Chapter 8

98 14 0
                                    

Jara's POV

It's been three months since I started my outdoor training. And I can say, I improved a lot. I can now control the four elements. But I can't say na na-master ko na ito.

Kakauwi pa lang namin sa academy at exactly 9:40 pm. Kaya wala ng masyadong tao pagdating namin. Which is a favor for me.

Agad kong yinakap ang kama ko- not literally though. I miss it so much. It's been months that I've slept in a not so comfortable place to rest.

" Connect your soul to the water. Make it bond with you. Control it." Sinunod ko ang direksyon ni Londille.

"Calm your heart. Relax and empty your mind."

I can feel its presence. It's wonderful. Like it's calling me. It's wonderful voice is like a lullaby.

"Stop yourself Jara! Don't let it have control over you!" But I can't help it. It's presence is hypnotizing my soul.

Napamulat ako ng maramdaman ang papalapit na atake sa akin. Mga water spheres. Wala sa sariling itinaas ko ang kamay sa dagat at kumuha ng tubig dito na siyang ginawa kong pansalag sa atake ni Londille.

Malakas ang naging impact ng dalawang atake. Napansin ko nalang na sumusuka na ako ng dugo.

"Water is like the air. Kung kayang kunin ng hangin ang hangin mo sa katawan, kaya namang patigilin ng tubig ang dugong dumadaloy sa iyo."

Ipinagpahinga ako saglit ni Londille bago kami nagpatuloy sa pag-eensayo. Hindi ko inakalang napakahirap pala talagang kontrolin ang tubig. Kadalasan ay hindi ko ito napapasunod dahil mahina pa ang bond ko sa tubig.

"You can also gather water in your surroundings by gathering the small particles of fogs and such." Anito saka ako tinuruan kong paano.

Naabutan kami ng isang linggo bago ko napatibay ang bond ko sa tubig kaya naman mabilis ko nalang itong makontrol at mapasunod sa naaayon sa gusto ko.

Pero mas nahirapan ako sa pagkontrol ng dugo sa katawan ng tao. Hindi ko aakalaing mas mahirap pa siya kesa sa makikipag bond ka sa tubig.

And yes, si Londille ang pinag-ensayohan ko. Kahit papaano ay nagawa ko naman siya kaya ang itinuro niya naman ay ang hangin.

Hindi naman siya nahirapan sa pagturo sa akin dahil halos gamay ko na ang pagkontrol sa hangin. Kaya hindi na kami naabutan ng isang linggo.

Tas sinunod naman naming eensayo ang lupa. Hindi naman kami nagtagal sa Madim dahil hindi rin naman ako nahirapan dahil sa totoo lang, ang lupa ang pinakauna kong sinanay at kinontrol. Sadyang hindi lang ako komportable na gamitin ito kaya hindi ko pinapakita.

Pagdating namin sa Valir Region ay may sumalubong sa amin. Isa itong Preceptor ng Valir Academy, at nalaman kong pinsan pala ito ni Londille.

Ramdam ko namang kahit magpinsan sila ay may harang sa pagitan nila. Kung winala lang sana ng Valir at Aqua ang alitan ng dalawang region, hindi sana magiging ganito ang turing ng mga nasasakupan nila sa isa't-isa. Tss.

Kung hindi seguro para sa training ko, ay baka hindi na talaga makakapunta dito sa Valir Region si Londille. Mabuti nalang at may tinalaga ang El Mahika na siyang tutulong sa akin sa pagsasanay ng apoy.

Ang El Mahika academy kasi ang nagtalaga ng pagsasanay na dapat kong gawin.

"Ikaw pala ang taga Legend section. Ang pangalan ko ay Elliot. Ikinagagalak kong makilala ka binibini." Anito saka kinuha ang aking kamay at hahalikan sana pero tinabig ito ni Londille.

The Tale Of The First Legend [Completed]Where stories live. Discover now