Chapter 15

69 12 0
                                    

Third Person's POV

Ilang araw na ang lumipas simula ng matapos ang labanan ng mga pinakamalakas na mga estudyante sa buong Akademya. Nakapaskil na rin sa bulletin board ang resulta.

Jara of Legend section
Win: 9 Loss: 0

Cannon Lindon
Win: 3 Loss: 6

Xyrus Lindon
Win: 2 Loss: 7

Kleinton Feiro
Win: 8 Loss: 1

Dark Kyle Detrimentum
Win: 3 Loss: 6

Kleion Feiro
Win: 3 Loss: 6

Meilton Avino
Win: 7 Loss: 2

Xennone Lancaster
Win: 5 Loss: 4

Kleinon Feiro
Win: 2 Loss: 7

Kendokawah Herrer
Win: 8 Loss: 1

Si Kendo at Kleinton ay nag tie sa laban kaya naman pareho sila ng score. Habang nag tie naman si Kleinton at Meilton. Kaya nakapasok sa last game si Meilton. At ngayong araw na gaganapin ang Final game ng Ranking month.

Kasalukuyang nagkaharap ang apat na pinakamagaling na estudyante sa academy. Nasa field ulit sila habang may force field na nakapaligid sa kanila na nakakamanghang tignan dahil sa apat na kapangyarihang pinagsama.

Iniisip pa ng lahat na magiging dual battle ang magaganap dahil baka magkampihan ang magsyota na sina Jara at Kendo. Pero ang nakakagulat ay nagkampihan ang tatlong lalaki laban kay Jara.

Sabay na nagbato ng kapangyarihan si Meilton at Kendo kay Jara habang sumugod naman si Kleinton sa dalaga. Mabilis namang gumawa ng air shield ang dalaga sabay ng paggawa ng mga earth spikes patungo kay Kendo at Meilton. Habang sinalubong naman ni Jara ang nag-aapoy na kamao ni Kleinton.

Literal na nag-aapoy dahil sa kapangyarihan ni Kleinton. Nagsanhi ito ng malakas na pagsabog sa field dahil sa nagkasalubong na apat na klase ng kapangyarihan. Patunay lang na hindi kwestiyunable ang paghawak ng apat na estudyante sa titulong pinakamalalakas ng El Mahika.

Hindi na hinintay ng apat na mawala ang usok mula sa pagsabog. Agad na gumawa ang dalaga ng mga monster rose na nagbabato ng sariling tinik sa kalaban. Iwas naman ng iwas ang tatlo dahil alam nilang bawat tinik ay may lason.

Agad naman na nagpatubo ng mga ugat si Meilton sa kinatatayuan ng dalaga saka gumawa ng napakaraming mga air shaft. Kaya rin namang kontrolin ni Meilton ang hangin dahil sa galing rin naman siya sa Horos. Pero mahusay ang pakiramdam ni Jara sa paligid kaya agad niyang pinalutang sa ere ang tipak ng lupa na ginawa niya at doon sumakay sabay ng pagbato ng mga matutulis na bato sa tatlong napapalibutan siya.

Pero hindi parin tumigil sa atake si Meilton habang ang dalawa namang lalaki ay ang siyang parang pumoprotekta kay Meilton na para bang may pinaplano.

Habang busy si Jara sa pag-ilag ng mga air balls na gawa ni Meilton ay hindi niya napansin ang ibinatong fire ball ni Kleinton. Kaya naman ay natamaan siya nito sa binti dahilan na mabutas ang suot niyang pantalon. Agad naman siyang tumalon sa iba pang mga bitak ng lupa ng magpatubo ulit si Meilton ng mga ugat sa kinatatayuan niya. Hindi na niya ininda pa ang pasong nakuha niya sa apoy ni Kleinton. Pero nadaplisan siya ng mga kidlat na gawa ni Kendo na siyang nagpahina sa kanya.

Kaya naman ay pinalutang ni Jara ang lahat ng mga bitak ng lupa at ibinato ito sa bawat kinatatayuan ng tatlo. May mga nakasunod pa itong mga air spear at invisible needles. Kaya maingat na umiiwas ang tatlo. Gumawa naman si Jara ng mga air balls at pinatama sa tatlo mabuti nalang at nakagawa sila ng mga barrier.

The Tale Of The First Legend [Completed]Where stories live. Discover now