Chapter 2

353 20 0
                                    

Fleia's POV

Kakababa ko lang sa karwaheng mula sa akademya na sumundo sa akin sa Horos. Apat na araw ang naging biyahe ko mula Horos hanggang dito. Madadaanan pa kasi namin ang dalawang region, ang Acean at Eldon. Sinuot ko muna ang cap ko saka ang hood dahil sa alam kong makakakuha ako ng atensyon lalo na at bago pa ako dito. Mas mabuti ng itago ko muna ang mukha ko.

Kaagad akong linapitan ng isang nakangiting babae na sa tingin ko ay ang siyang inatasan para itour ako sa academy.

"Magandang hapon sa iyo binibini. Ako si Anite, ang mag-eescort sayo sa loob."

Napatingin naman ako sa paligid at namangha sa aking nakita. Totoo ngang napakaganda ng kapaligiran ng academy. Makikita mo ang ibat-ibang bulaklak na kakaiba ang itsura.

Madali lang talagang makuha ng kalikasan ang atensyon ko lalo na dahil ito ang kakayahan ko. Kaya sa tingin ko ay hindi ako magsisisi na pumunta dito. Sana nga. At sana ay maging exciting naman ang buhay ko dito.

Maraming napapatingin sa gawi ko. Siguro dahil alam na nilang ako ang estudyante na mula sa Horos. Marami pa nga akong nakitang umiirap at tinataasan ako ng kilay.

Nalaman ko kay Ms. Anite na apat lang kaming nakapasa sa standards ng academy. Ayon rin sa kanya, kahapon pa dumating ang tatlo ko pang kasama. At sa kasamaang palad, ako lang ang nag-iisang babae sa grupo.

Doble ang laki ng Academy kung ikokompara sa academy ng Horos. Kaya seguradong hindi ko agad makakabisa ang bawat lugar.
May inutusan naman si Ms Anite para dalhin ang mga gamit ko sa dorm naming apat na representative. Dito kasi sa El Mahika ay okay lang na magkaka dorm mate ang babae at lalaki. May tiwala naman daw sila sa mga estudyante nila. Well, so far ay wala pa naman akong narinig na kababalaghan na nangyari dito. At dahil wala pa kaming selected section, magkakasama muna kaming apat sa isang dorm.

At exactly 5:56 pm ay natapos niya akong itour sa half part ng academy. 1:00 pm kasi ako dumating dito. Ibig sabihin, ilang oras na kaming palakad-lakad pero hindi parin namin natapos ang tour session.

Andito na ako ngayon sa labas ng dorm namin. Hinihintay na buksan ang pinto mula sa loob. Hindi pa kasi ako registered dito as a student kaya hindi pa gagana ang finger print scanner sa akin.

Napahawak naman ako ng mahigpit sa strap ng aking back pack ng magclick ang door knob. Pagbukas ng pinto ay bumungad sa akin ang isang matipunong lalaki.

"What do you want?" Naiinip nitong tanong. Surely he's from the region of Valir. Agad kong pinakita ang dorm number ko at nagets naman niya dahil tumalikod na siya at iniwan ang pinto na nakabukas. Kaya pumasok na ako at inilibot ang paningin sa kabuuan ng dorm. Not bad though.

"So, you are the girl from Horos." Napatingin naman ako sa lalaking nakaupo sa bintana ng magsalita ito. Tumango nalang ako dahil hindi naman ako ganon ka palasalita.

"I'm Xyrus by the way. From Manipular region. Yung nagbukas naman ng pinto ay si Kleinon ng Valir at yan naman si Xenon, mula sa Acean." Tukoy niya sa lalaking kakalabas lang galing sa pintuang hula ko ay ang cr. Dahil nakatapis lang ito ng lumabas. Tumango lang ako at tinignan ang apat na kama sa kabilang parte ng silid. Nahihiwalay lang ang apat na kama dahil sa mga may kalakihang closet na nakapagitna ng bawat kama.

Bumaba naman si Xyrus sa bintana at saka lumapit sa akin at itinuro ang kama ko. Si Xyrus at Kleinon ang umukupa sa magkabilang gilid kaya ako at si Xenon ang nasa dalawang kama sa gitna. Bali napapagitnaan ang kama ko ng kay Xenon at Kleinon.
Agad akong lumapit sa kama ko at umupo saka tinanggal ang suot kong hood at cap. Liningon ko naman si Xyrus.

"Jara. Ako si Jara." Pakilala ko dito bago nagsimulang iayos ang pwesto ng dala kong maleta. Hindi ko na inilagay sa closet ang mga gamit ko dahil alam ko namang aalis rin naman kami sa dorm na ito.

The Tale Of The First Legend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon