Chapter 16

68 13 0
                                    

Jara's POV

Pagpasok ko sa loob ng meeting room ng Council ay nadatnan ko ang mga Elders na tahimik na nakiramdam sa paligid. Pati ang Headmaster ng Akademya ay andito.

"Nais kong may pumalit sa akin bilang isang Elder ng Horos." Bungad ko ng makaupo sa pwesto. Gulat namang napatingin sa akin ang mga ito.

"A-anong ibig mong sabihin?" Ani ng Elder ng Eldon.

"Aalis na ako sa pwesto bilang Elder."

"Alam mong hindi basta-basta ang pag alis sa pwesto mo, Elder ng Horos. Maliban nalang kung may sapat o balido kang rason." Ani ng taga Lithia.

"Tama siya. Mahihirapan tayong maghanap ng ipapalit sa pwesto mo. Wala na akong nakikitang may kasing galing ko sa pakikipaglaban upang matalo ka." Ani ng taga saan pa ba diba?

"Hindi natin maaaring maipapabalik sa pwesto ang Elder na pinalitan mo. Hindi natin siya mahagilap hindi ba? Kaya hindi ka pwedeng umalis sa pwesto mo." Ani naman ng taga Ayron.

"Ba't ka aalis sa pwesto mo?" Napatingin kami sa pinanggalingan ng malamig na boses. Ang Elder ng Acean. Sa pagkakaalam ko ay nakakatandang kapatid ito ni Xenon.

"E-ehem, may gusto lang akong malaman. Anong kailangan niyo sa akin at ipinapunta niyo ako dito?" Biglang singit ng Headmaster. Kaya napatingin sa kanya ang lahat. Halos mapatawa naman ako ng makita ang paglunok nito.

"Kaya ko pinatawag ang Headmaster sa meeting na ito ay sa parehong dahilan. Kailangan niyang malaman ang mga pag-uusapan natin ngayon." Napakunot naman ng noo ang mga Elders ng ibaling nila ang tingin sa akin. Habang ibinaling ko naman ang pansin sa Headmaster.

"Tungkol sa pag-alis ng Legend." Nagtaka naman sila sa sinabi ko.

"Kailan ang alis ng Legend?" Dagdag ko habang nakatingin sa Headmaster.

"Sa isang buwan na mula ngayon. Kailangan ko pa ngang makausap ang estudyanteng iyon tungkol dito." Sagot ng Headmaster.

"Ano nga palang balita sa Final Ranking?" Tanong ng taga Magom. Ikwenento naman ng Headmaster ang nangyari sa laban. Hindi nga pala siya nakasama sa sekretong pagbisita ng ng mga Elder sa akademya nung panahong iyon. Kaming dalawa lang ang hindi nila kasama sa araw na nanuod sila sa final ranking.

"Karapat-dapat nga siyang ipadala sa ibang mundo. Hindi kwestiyunable ang kanyang kapangyarihan." Tumatangong saad ng taga Valir.

"Paano kung hindi siya papayag na pumunta sa mundo ng Milkeia?" Biglang saad ng taga Majika. Natahimik naman ang lahat at inisip ang mga posibilidad.

"Ilalagay sa kanya ang Sumpa ng walang Nakaraan." Ngising bigkas ng taga Darkum.

"Malaki ang posibilidad na mangyayari iyan. Lalo na at nabalitaan ko ang tungkol sa pagiging magkasintahan ng Legend at ng anak mo Elder Kerrion. Kamusta na pala sila?" Ani naman ng taga Manipular. Nagkibit balikat lang ang Elder ng Lithia.

Napahinga naman ako ng malalim. Kung alam ko lang kung ano ang palatandaan ng pagiging isang Legend ay seguradong hindi ito mangyayari ngayon. Ang mga naitatalagang Headmaster lang kasi ang nakakaalam kung paano makilala ang Legend, na ipinasa pa sa kanila simula sa naunang mga Headmaster hanggang sa kasalukuyan. Hindi ito ipinagbigay alam sa mga Elders simula pa noon.

"Huwag kayong mag-aalala, hindi mangyayari iyan." Ani ko saka tinanggal ang suot na maskara at hood.

"J-Jara." Rinig kong mahinang sambit ng Headmaster.

"Hindi ko naman na seguro kailangan pang ipakilala ang sarili ko sa inyo hindi ba? Nasaksihan niyo naman sa Final Ranking, tama ba?" Nakangisi kong saad. Nakahuma naman sila sa gulat saka napaiwas ng tingin.

"Kaya pala. No wonder." Komento ng taga Madim.

"Tama nga ang hinala ko. Ang talino ko talaga." Saad naman ng taga Airo.

"Ito ba ang dahilan kung bakit ka aalis sa pwesto mo?" Seryosong tanong ng taga Lithia. Tumango naman ako.

"Paano iyan? Sino ang papalit sa pwesto mo?" Tanong naman ng taga Aqua.

"May napili na ako. Nasubukan ko na ang kanyang kakayahan at nasaksihan niyo pa ang isa sa mga naging laban namin. Responsable rin siya at hindi nagpapabaya." Ani ko.

Tumawag naman ako sa lobby para ipapasok na ang isa pang bisita na ipinapunta ko dito. Pagkatapos kong maisuot muli ang maskara at hood ay ang siyang pagbukas ng pintuan. Ayaw kong malaman ng bagong bisita kung sino talaga ako. Tama na ang ilan na nakakaalam sa totoo kong pagkatao.

"Meilton." Bigkas ng Headmaster sa pangalan nito. Pero nanatili siyang tahimik na nagmasid at nakiramdam sa paligid. Tama. Si Meilton Avino ang bisitang sinasabi ko.

"Kilala niyo naman seguro siya, hindi ba?" Nagsitanguhan naman ang lahat.

"Bakit niyo ako pinatawag?" Tanong nito na para bang hindi nararamdaman ang mabigat na tensyon sa apat na sulok ng silid. Dumapo naman ang malalamig niyang mata sa gawi ko.

"Napagpasyahan ng Elder ng Horos na bitiwan na ang kanyang pwesto. At ikaw ang napiling papalit sa kanya." Sagot ng taga Kedai.

"Masyado naman ata kayong padalos-dalos sa desisyon niyo." Napailing nalang ako. Ganyan na talaga siya simula pa noon. Sinabi niya rin sa akin na pangarap niyang maging isang Elder. At nang makita kong karapat-dapat siya sa pwestong inaasam niya, bakit hindi?

"Nakita namin ang taglay mong galing sa pakikipaglaban at ang pagiging responsable. Kaya wala na akong ibang nakitang dapat sa pwestong ito maliban sa iyo." Paliwanag ko. Hindi naman siya sumagot at para bang may iniisip.

"Bigyan niyo ako ng isang araw para magdesisyon." Tumango lang ako.

Pagkatapos ng usapang iyon ay pina una naming umalis ang dalawang bisita. Kailangan pa naming pag-usapan ang napapabalitang kakaibang mga pangyayari sa Kedai region.

Kanya-kanyang nagsialisan ang mga Elders pagkatapos ng pulong hanggang sa ako nalang at ang Elder ng Lithia ang natira.

"Alam ba ni Kendo ang tungkol dito?" Tanong nito.

"Ang pagiging council? Sinabi ko na sa kanya." Tumango naman siya. Tumahimik na naman kami.

"Kailangan mo siyang iwan." Maya-maya'y saad nito na siyang ikinatango ko.

"Kakausapin ko pa siya tungkol dito." Sumang-ayon naman siya saka namin napagpasyahang lumabas na ng silid. Bago pa man siya makalayo sa akin ay lumingon siya sa gawi ko.

"Gusto kita para sa anak ko. Nakalimutan kong sabihin." Saka siya nagpatuloy sa pag-alis. Napailing nalang ako.

Isang seryosong tao si Kerrion Kyo Herrer. Pero mas seryoso at malamig parin ang kanyang anak na si Kendo Kai.

The Tale Of The First Legend [Completed]Where stories live. Discover now