Pahina 14

29 14 2
                                    

Agosto 14, 1965
Sabado               


Mahal kong talaarawan,

      Hapon, nang matapos kong gawin ang mga gawaing-bahay na iniatang sa akin ni Ina, dinala ako ng aking mga paa sa harap ng napakalawak na karagatan ng Louisiana.

     Napakaganda ng dagat, talaarawan. Siguro'y kung kasing ganda ko lamang ang dagat, hindi ako magagawang pagtaksilan ni Alejandro.

     Ngunit, isa lamang akong buhangin sa baybayin. Sa una'y lalapitan ng tubig sa dagat, ngunit sa huli'y iiwan din lamang habang naghihingalo na dahil sa nakamamatay na init ng araw.

     Pinalis ko ang mga luhang naglandas sa aking mga pisngi nang mapagtanto iyon. Ngunit, mas nahabag ako nang may naramdamang mainit na bumalot sa aking katawan. Dahil doon, nagtuloy-tuloy muli sa pag-agos ang aking mga luha habang nakaharap sa dagat at pinapakiramdaman ang aking nasa likuran.

     Talaarawan, hindi siya nagsalita ng kahit ano. Hindi niya ako tinanong kung ayos lamang ba ako. Bagkus, niyakap niya lamang ako mula sa likuran habang ako'y pinapatahan niya sa pag-iyak.

     Pero ayos na ako roon. Dahil sa simpleng yakap na iyon, tumahan nang saglit ang aking pusong tumatangis.

     Dumating na ang aking pinakahihiling. Ang yakap mo... Augustus.


- Peridot

PeridotNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ