Chapter 1

593 31 0
                                    

Jara's POV

Kakalabas ko lang sa opisina ni HM Alaro. May importante kasi siyang sinabi sa akin. Yun ay ako ang napiling estudyante mula sa Horos na inimbitahan ng El Mahika Akademya na maging isa sa kanilang mga estudyante.

Ang El Mahika Akademya ay ang pinakamalaking academy sa mundo namin. Ang mundong tinatawag na Galaxia, na hinati sa labing apat na Region.

Una ay ang Valir region. Kilala sila na magagaling na mandirigma. Ang kanilang kakayahan ay ang pagpalabas at paggamit ng Apoy. Kilala silang madaling magalit. Sa ibang salita, mainitin ang ulo.

Pangalawa ay ang Region ng Aqua. Dito naninirahan ang mga taong nakatira sa ilalim ng karagatan. Syempre, ang kanilang kakayahan ay ang tubig. Kilala silang mahigpit na katunggali ng mga taga Valir dahil sa ang tubig ang siyang maaring kahinaan ng apoy. Kilala rin ang mga taga Aqua bilang magagaling na healer gamit ang tubig.

Ang region naman ng Airo ay kilalang mahahanging linalang kagaya nalang ng kanilang kapangyarihan, ang hangin.

Kung ang region ng Madim ay ang lupa, ang pagkontrol naman sa bato ang kakayahan ng Magom region.

Ang Ayron region ay may kakayahang gumawa at magmanipula ng metal. Habang  ang Kedai region ay may kakayahang magpalabas ng asido.

Kilala ang Acean region na mga cold persons -not literally though. Ang mga ugali nila ay kagaya ng kanilang mga kapangyarihan, ang yelo.

Kilala naman ang region ng Darkum bilang pasaway ng mga tao. May kakayahan silang kulay itim na usok. Hindi naman sila masama katulad ng iniisip ng iba. Sadyang mapaglaro lang talaga ang mga taga Darkum.

Sunod naman ay ang Lithia. May kakayahang magpalabas ng liwanag at kuryente. May kakaibang bilis gaya ng sa kidlat.

Panglabing-isa ay ang region ng Eldon na may kakayahang paamuhin ang kahit anong mababangis na hayop.

Sunod ay ang Manipular region. Kilalang magagaling magmanipula ng mga taong may mababang level ng kapangyarihan kesa sa kanila. Kaya rin nilang manipulahin ang araw, gabi, ulan at bagyo.

Ang region ng Majika naman ay kung saan naninirahan ang may iba't-ibang uri ng kakayahan na iniisip ng ilan na wala raw'ng  silbi, which is wrong. Ang region na ito ang pinakamalaking region sa labing apat.

At ang panghuli ay kung saan ako nabibilang, ang Horos region. Kilala ang aming region bilang pinanggagalingan ng katalinuhan. Pero ang kakayahan namin ay ang kalikasan. Kahit anong may koneksyon sa natural na kalikasan ay kaya naming kontrolin.

Pero mabibilang lang sa mga kamay ang may ganitong level ng kakayahan. Kadalasan kasi ay yung mga basic lang na related sa kalikasan ang makokontrol ng karamihan. Kaya tinagurian ang region namin bilang pinakamalakas na region sa lahat. Kaya kinaiinggitan ang region namin.

Elders naman o rulers ang tawag sa nagbibigay ng peace and order sa mundo ng Galaxia. Bawat region ay may isang Elder na nagpapatupad ng mga batas. Kumbaga sila ang Hari o Reyna na bawat region. Kapag nagsama-sama ang mga ito ay tinatawag silang council. Kung hindi dahil sa kanila ay baka matagal ng magulo ang aming mundo.

The Tale Of The First Legend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon