Pahina 17

26 10 0
                                    

Agosto 17,  1965
Martes                


Mahal kong talaarawan,

     Matapos ang klase sa araw na ito, dumiretso kami ni Augustus sa dalampasigan ng Louisiana. Doon kami nag-aral para sa pagsusulit bukas.

     "Ano ang tawag sa biglaang pag-uga ng lupa---"

     "Lindol," pagputol sa akin ni Augustus.

     "Saan naganap ang pinakamalakas na lindol---"

     "Sa Chile."

     Tumikhim ako. Nakapag-aral naman na yata ang depungal na ito.

     "Ano na? Wala na bang tanong?" mayabang niyang saad habang itinuon sa buhanginan ang kaniyang dalawang kamay.

     "Teka lang! Naghahanap pa lamang ng tanong ang tao eh." Sinamaan ko ng tingin ang kaharap ngunit tinawanan lamang ako. Tss. Napakahangin.

     "Oh ito. Kailan nangyari---"

     "Ikadalawampu't dalawa ng Mayo, taong 1960."

     "Iniabot ko ang libro kay Augustus. Naguluhan naman ito. "Bakit?"

     "Anong bakit? Tapos na! Alam mo naman na lahat eh kaya ako naman ang iyong tanungin."


     Ngunit hindi niya ito tinanggap. Humikab lamang siya. "Inaantok na ako, Peridot. Ikaw na lamang ang mag-aral mag-isa."

     "Aba't... Ano?! Matapos kitang tulungang mag-aral, gaganituhin mo lamang ako?! Sinuswerte---"

     Naputol na naman ang aking pagsasalita nang tumatawang ginulo ni Augustus ang aking buhok. Subalit, napakunot ang aking noo nang natigilan siya kasabay ng paglaho ng kaniyang ngiti.

     "B-Bakit? M-May problema ba?" kinakabahan kong pagtatanong ngunit iniwas niya sa akin ang kaniyang tingin.

     "Wala..." Binawi niya ang kaniyang kamay sa aking ulo at inilagay ito sa kaniyang likuran. "Umuwi na tayo, Peridot. Magdidilim na."


     "P-Pero..." Hindi na ako nakapagreklamo pa dahil siya ay tumayo na at nauna nang maglakad.

     Talaarawan, inilahad ko ito sa iyo dahil gusto kitang tanungin. May nasabi ba akong hindi maganda upang umakto nang ganoon si Augustus?

     Ah, 'di bale na... Sige, talaarawan. Ako'y mag-aaral na para sa pagsusulit.


Nagmamahal,
Peridot            

PeridotWhere stories live. Discover now