Pahina 27

24 9 1
                                    

Agosto 27, 1965
Biyernes            


Mahal kong talaarawan,

     Dalawang araw na ang nakalilipas mula nang lumisan si Ama. Hindi ko alam kung nasaan siya at wala akong balak na siya ay hanapin.

     Habang pinanonood namin ni Augustus ang paglubog ng araw sa dagat ng Louisiana ay napansin niya ang aking pagiging tahimik.

     "May problema ka." Hindi iyon patanong. Alam niyang mayroon akong problema. Napangiti ako nang patago dahil doon. Kilala niya na talaga ako. "Sabihin mo lang, Peridot. Makikinig ako."

     Sinabi ko sa kaniya ang aking kalumbayan... Ang aking pighati... Ang aking poot... Ang aking pagkatakot na magmahal dahil baka matulad sa kinahinatnan ng kuwento nina Ama. Sinabi ko sa kaniya lahat... Lahat ng aking mga kahinaan.

     Isa sa pinakagusto ko kay Augustus ay ang kaniyang pagiging mabuting tagapakinig. Tila gumaan ang aking dibdib dahil sa kaniya.

     "Alam mo, Peridot? Hindi lahat ng nagmamahalan ay nauuwi sa hiwalayan. Magbago man ang ikot ng mundo at lumipas man ang mga araw at gabi, mananatili ako sa tabi mo. Hindi ako tulad ng iba na iiwan ka. Bagkus, aalagaan kita, pupunasan ko ang iyong mga luha sa tuwing ikaw ay luhaan at mamahalin kita ano man ang iyong maging itsura at kalagayan."

     "T-Talaga?" lumuluha kong tanong. Nakatataba lamang kasi ng puso ang kaniyang sinabi. Pinaalalahanan ko ang aking isipan na kukutusan ko ang aking sarili pagkauwi sa bahay. Sinabi ko kasing hindi na ako iiyak muli ngunit naroon ako kanina at umiyak sa harapan ni Augustus.

     "Oo naman. Mahal kita eh," aniya habang nakangiti sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang sinabi. At kasabay ng pagtambol ng aking puso, ay ang mga salitang hindi ko inakalang sasambitin niya sa akin.

     "Mahal kita, Peridot. Simula pa noong una, ngayon, at hanggang sa huli. Mahal kita... aking binibini." 


- Peridot

PeridotWhere stories live. Discover now