Chapter 12

72 10 0
                                    

Third Person's POV

Napuno ng tensiyon ang arena pagpasok ng magkatunggali sa gitna ng arena. Seryosong mukha ang mababakas kina Jara at Canon. Ilang saglit pa nga ay naunang sumugod ang lalaki. Agad nitong pinatamaan sa tagiliran si Jara gamit ang kanyang Lancer. Agad namang nakaiwas ang dalaga at binato ang lalaki gamit ang dala nitong kunai.

Mabilis namang nakaiwas ang lalaki at sinubukang manipulahin ang babae para tumigil ito sa pagbato ng patalim sa kanya. Pero laking gulat nalang ni Canon dahil hindi man lang ito naapektuhan. Kaya agad niyang sinumon ang mga ulap sa kinalalagyan ng dalaga at mabilis na ipinabuhos ang malakas na ulan.

Ang taong matatamaan ng ulan na nagmula sa minapulang ulap ng mga taga Manipular, kahit pa isang patak lang nito ay seguradong manghihina.

Agad namang gumawa ng shield ang dalaga at mabilis na kinontrol ang hangin at tinulak ang ulap papunta sa komukontrol nito. Dahil sa hindi ito inasahan ng lalaki sa kadahilanang hindi niya inakala na makokontrol ng kalaban ang hangin, huli na para iwasan ang rumaragasang ulan. Kaya naman ay siya ang nanghina.

At dahil walang plano ang dalaga na patagalin ang mga laban niya ngayong araw, hindi na niya binigyan pa ng pagkakataon na makabawi ang lalaki. Agad na kinontrol ng dalaga ang lupa at kinulong dito ang nanghihinang lalaki na mas nagulat sa nakita.

Katulad ng reaksyon ng lalaki, ganoon din ang halos karamihan sa mga estudyante. Hindi nila inakalang kayang kontrolin ng dalaga ang dalawang elemento. Napatunayan nilang hindi basta-basta ang babaeng nakikita nila ngayon na nagmula sa pinakamalakas na region ng Galaxia, ang Horos.

Natapos ang laban na may ngiti sa labi ni Canon. Isang napakalaking karangalan para sa kanya ang makalaban ang pinakamalakas na estudyante ng El Mahika. Ayon sa balitang nalaman niya pagbalik nila, tinalo ng dalaga ng magkasabay ang tatlong lalaki na napasama sa Eligere section ng walang kahirap-hirap.

Alam niyang hindi niya matatalo si Jara. Dahil kahit si Kendo na hindi niya matalo-talo ay seguradong mahihirapan kapag sila na ng dalaga ang magkakaharap.

"Hindi mo sineryoso." Bungad ni Kendo pagdating ng kanyang nobya na hindi man lang pinagpawisan. Ngiti lang ang naging tugon ng dalaga. Hindi minamaliit ng dalaga ang kakayahan ni Canon, subalit alam niyang bukas ay makakalaban niya ang pinakamalakas na estudyante dito. Kailangan niyang ireserba ang lakas para sa laban nila ng kanyang nobyo.

Kung maaari ay hindi niya ipapalabas ang iba pa niyang kakayahan para hindi ito mapag-aralan ng mga susunod niya pang katunggali.

"Alam mo ba kung ano ang premyo ng mananalo?" Biglang tanong ng dalaga. Umiling lang ang lalaki.

"Kung ano man ito, alam ko namang ikaw ang mananalo kaya masaya ako para sa iyo." Napailing ang dalaga sa sinabi ng nobyo.

'Kung alam mo lang. Masasabi mo pa kaya ang mga bagay na yan?' Ani ng dalaga sa kanyang isipan. Gustuhin man niyang magpatalo, hindi yun maaari. Dahil simula ng maging isa siyang ganap na Legend, ang resulta ng ranking month ay hindi na niya maiiwasan.

Matalino si Kendo. Napansin niyang ang Event na ito ay simpleng palabas lang. Dahil una palang, may nakatalaga ng mananalo. Ang totoong pakay ng ranking month na ito ay ang mas mahasa at makapagsanay pa ng mabuti ang nag-iisang Legend ng El Mahika. Pero kung tungkol naman sa premyo, hanggang ngayon ay wala parin siyang alam.

Pero kahit ganun pa man. Ibibigay niya ang lahat ng natutunan niya sa pagsasanay bukas kapag magkakaharap na sila ng kanyang nobya. Gusto niyang malaman kung gaano nga ba kagaling si Jara, at kung hanggang saan lang ang kaya ni Kendo.

Jara's POV

Nasa harapan ko ngayon ang susunod kong kalaban, si Xyrus. Pero imbes na sumugod ay umupo lang ito sa sahig.

"Malaki ang pinagbago ko sa training pero ganoon ka rin. Hindi rin naman ako mananalo sa iyo. Kaya irereserba ko nalang ang lakas ko para sa susunod na mga araw." Parang batang saad nito saka ngumiti. Pero nginisihan ko lang siya na siyang nagpawala ng ngiti niya.

Agad akong nagpakawala ng malakas na hangin at kinulong siya hanggang sa hindi na siya makahinga. Sinigurado ko namang hanggang sa mawawalan lang siya ng malay. Gusto kong iparamdam sa kanya na hindi dahil sa natalo ko na siya noon ay mas magandang hindi na siya lalaban ulit sa akin ngayon.

At dahil wala pang sampung minuto ay tapos na ang laban, agad ng sinunod ang laban namin ni Kleinton.

"Ikinagagalak kong makalaban ka ulit,  Ms. Legend." Bati nito sa akin ng makalapit.

Nauna siyang sumugod sa akin kaya naman ay napagpasyahan kong umiwas lang muna o di kaya sinasangga ang mga atake niya. Pero ng magtagal ay sumasabay na rin ako sa kanya.

Pisikal na labanan lang ang ginawa namin pero alam kong mabilis siyang kumilos kaya dapat ko siyang sabayan.

Third Person's POV

Halos hindi na makita ng mga manunuod ang galaw at atake na pinapakawalan ng dalawang magkatunggali dahil sa bilis at liksi ng mga ito. Hindi nila malaman laman kung sino ang mananalo. Pero ilang sandali pa ay nakita nalang nila si Kleinton na tumilapon bago sumuka ng dugo dahil sa impact ng sipa na ibinigay ni Jara.

Hindi nila ikakailang malakas talaga ang dalaga. Pero ang inakala nilang laban na tapos na ay hindi pa pala. Biglang nagpalabas ng fire ball ang lalaki at ibinato ito sa babae. Pero madali lang itong naiwasan ng huli saka nagpatubo ng mga baging na susundan ka kahit saan ka man magpunta. Umiwas naman si Kleinton o di kaya ay tumatakbo palayo sa mga baging na gawa ni Jara. Pero hindi rin nagtagal ay nahuli na ng mga baging ang lalaki na agad na pumulupot sa mga paa nito.

Kinuha rin ni Jara ang hangin sa katawan ng lalaki hanggang sa mawalan ito ng malay gaya ng kay Xyrus.

Pagkatapos ng laban ay inaya na ni Kendo ang nobya na kumain. Habang naglalakad ang dalawa, hindi maiwasang mainggit ng mga nakakakita sa kanila. Isang perpektong pares ang turing ng lahat sa kanila. Pareho ring biniyayaan ng magagandang itsura at kapangyarihang hindi basta-basta. Kaya wala nang naglakas loob na pumagitna sa relasyon ng dalawang malalakas na estudyante.

Pagkatapos nilang kumain ay hawak kamayng bumalik ang dalawa sa arena. Lingid sa kaalaman ng dalaga, may mga lalaking ang puso'y nadudurog habang nakatingin sa kanila. Sino nga ba ang hindi mahuhulog sa isang katulad ng dalaga na wala silang makitang ipipintas, sa ugali man o panlabas na anyo.

Kung agad lang silang gumawa ng paraan para maipakita ang nararamdaman sa dalaga ay baka sila pa ang kahawak kamay nito. Ngunit sadyang mabilis lang talagang kumilos si Kendo, dahil hindi na ito nagpaligoy-ligoy pa.

Pero dahil sa pag-ibig at mas timbang ang pagkakaibigan, nakayanan nilang ipaubaya ang dalaga sa nobyo nito ngayon dahil nakikita naman nilang masaya ito sa piling ng lalaking kahawak kamay ngayon.

Pagdating nila sa arena ay marami-rami na ulit ang mga manonood para sa laban na ilang sandali lang ay sisimulan na. Ang magiging katunggali ngayon ni Jara ay ang lalaking galing sa Darkum Region. At susunod naman ay ang kakambal ni Kleinton na si Kleion.

Katulad kaninang umaga ay gusto rin ng dalaga na matapos agad ang laban dahil malapit na siyang mapagod. Gusto na niyang magpahinga at maghanda para bukas dahil alam niyang sasabak siya sa isang seryosong labanan laban sa kaniyang nobyo.

The Tale Of The First Legend [Completed]Where stories live. Discover now