Pahina 21

18 9 0
                                    

Agosto 21, 1965
Sabado               


Mahal kong talaarawan,

     Sa tahanan ni Lola Zircoña ako natulog kagabi. Aniya'y gusto niya akong makasama. Medyo nagulumihanan ako sa kaniyang inasta ngunit sumunod pa rin ako at doon natulog.

     Talaarawan, iyo bang nawawari kung ano ang kalagayan ng aming tahanan nang umuwi ako kanina?

     Sobrang gulo nito na tila ba dinaanan ng isang napakalakas na daluyong. Si Ina ay naglilinis ng mga kalat habang ang ilong ay mamula-mula. Si Ama naman ay kinukumpuni ang mga nasirang kagamitan upang ayusin ito.

     "Ina, ano po ba ang nangyari?" tanong ko dahil sa sobrang pagtataka.

     "A-Ano... Mayroong nakapasok kagabi sa bahay. Nagtangkang magnakaw."

     Ang aking pagtataka ay napalitan ng pag-aalala. "Ano po?! Ayos lamang po ba kayo, kung ganoon?" Dali-dali akong lumapit kay Ina at hinawakan ang kaniyang braso upang siya ay suriin.

     "Ayos lamang ako, anak. Sige at ihanda mo na ang hapag para sa umagahan." Hinaplos ni Ina ang aking pisngi at ngumiti ito sa akin.

     Dahil doon, medyo napanatag ang aking kalooban na ayos lamang sila. Mabuti na lamang talaga at hindi sila sinaktan ng mga kawatan.


      Nagmamahal,
Peridot            

PeridotWhere stories live. Discover now