Pahina 8

36 14 4
                                    

Agosto 8, 1965
Linggo             


Mahal kong talaarawan,

     Iniibig namin ang isa't isa ngunit hindi kami magnobyo't nobya. Iniibig namin ang isa't isa at alam namin iyon. Ngunit, hanggang doon na lamang ba iyon? Hindi ko alam kung ganito ba talaga o ako lamang ito. Ngunit, tila naghahangad pa ako ng higit pa sa mga salitang 'mahal kita.'

     "Alejandro," banggit ko sa kaniyang ngalan kanina habang pinanonood naming muli ang pag-aagaw ng liwanag at dilim sa kalangitan.

     "Hm?" aniya, ang mga mata'y nakatutok pa rin sa harapan habang ang isang kamay ay nakaakbay sa akin.

     "Ipakikilala kita kina Ina at Ama," saad ko habang itinigil ang paglalaro sa kaniyang kamay na nasa aking balikat.

     "Kailan?" Kunot-noong tanong ni Alejandro at saka tumingin sa akin, sa wakas ay nakuha ko na rin ang kaniyang atensyon.

     "Bukas."

     "Ano?!" gulat niyang bulalas kasabay ng kaniyang pagtanggal ng pagkakaakbay sa akin.

     "Ayaw mo?" malungkot kong tanong. Ayos lang naman na ipakilala ko siya, hindi ba? Alam kong tiyak na magagalit sa akin sila Ina ngunit wala akong dapat katakutan para sa pag-ibig---Para sa amin ni Alejandro. Ngunit, mukhang ayaw niya yata sa aking ideya.

     "H-hindi naman sa gano'n, Peridot. Ang sa akin lamang, bakit pa? Nagmamahalan naman tayo. Hindi ba't sapat na iyon?"

     Tumango na lamang ako sa kaniya kahit na labag ito sa aking kalooban. Nais ko sana siyang pormal na ipakilala kina Ina at Ama upang hindi ko na kailanganin pang ilihim ang aming pagkikita tuwing hapon. Ngunit, hindi na lang muna siguro.

     Nginitian ko na lamang si Alejandro at pinagpatuloy ang panonood sa kalangitan. Subalit, tila hindi pa rin siya mapakali. Nilingon ko si Alejandro at ilang segundo muna kaming naglaban ng tingin bago siya bumuntong-hininga at tumango-tango.

     "Bukas.. ipakilala mo ako sa iyong mga magulang." aniya na tila nag-aalinlangan pa. Ganoon pa man, hindi ko pa rin naitago ang aking pagkasabik at maligalig na niyakap si Alejandro.

     Dahil doon, napakasaya ko na namang pinanood ang pagpapaalam sa amin ng araw.


Nagmamahal,
Peridot            

PeridotWhere stories live. Discover now