Chapter 11

84 12 0
                                    

Third Person's POV

"Let's fight. Kung ikaw ang mananalo, hahayaan kita kay Rielle. Pero kung ako ang mananalo, hayaan mo kami ni Rielle at aalis ka sa akademya at hindi na babalik." Seryosong hamon ni Kendo kay Londille. Malaki ang tiwala ni Jara sa nobyo. Hindi naman naturingang leader ng Eligere si Kendo para sa wala.

Suhestiyon ni Kendo na sa Field sila maglalaban ni Londille dahil alam nilang maraming masisira kung sa loob sila ng arena. Marami rin ang estudyanteng nanunuod ng mabalitaan ng lahat ang magiging laban. Hindi naman hinahayaan nina Jara na makalapit ang mga estudyante sa kanila dahil baka maraming maaapektuhan kapag magpapalabas na ng aura ang dalawang maglalaban. Nakagawa pa si Jara ng malaking Force field barrier bago magsimula ang laban. Ito ang poprotekta sa mga manunuod.

Naunang sumugod si Londille. Agad itong nagpalabas ng water spheres na hindi na mabilang sa dami. Hindi lubos maisip ng nakakarami kung sino ang mananalo sa laban. Aqua laban sa Lithia. Pawang mga malalakas at kinakatakutang Region sa buong Galaxia. Guro laban sa estudyante. At labanan para sa isang babae.

Agad na pinatamaan ni Kendo ng kidlat ang mga spheres na papunta sa kanya. Nagtagal pa ang laban na si Londille ang palaging opensa at si Kendo naman ang nasa depensa.

Dahil sa galit at inis ni Maser dahil hindi niya naman napupuruhan ang kalaban, sinumon niya ang kanyang sandata na gawa mismo sa kanyang kapangyarihan. Agad niyang sinugod si Kendo pero madali lang itong nasanggi ng kalaban gamit din ang sarili nitong espada.

Dahil ayaw nang patagalin ni Kendo ang laban, siya naman ang mabilis na umatake sa kabila. Dahil sa hindi nakapaghanda ay hindi nasangga ni Maser ang ginawang tira kaya natamaan siya sa balikat. Hindi na siya pinagbigyan pa ng pagkakataon na makasugod pabalik kay Kendo.

Ilang sandali pa nga ay puno na ng sugat at dugo ang natamo nito. Pero hindi pa nakuntento si Kendo. Agad siyang nagpalabas ng light energy dahilan na mapapikit si Maser dahil sa liwanag nito.

Malakas na sigaw ang umalingawngaw sa paligid ng matamaan si Londille ng light energy. Nang mawala ang liwanag ay tumambad sa kanila ang naghihingalong si Londille. Sa huli, kahinaan parin ng tubig ang kuryente.

"Hindi! Hindi maaari! Hindi ako papayag na mapapasayo si Jara! Babawiin ko siya!" Galit na sigaw ni Londille kay Kendo.

"Natalo ka, Maser. Tanggapin mo ang pagkatalo mo." Pero mas lalong nagalit si Londille sa sinabi ni Kendo. Tumingin ito kay Jara.

"Babalikan kita, Jara! Ang sino mang hahadlang ay papatayin ko! Papatayin ko! Akin ka lang!" Huling habilin nito saka nawala sa kanilang paningin gamit ang isang uri ng mahika na may matataas lang na antas ang may kayang gumawa. Ang teleportation through water kung isa kang water user. Kaya walang nagawa ang lahat na huhulihin sana si Londille dahil sa ginawang banta nito.

Jara's POV

Lumipas ang mga araw at dumating ang pinaka hinihintay ng mga estudyante. Ang Ranking month. Marami ang maagang nagtungo sa pinakamalaking arena ng Academy. Lahat ay hindi magkamayaw sa excitement na nadadarama. Lahat ay may iba't-ibang hinuha at opinyon ukol sa nasabing paligsahan. Ilang saglit pa nga ay nagsimula na ang opening program.

"Ang unang kalahok na makikipaglaban ngayong araw hanggang bukas ay si binibining Jara ng Legend section. Ang una niyang makakaharap ngayong araw ay galing sa Manipular Region. Si ginoong Canon Lindon. Isa lang ang rule ng paligsahan, at yun ay ang bawal pumatay.

Pagkatapos ng unang laban ay may gagawing isang oras na pahinga bago magsisimula ang pangalawa hanggang sa panghuli. Sa paligsahan na ito, kung sino ang may matatalong walo o pitong katunggali ay ang siyang makakalahok sa Final Ranking.

The Tale Of The First Legend [Completed]Where stories live. Discover now