Chapter 7

112 13 0
                                    

Jara's POV

Kakagising ko palang ng mapansing wala si Londille sa pwestong hinihigaan niya. Kaya bumangon na ako at linigpit ang ginamit ko kagabi. Sa gubat na rin kami nagpalipas ng gabi.

"Mabuti't gising ka na. Magsasanay tayo ngayon gamit ang kalikasan, bago tayo magpapatuloy sa paglalakbay."

Wala pang ilang saglit ay binato niya na ako ng mga water ball. Kaya pala ganun nalang ang trato niya sa Eligere kahapon. Isa siyang water user samantalang fire user naman ang Feiro triplets. Fire and water doesn't stand together anyway.

"Focus Jara! Focus!"

Agad naman akong nagpatubo ng mga monster Rose. A flesh eating rose to be exact na nagbabato ng sariling tinik. Pero hindi pa naman ako ganun ka galing, madali niya lang akong nadadaplisan.

Dark's POV

"Wohoooo!! Hello El Mahika!!! I'm bacccckkkk!!!" Aish! Bat ba ang ingay ng taong to? Pero oo nga naman. Kilala ang mga taga Manipular bilang maiingay at masiglang mga tao. Tsk.

I'm Dark by the way. Kasama ako sa section ng Eligere. At yung sumigaw naman ay si Canon. Ang lalaking may sira sa isip. Habang si Meilton naman ay tahimik lang na nagmamasid sa paligid. Ganyan na yan eh.

Kakabalik lang namin mula sa isang misyon. Ewan ko nga at bakit pinasama pa sa amin si Canon eh.

"Finally! May makikita na akong tao." Sigaw na naman ni Canon. Nakakahiya talaga ang lalaking ito. Kanina pa nga kami pinagtitinginan dito eh. Well, sikat naman kasi talaga ang grupo namin eh, lalo na at kami ay napabilang sa klase ng pinakamalakas na section dito. Mabuti nalang at bawal dito ang magtilian o mag-iingay ng sobra. Kaya hindi kami dinumog ng mga kababaihan. Noon kasi, pinagkakaguluhan pa ang grupo ng pinakaunang Eligere. Pero dahil sa galit ng isa sa taga Eligere, ayun muntik ng mapatay ang mga babaeng dinudumog sila. Kaya mula noon, pinagbawal na ang paglapit sa grupo ng Eligere ng walang sapat o importanteng kailangan. Kaya sekreto nalang kung magpantasya ang mga kababaihan sa mga katulad namin.

"Welcome back sa inyong tatlo!" Ani ni Kleion. Siya lang naman ang bumabati ng ganyan sa amin eh. Yung kambal niya kasi ay parang kapatid ni Kendo at Meilton. Tahimik pero matinik.

Agad akong umupo sa sofa dahil sa pagod. napatingin naman ako sa hagdan ng mapansin ang dalawang lalaking magkamukha at isang lalaking naka poker face. Palipat-lipat ang aking tingin sa kay Kleion ay sa dalawang kamukha niya.

"Wahhh!!! Sila na ba ang mga bagong makakasama natin? T-teka bat naging dalawa na ang kamukha mo Kleion? Sino si Kleinton diyan?" Eksaherang tanong ni Cannon. Tsk.

"Ah oo nga pala, ang isa ko pang kambal. Si Kleinon. Yung nakasunod naman sa kanila ay si Xenon na nagmula sa Acean. May isa pang bago, si Xyrus. Pero nasa silid niya pa ata." Pakilala nito. Matripan nga.

Agad akong nagsummon ng usok sa kinatatayuan nila hanggang sa hindi na sila makita dahil sa itim ng usok. Natawa naman si Kleion at napailing nalang.

"Wahhh!! Anong nangyari? May sunog! May sunog!" Napatingin naman ako sa sumigaw. Isang lalaking ba-baba sana sa hagdan pero napasigaw ng makita ang usok.

"Xyrus? Xyrus! Wahhh!! Namiss kita insan!!" Napatakip naman ako ng tainga sa lakas ng boses ni Canon habang nakaspread ang dalawang kamay at patakbong umakyat sa hagdan. Pinawala ko naman ang usok. At napahagalpak nalang ako ng tawa dahil sa itsura ng tatlo. Walang ibang makikitang kulay sa buo nitong katawan kundi itim. At ang kulay ng mga mata nila. Pffttt....

"Wahhhhh!! Insan! S-sino sila? Demonyo!" Malakas na sigaw nung tinawag ni Canon na Xyrus.

"Dark!" Oopsss.... Nagalit ata ang fire king.

"Hahaha you both look good, twins!" Gatong ni Kleion.

Tawa naman ako ng tawa. Hanggang sa napansin ko nalang ang yelo na paakyat sa katawan ko. Hanggang sa naging ice statue na nga ako. Pero ang mas worse ay imbes na ginawin ako sa lamig ay napaso ako sa init na para bang nag-aapoy ang ice na nakabalot sa akin. Pero hindi ko naman magalaw ang katawan ko.

"Ha! Serves you right!" Rinig kong saad ng isa sa mga Feiro.

"Nakakita ka ata ng katapat, Dark." Rinig kong komento ni Meilton.

Andito kami ngayon sa Cafeteria, nag-lunch na pagkatapos ng pangyayari sa dorm.

"Anyway, I haven't seen Kendo. Where is he?" Tanong ko.

"Ayon, nagpapahinga ata sa dorm. Kakabalik niya lang kasi galing Horos." Sagot ni Kleion. Magsasalita pa sana ako ng biglang tumahimik ang buong cafe. Kaya agad kaming napatingin sa lalaking pinag-uusapan namin ngayon lang. Siya lang naman ang may kayang makapagpatahimik sa buong cafe eh.

"Where is she?" Gulat naman kaming nakatingin sa kanya.

Totoo ba ito? Ang isang Kendo? May hinahanap na babae?

"Who?" Tanong ni Kleinton na para bang nang-aasar. May alam ba siya?

"Rielle." Napatingin naman ako sa mga kasama ko na may nagtatanong na itsura. Pero kibit-balikat lang ang isinagot nila, maliban kay Kleinton na nakangisi.

"She's currently on a journey with her Trainor. Sa Aqua ata ang punta nila. Halos magkasunod lang ang pag-alis mo at nila Maser." Sagot ni Kleinton. So he really knows something.

Napansin ko naman ang pagkoyum ng  kamao niya. Well, Londille Maser is the Eligere's mutual enemy in this Academy. Lagi kasi itong kontra sa amin kaya hindi namin siya nakakasundo kahit pa isa rin siyang trainor dito. Padabog na umalis si Kendo.

"Who's Rielle?" Sabay naming tanong kay Kleinton. Pero ngumise lang siya saka nagkibit-balikat.

The Tale Of The First Legend [Completed]Where stories live. Discover now