Pahina 5

50 20 2
                                    

Agosto 5, 1965
Huwebes         


Mahal kong talaarawan,

     Tadhana na yata talaga ang gumagawa ng paraan upang kami ay magkita ng aking sinisinta.

     Dumalaw sa aming paaralan ang grupo nina Alejandro kaya naman ay nagkita kaming muli

     Napagkasunduan namin na tuwing hapon ay magkikita kami sa may nayon. Kaya naman lubos ang aking pagkalugod dahil araw-araw, sabay naming panonoorin ang pagpanaw ng araw at ang pagkasilang ng buwan. Napaka-romantiko, hindi ba?

     Ngunit, agad din namang napawi ang aking kasiyahan nang sabihin ni  Alejandro na hindi namin mapanonood ang takip-silim sa araw na ito. Tutulong daw kasi siya sa kaniyang ama sa pagsisibak ng mga kahoy.

     Hay. Mahal kong Alejandro, nangungulila na ako sa iyong mga ngiting pagkatamis-tamis. Hindi na ako makapaghintay sa muli nating pagtatagpo.


Nagmamahal,
Peridot            

PeridotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon