Wakas

30 6 1
                                    

Padarag kong isinara itong diary.


What on Earth is this?! Diary ba talaga 'to? Like, is this really a true story?


Baka naman gawa-gawa lang ito. Maybe it's a...


What's that term again?


Apresto?


Apritsolary?


Aprestocream?


Ah, basta! I forgot the damn term.


Pero hindi ako pwedeng magkamali.


Those names...


Peridot...


Augustus...


"Waaahhhh! Mommy! Nakakainis naman eh. Bakit ganito ang ending?" I'm sure I look like a fool who's crying here alone over a story or some kind of a diary.


Dali-dali akong bumaba sa living room para kumuha ng cleaning equipment para simulan nang linisan ang attic.


Now, I need to hurry. My curious butt is so hungry for more information!


"Miss Esmeralda, mag-ingat po kayo sa pagbaba at baka madapa kayo. At... bakit po kayo umiiyak?"


"Tabi, yaya! I'm in a hurry!" iritado kong sigaw. Nakaharang kasi sa dadaanan ko ang isa sa maids tapos nagtatanong pa. So nosy!


I hurriedly went for the broom and mop and made my way up into the attic.


"Ma'am, ang itim po ng paligid ng mata niyo!" rinig kong pahabol na pagsasalita noong maid.


Ugh! Probably my mascara. Kumalat na tuloy. Nakakaiyak naman kasi yung story eh!


Pinunasan ko na lang yung paligid ng mata ko gamit ang laylan ng damit ko. After that, I cleaned the attic like a mad old lady whose expertise is cleaning an ancient attic.


Sweep here, sweep there. Mop here, mop there. Just a little removal of some cobwebs and voila! Tapos na akong maglinis.


Sumalampak ako sa sahig kung nasaan yung box at dali-dali kong kinuha yung green diary.


Paalis na ako sa attic nang may mahulog na papel mula sa diary. I immediately picked it up.


Ano 'to? The piece of paper has some brown stains on it and the writings are incomprehensible. But then, I know that it's not part of the diary. Plain lang kasi yung paper na nahulog at yung pages ng diary ay may lines na conventional sa isang normal na notebook.


Since hindi ko rin naman mabasa yung nakasulat sa papel, inipit ko na lang ulit ito sa diary saka tuluyan nang bumaba mula sa attic.


"Manang, samahan niyo po ako. May kailangan po akong puntahan," sabi ko sa head ng maids na nasa living room habang busy ako sa pagtingin sa cover ng diary na hawak ko.


"Ngayon na ba, iha? Hindi pa kasi ako tapos maglinis dito sa sala."


Tinignan ko si Manang. Napabalik pa ang tingin ko mula sa kaniyang mukha, sa kaniyang buhok at sa hawak niyang walis. I smirked when I realized something.


"Yes po, Manang."


Tumango naman siya at nauna na akong lumabas ng mansion. Narinig ko pa si Manang na binilinan yung ibang maids.


PeridotWhere stories live. Discover now