Chapter 5

114 18 0
                                    

Third Person's POV

Lahat ay napahanga sa ipinamalas na galing ng apat na representante. Talagang karapat-dapat sila na mapunta sa pinakamataas na section, ang kinabibilangan ng pinakamalakas na mga estudyante sa academy. Ang section ng Eligere, na may anim na estudyante lamang sa kasalukuyan.

Pero mas humanga sila sa angking galing na meron ang dalagang pinagtutulungan ng tatlo. Pati ang Headmaster ay napapanganga dahil simula ng itayo ang paaralang ito, ngayon lang siya nakakita ng taga Horos na kayang ilampaso ang tatlong malalakas na representante ng iba pang hindi basta-bastang rehiyon ng ganun-ganun lang.

Ang mga nagdaang kalahok na mula rin sa Horos ay kaya ring makipagsabayan sa mga iba pang representative pero hindi rin kinaya ng pagtulungan ito. Hindi katulad ngayon na parang nakikipaglaro lang si Jara sa tatlong lalaki. Kahit sabay-sabay na sumusugod ang tatlo ay nakikita parin ang kalamangan ng dalaga sa tatlo. Sanay na sanay ito sa paggamit ng kapangyarihan na halatang hindi pa nagseseryoso sa laban. Habang ang tatlo naman ay naghalohalo na ang pawis at dugo sa katawan habang pagod na pagod na. Pero makikitaan parin ng determinasyon ang mga mata nila habang nakikipagsabayan sa dalaga.

Mabilis na tumalon ang dalaga upang iwasan ang napakaraming palaso na mula sa apoy. Agad siyang gumawa ng invisible shield gamit ang pagkontrol ng hangin ng mapansin ang hindi normal na kidlat at ulan sa lugar na tinatayuan niya. Alam ng dalaga na manghihina ang sino mang matatamaan ng minamanipulang panahon. Yan ang kakayahan ng mga taga Manipular region.

Agad siyang nagpatubo ng malaking puno sa kanyang likuran ng maramdaman ang mga invisible needles na gawa sa yelo. Nagpalabas ng mga thorn ang dalaga at sabay na pinalipad sa tatlo at bago pa sila makaiwas ay nakapulupot na ang mga ugat sa kanila. Kaya napapamura nalang ang tatlo saka nagkanya-kanyang gumawa shield. Pero ano ba't dere-deretso lang ang mga ito na lumagpas sa gawa nilang shield. Kaya wala na silang nagawa ng tumarak sa ibat-ibang parte ng katawan nila ang mga tinik.

Susugod pa sana si Jara pero ang kanyang prinoprotektahang krystal ay umangat ulit sa ere bago naging tatlong maliliit na itim na krystal. Wala pang segundo'y mabilis ang mga itong napunta sa tatlo.

Ang kaninang nakagapos na mga ugat ay nawala at bumalik sa dating pwesto nito. Kaya napatingin sila sa babaeng ngayon ay may malaki silang respeto at paghanga. Napatulala nalang ang tatlo ng ngumiti ito. She's beyond beautiful especially when she smiles.

"It's a great privilege for me to fight against with the three of you. It's worth while." Huling narinig nila bago sunod-sunod na naglaho at eteneleport pabalik sa gitnang parte ng arena.

"So as you can see, nakuha ng Manipular, Acean at Valir ang itim na krystal. Ibig sabihin, ang ating anim na estudyante ng Eligere ay madadagdagan ng tatlo. Ikinagagalak kong ipapakilala ang bagong myembro ng Eligere section. Kleinon Feiro ng Valir region. Xyrus Lindon ng Manipular region. At Xennone Lancaster of Acean region!" Lahat ay pumalakpak.

Pero mas nangibabaw ang bulungan ng mga estudyante. Lalo na ang tatlong lalaking nagmula sa Eligere. Bakit tatlo lang ang napasama sa Eligere section? Bakit hindi kasali si Jara sa kanila? Kung nakita naman ng lahat ang galing na taglay ng dalaga?

"Ang tungkol naman sa section ng representative na nagmula sa Horos, ang Headmaster na ang bahalang magpaliwanag." Anito. Mas umugong naman ang ingay ng lahat. Lumapit naman si Anado sa harapang bahagi ng entablado bago magsalita.

"Alam kong nagtataka kayo kung bakit hindi kasali sa Eligere section ang representative ng Horos." Panimula nito. Tumahimik naman ang lahat at hinintay ang paliwanag ni Anado.

"Sa kauna-unahang pagkakataon, hindi natalo ang representative ng Horos mula sa isang labanan laban sa ibang rehiyon. Kaya naman, seguro ay ito na ang panahon para malaman ng lahat na may mas mataas pang section kaysa sa Eligere. Ang Legend. Ang krystal na nagre-represent dito ay ang kulay ginto. Seguro ay hindi niyo namalayan o napansin kanina, pero bago pa matapos ang labanan na naganap ay nag-iba ang kulay ng krystal." Nagbulungan naman ang mga estudyante. Hindi kasi nila ito napansin dahil sa tutok sila sa laban.

"So that explains everything." Ani Kendo sa isip. Napansin niya rin kasi ang pag-iba ng kulay nito kanina na siyang pinagtataka niya. Kahit siya ay ngayon lang rin nalaman na may mas mataas pa palang section kesa sa kinabibilangan niya. Batid niyang kahit ang mga guro at trainor ay walang alam dito maliban sa Headmaster. Pagkatapos niyang mapansin ang pag-iba ng kulay ng krystal ni Jara ay nakita niya ang pagbulong ng Headmaster sa facilitator kanina. At nakita niya ang pagkalito sa ekspresyon ng facilitator matapos itong mabulongan ng Headmaster.

"Anong sekreto pa ba ang itinatago mo sa lahat, Headmaster Anado?" Ani niya sa isipan.

"Ikinagagalak kong ipapakilala sa lahat ang pinakaunang estudyante ng Legend section. Si Ms. Jara ng Horos region!" Nagpalakpakan naman ang lahat kahit pa sila ay gulat parin sa panibagong kaalaman na natuklasan.

Agad nawala ang apat sa gitnang parte ng arena at dinala sa clinic. Doon na bumigay ang pagod na katawan ng apat na magigiting na estudyante.

The Tale Of The First Legend [Completed]Where stories live. Discover now