream come true nga na naging kami tapos makikipag-break ako dahil lang ayaw nila Mommy? No freaking way.


I cleared my throat after sitting on my chair. Unica hija naman ako eh. Pagbibigyan ako ng mga 'yan.


But before I could even speak, nagsalita na si Dad.


"Your Mom and I have decided." Lumakas ang pintig ng puso ko. Shet naman oh. Ano naman kaya 'yon?


"Your grandfather's last will before he dies is to clean the ancestral house for him."


"And so? Huwag niyong sabihing ako ang maglilinis doon?" Yuck. Sabi sa akin nila Mommy dati, 20 years nang walang tumitira roon. Ibig sabihin, marumi na at marami nang surot sa mansion na 'yun. Yikes!


"Tomorrow. Go there with the maids. Linisan niyo ang buong mansiyon."


"But, Dad!" Napatayo ako. Ayoko nga!


Sumingit naman sa usapan si Mommy. "Masyado nang sumosobra 'yang katigasan ng ulo mo, Esmeralda. Una, lagi kang tumatakas tuwing gabi. Pangalawa, lagi kang kumukuha ng pera sa bag ko o sa wallet ng Daddy mo para lang bumili ng mga kapritsuhan mo. Pangatlo, lagi mo kaming sinasagot-sagot. Pang-apat, nag-boyfriend ka kahit na seventeen ka pa lang. Panlima---"


"So? At least, nag-aaral naman ako nang mabuti," pagrarason ko. Totoo naman eh.


"See? Look at that. Hindi mo na kami ginagalang. So as a punishment, go with the maids tomorrow and clean the ancestral house."


"But---"


"No buts, Esmeralda. Here's the key of the mansion." Iniabot sa akin ni Dad ang isang susi. "Tapos na kaming kumain. Eat then go to bed early. Maaga ka pa bukas." Umalis na sila at iniwanan ako rito.


Grabe, hindi man lang ako hinintay na kumain?! Tsh.


Padabog akong umupo at nagsimula nang kumain. I guess I am left with no choice.


Our ancestral house was said to have been built in the year 1975. My father grew up in that mansion with my grandparents. After Grandma died, Lolo lived with us, leaving the mansion he used to live in.

But after a couple of decades, he became terminally ill. And I think that seeing his old mansion being clean again is what he wants to see before he dies.


"Sa attic ako," pagpapaalam ko sa isa sa mga kasambahay.


Siguro ay mas kaunti ang gamit doon kaysa sa ibang parte ng mansyon kaya naman doon na lang ako maglilinis. Sana lang ay walang surot na mag-hi sa akin.


Brilliant! Napangiti ako nang makitang iisang kahon lang ang laman ng attic.


Kukuha na sana ako ng walis at mop sa baba pero naisip kong buksan muna ang kahon para tignan ang laman nito.


Malay mo, may gold palang nakatago. O kaya naman ay alahas. Pero... paano kung ahas?


Joke 'yan, ha. Shet, Esmeralda. Ang corny mo.


Itinuloy ko na ang paghahalungkat sa kahon. Mystery box lang ang peg.


Hmm. Ano kayang meron dito?


Tumango-tango ako nang may makitang picture. Sina Lola at Lolo ito---A wedding picture.


Mayroon ding mga lumang damit, sirang radyo at magnifying glass. May lumang suklay pa pero dai, ang ganda! Kumikinang pa ang lola mo.


Iisa na lang ang laman ng kahon pero wala namang kayamanan. Tsk.


Kinuha ko ang natitirang laman ng kahon. Ano 'to? Notebook? Libro?


Ah baka ito 'yung original copy ng isa sa mga nobela ni Rizal. O baka naman nakasulat dito ang equation para makagawa ng time machine. Pwede ring nandito 'yung totoong istorya sa likod ng painting ni Leonardo da Vinci na Mona Lisa.


Pero syempre, charot lang.


Inihipan ko ang libro para maalis ang makapal na alikabok na bumabalot dito.


Isang lumang kulay green na notebook. Gusot-gusot na ito at may punit pa ang cover. Lakas maka-ancient, ah.


Pero ang artistic ng gumawa. Pinintahan ang cover ng kulay green. May pininta ding mga dahon at sa gitna ay may nakasulat na... Peridot?


Ano ba talaga 'to? Notebook ba?


Hindi ko alam pero parang may nag-udyok sa aking basahin ang nilalaman nito.

PeridotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon