Chapter 10

90 13 0
                                    

Jara's POV

Kendo brought me to a place where everyone would give their best not to destroy the place. It is magical yet calming. Napatingin naman ako kay Kendo na ngayon ay nakaupo na sa inilapag niyang blanket.

I saw amusement in his eyes pero ipinagsawalang bahala ko nalang iyon. Nang umupo ako sa tabi niya ay may ibinigay siya sa aking sobre. Kaya napatingin ako sa kanya. Pero nagkibit balikat lang siya ng makitang parang nagtatanong ang aking mga mata. Tumayo naman ako at lumayo sa kanya bago buksan ang sobre, pero napatigil ako ng makita ang seal.

Hindi ako maaaring magkamali. Ito ang seal ng ama ko. Panong napunta sa kanya ang sulat ni Ama? Agad ko itong binuksan at binasa ang nakasulat, walang pag-aalinlangang si ama ang may-ari ng sulat kamay na ito.

Mahal kong Anak,

                             Kamusta ka na? Miss ka na nga pala ng iyong ina. Oo nga pala, ang lalaking kasama mo ngayon, si Kendo. Alam mo bang naglakbay siya hanggang dito sa Horos para lang humingi ng permiso na ikaw ay kanyang ligawan. Bilib na nga ako sa kanya dahil walang takot siyang humarap sa amin, sa kabila ng kaseryosohang ipinakita namin ng iyong ina. Naaalala ko tuloy ang panliligaw ko sa iyong Ina noon, ganyan na ganyan din ang ginawa ko. Nakita kong totoo siya at walang masamang intensyon sa iyo. Hanggang dito nalang anak. Pagbutihin mo ang iyong pagsasanay diyan anak. Ikaw ang nag-iisang legend namin ng iyong ina. Mahal na mahal ka namin. Nga pala, nasabi ko sa kanya ang tungkol sa karelasyon mo noon na si Meilton. Hehe.

                                Nagmamahal,
                                     Iyong Ama

Napangiti nalang ako sa nabasa at bumalik sa pwesto ko kanina sa tabi ni Kendo.

"Ano ang pakiramdam na nakaharap mo sina Ama?" Tanong ko at humiga sa blanket. Kakatapos lang mag sunset kaya makakakita ka ng mga bituin sa kalangitan. Binigyan niya muna ako ng sandwich. Mga pagkain kasi ang nasa loob ng basket na dala niya kanina.

"Parang ilang saglit lang ay mamamatay na ako sa kamay nila. Pareho silang seryoso at nakakatakot ang presensya." Kwento niya na parang nakakatakot talaga. I chuckled hearing him telling about my parents. Napatigil naman ako ng makitang nakatingin siya sa akin.

"What?"

"You should smile often. You're more beautiful than having that poker face you always wear." Komento niya.

Ano nga pala ang plano during the Ranking?" Tanong ko.

"I will not hold back to you. You're a legend and I'm just an Eligere. It means you are more powerful than us. Okay lang ba iyon sa iyo?" Aniya.

"Good. Let's give our best during the fight. No attachment."

"We should go back. It's late, may klase pa tayo bukas." Aya niya kaya tumango ako. Inilahad niya naman ang kanyang kamay para makabangon ako. Walang pag-aalinlangan ko itong kinuha.

He have permission from my father anyway. So why would I hold back myself to him of I am sure that he is willing to catch me, right?

Hinatid niya lang ako hanggang elevator. Pagpasok ko sa silid ay agad na akong humiga, minumuni ang mga nangyayari. Handa ba akong masaktan? Alam kong walang perpektong pagmamahalan kaya kung papayagan kong pumasok si Kendo sa buhay ko, seguradong may mga pagsubok kaming kakaharapin.

Hindi naman ako pa hard to get na babae, kaya kung alam kong handa na ako, bakit ko pa papatagalin ang pangliligaw ni Kendo? Alam kong may konting puwang na siya sa puso ko.

Nagising ako ng may maamoy akong mabango na mula sa kusina. Si kendo seguro yun. Agad na akong naghanda at ng matapos ay agad akong pumasok sa kusina. And I'm right, si Kendo nga. Nagluluto siya ng ilang ulam at kanin.

"Good morning." Bati ko kaya napatingin siya sa gawi ko.

"Good morning." Bati niya pabalik sabay ngiti. Tinulungan ko na siyang maghanda dahil baka malate pa kami. Habang kumakain ay binasag ko ang katahimikan.

"Alam ba ng mga magulang mo, na may nililigawan ka ngayon?" Umiling naman siya.

"Ikaw palang ang unang babaeng nakakuha ng atensyon ko. Kaya first time sa akin lahat ng ginagawa ko ngayon." Kwento ni Kendo. Napatango naman ako.

"Pero segurado akong alam na nila Ama ang tungkol dito. Alam na ng buong Academy ang tungkol sa panliligaw sa iyo, sila Ama pa kaya na maraming mata rito." Umiiling na saad niya.

"Handa ka bang ipaglaban ako?" Seryoso kong tanong. Nakita kong tumigil siya sa pagkain at tinignan ako ng seryoso.

"Ikaw ang pinakaunang inalayan ng aking puso. Kaya handa ako sa mga mangyayari at handa din akong ipaglaban ka." Seryoso niyang saad.

"Alam mo bang may malaki akong responsibilidad sa ating mundo?" Napakunot naman siya ng noo.

"Anong ibig mong sabihin?" Taka niyang tanong.

"Pano kung malaman mong..... Isa akong.... Isa ako sa mga Elder?" Napatigil naman siya at tinignan akong mabuti bago magsalita.

"Naniniwala ako sa sinabi mo. At kahit ano o gaano pa man kalaki ang iyong responsibilidad, susuportahan kita." Lumiwanag ang kanyang mata ng parang may narealize.

"Sabihin mo sa akin, pinapayagan mo na ba akong maging nobyo mo?" Kita ko ang galak sa kanyang mga mata.

"Oo. Bakit papatagalin ko pa kung handa ka naman sa lahat?" Ngumiti siya bago linigpit ang mga pinagkainan namin.

"I told you to stay away from them, Jara. But what is this rumor I'm hearing!?" Yan ang bungad ni Londille pagpasok ko sa loob ng training room ng Legend.

"Ano ba talaga ang dahilan at ayaw mo akong ipalapit sa kanila? You're just my trainor, Londille. Just a trainor. You have no right to tell me what to do and not." Sino ba siya para pagbawalan akong lumapit kila Kendo at sa Eligere.

"You're crazy Londille." Dagdag ko pa.

"Can't you see, Jara? Can't you feel the love I have for you?! Huh?" Napatigil ako sa sinabi niya. What did he just said?

"You're not good at joking, Londille. Come o-"

"I loved you since the first day i saw you, Jara! And gusto kong suklian mo rin yun ng pagmamahal!" Sigaw niya.

"It's not love, Londille. I'm not the one for you." Saad ko dito.

"It's love Jara! And you're mine, mine alone! No one can get you away from me!" Napatigil na naman ako sa sinabi niya saka umiling.

"What's this scream we heard outside?" Napatingin kami sa nagsasalita. It's Headmaster with the Eligere behind him.

"Ah, nothing Headmaster. We're ju-"

"I won't let someone to steal her away from me, Headmaster! Especially to him!" Sigaw nito saka sinugod si Kendo pero biglang naging Ice ang kinatatayuan niya kaya hindi siya nakakagalaw. I think it's not an ordinary ice.

"Arghh! Get this out from me! I'm going to kill him, Headmaster! Get this Ice of yours!" Napataas naman ang kilay ko sa sinabi ni Londille.

"Stop it already, Maser." Maawtoridad na utos ni Headmaster. Pero umiling lang ito.

"I'm not going to let you do that, Londille." Seryoso kong saad.

"No! You're only mine, Jara! Mine! I'll kill him! Let me go!" Pagpupumiglas nito. Napansin ko namang lumapit si Kendo sa akin at pinulupot ang kanyang kamay sa beywang ko. Halos magtayuan naman ang balahibo ko sa leeg ng inilapit niya ang kanyang mukha sa akin at bumulong.

"I want to make a deal with him..." Pagkatapos kong marinig ang plano niya ay agad akong pumayag. I am starting to trust him anyway.

"Get that hand of yours away from Jara!" Sigaw na naman ni Londille.

"You're obsessed, Londille." Saad ko. Magsasalita pa sana siya ng maunahan siya ni Kendo.

"Let's make a deal, Maser."

The Tale Of The First Legend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon