Chapter 18

68 8 0
                                    

Jara's POV

Gumising ako ng maaga dahil napag-usapan namin ni Kendo na sasama kami sa training ng mga lower section para tulungan sila na mas mapaigi pa ang pagpapalakas.

Mabilis ko namang binuksan ang pinto ng may kumatok. Bumungad sa akin ang tapos ng maligo na si Kendo.

"Good morning, how's your sleep?" Ngiting tanong nito saka ibinigay sa akin ang puting bulaklak na rosas.

"Good morning, it's great. Yours?" Tanong ko sabay halik sa pisngi niya. Ngumiti naman siya at tumango. Napag-kasunduan naming gagawin ang mga normal na ginawa ng mga magsyota at tinanggal ang yelong nakapalibot sa amin. Susulitin namin ang panahon na natira.

Hinila niya ako sa kusina at napatingin siya sa akin ng makitang may nakahanda na sa lamesa.

"I'm excited kasi. Kaya maaga akong nagising." Ngumiti naman siya saka ako binigyan ng mabilis na halik sa labi. Mabilis siyang nagtungo sa lamesa bago ko pa man mabatokan sa ginawa niyang paghalik. Natawa naman ako ng makitang halos mabilaukan na siya sa bilis kumain.

"Hindi halatang nasarapan ka sa luto ko noh?" Natatawang sambit ko habang binigyan siya ng isang baso ng tubig. Mabilis niya naman itong kinuha at ininom.

"Ang sarap mo palang magluto. Sinong nagturo?" Tanong niya matapos makainom ng tubig at pinasakan ulit ng pagkain ang bibig. Hindi na nahiya, pfft. Napangiti naman ako ng maalala ang Ina at ama.

"Parehong magaling magluto ang mga magulang ko kaya sa kanila ko seguro na mana." Kibit balikat kong sagot.

Pagdating namin sa pwesto ng mga taga beginner section, ay agad nila kaming binati. Tango lang ang naging sagot naming dalawa.

"Sila ang sinasabi kong makakasama natin ngayon sa pagsasanay. Salamat at pinaunlakan niyo kaming mga taga Beginner, Ms. Jara at Mr. Kendo. Tungkol naman sa training nahihirapang sumabay kadalasan ang mga babae. Kaya mas maganda na ikaw ang magturo sa kanila, ms. Jara."

"Ayos lang po ginoo. Sige po at magsimula na tayo? Para marami tayong maituro sa kanila." Saad ko. Nababanas kasi ako sa klase ng tingin na ibinibigay niya sa akin kaya si Kendo na ang hahayaan kong mag-handle sa kanya.

"So, let's start? I want you to find a partner to spar in combat fight and mix it with your power." Utos ko sa mga kababaihan ng ibaling ko sa kanila ang atensyon. Sinunod naman nila ngunit hindi talaga maiiwasan ang mga masusupil na mga estudyante, may ilan pa na umirap saka sumunod sa utos ko.

Nag-uumpisa na ang lahat sa sparring nila kaya naman ay pinagmasdan ko muna sila ng maigi upang matukoy ang kahinaan ng bawat isa at ang kanilang nakatago pang mga kakayahan.

Inuna ko talaga ang mga masusupil na mga estudyante. Tumigil ako sa harap ng dalawang walang ganang nakikipaglaban sa isa't isa.

"Ayos lang na hindi niyo sineseryoso ang laban. Pero may ibubuga naman kayo. Ano nga pala ang mga pangalan niyo?" Taas kilay naman silang napatingin sa akin pero sinagot parin nila ako sa huli ng matalo sila sa tagisan ng tingin.

"Yerin / Aliena " Tumango ako saka ngumiti. And it makes then taken a back for a seconds.

"Aliena, nakikita kong mas magaling ka kung pagtutuunan mo ang kakayahan ng kalaban para ma-counter part mo ito. Kulang ka sa focus. Madali mo lang sanang nababasa ang mga galaw ng kalaban pero hindi mo ito binigyan ng pansin." Ani ko dito at sinipa siya sa balikat pero mabilis niya itong nasalo pero natamaan parin siya, nagulat naman siya at si Yerin. Kaya umayos na ako ng tayo.

"That's what I mean. Magaling ka sa offense pero hindi sa defense. Subukan mong gawin ang payo ko kung gusto mong tumaas ang marka. Pero wala rin naman akong pakialam kung hindi mo susundin." Titig na titig naman siya sa akin na para bang tinubuan ako ng tatlong ulo.

"Ganun ka rin Yerin. Kaya mong dumepensa habang umo-opensa ka. Pero kulang ka sa determinasyon at bilis. Madaling basahin ang susunod mong galaw, yun nga ay dahil sa kulang ka ng agility. Mabilis ka sanang mag-isip pero hindi sa galaw. Kailangan mong maging maliksi sa bawat laban. Walang kalaban ang hindi magte-take advantage sa sitwasyon mo. But I'm impress, both of you can handle your power and combat at the same time." Umalis na ako doon para bigyan rin ng payo ang iba pa.

Matapos ang ilang oras ay pinagpahinga ko sila. I ask them to form a circle. And I'm glad, they obliged.

"I heard na ito raw ang pinakamababang section ng Beginner. But I doubt it. I'm not giving you guys' a false hope pero base from what had I observed, you girls can match the highest section of superior. But you all need a strong determination and more training." Komento ko. Marami naman ang nag-react.

"That's why, I will offer you a training. Kung sino man ang naghahangad na mas mapalakas pa ang meron kayo ngayon, i will personally train you. So, who's interested?" Inilibot ko ang paningin. Ang majority raise their hands. While may tatlo naman na parang napilitan lang. I forgot to mention, there's only twelve girls in this section while twenty two naman ang mga lalaki. I smirked.

"But I'm warning you girls, I give no mercy in trainings. So if I were you, I will back out now kung sa tingin ko ay hindi ko kaya ang magiging training. Ayos lang sa akin na magiging duwag kayo hanggang sa matapos ang mga buhay niyo. I don't care anyway." Harsh words but because of it, I felt their determination inside. Nagtaas ulit sila ng kamay with determination in their eyes. No one backed out.

"If kung determinado talaga kayo, desisyon niyo yan pero once na magsimula na ang training, no one can backed out already. You know why? Dahil kayo lang naman ang aatasan ng paaralan na magtrabaho sa dining hall in your whole stay here in the Academy. And it is approved already by the Head. That's why I'm giving you the chance to back out while you can without punishment." Banta ko rito. Napalunok pa ang ilan pero determinado silang nakatingin sa akin. Kaya napangisi ako. An evil smile to be exact dahilan na napalunok ang lahat.

"Dahil buo ang desisyon niyo, I will challenge you na before kayo umalis sa Academy ay na level up na ang inyong mga rank into the Superior section or more higher. I will give a price para mas ganahan kayo. I will not tell you what price is it. But I can assure you, it will be something unforgettable and worth it the pain. So deal?"

"Deal." Sabay nilang saad.

"Now, I want you to rest. Savour the good hours left for you. And I will give you until tomorrow only. Sleep all you want or what ever you still wanted to do. Because it'll be a long rough and hellish training you'll face."

Napahinga naman ako ng maluwag nag maka-alis na ang mga babae. Napakislot naman ako ng yumakap si Kendo sa beywang ko mula sa likod. Bumitiw ako sa yakap niya at kinuha ang towel at pinunasan ang mga pawis niya.

"Pawis na pawis ka ata?"

"Tss. Hinamon ko lang naman ng rambulan yung mga estudyante kong tumitingin sa iyo. Akala ko pa naman ay ayos na dahil napa alis ko na yung bastos na Preceptor nila. Yun pala, marami pa." Tumawa naman ako at binigyan ng mabilisang halik ang nakanguso niyang labi. Napangiti naman siya sa ginawa ko.

"How's your girls, anyway?"

"So far so good. They agreed that I will train them." Sagot ko. I know, the students in this Academy are far from good because they are the best assets from their regions. But the beginner and Higher sections, they needed to be trained. Hindi sila galing sa iba't-ibang region.

Ang lugar sa labas ng Academy ay may maliliit na mga lungsod na siyang may pribelihiyong makapagpapasok ng mga estudyante basta ba nakapasa sila sa entrance exam. Everyone treat them as the commoners in this Academy. At gusto kong mawala ang ganoong pananaw. Although, some of them ay tumaas na ang rank at napunta sa Inferior at Superior sections ng dahil sa pagpupursige.

"What are you thinking?" Napatingin naman ako sa kanya.

"Those girls. I want them to become one as a team."

"I know you can make them into a team." Humiga naman ako sa tabi niya.

The Tale Of The First Legend [Completed]Where stories live. Discover now