Chapter 6

126 16 0
                                    

Jara's POV

Kasalukuyan akong naghahanda para sa araw na ito. Lumipat na kami sa designated dorm naming apat kahapon. Ang tatlo ay nasa dorm na ng Eligere, which is nasa first five floors nitong building. Yes, dahil sa sixth floor naman ang dorm ko. At fortunately buong floor ang inuukupa ko. Bawat floor naman sa baba ay may tig-aapat na kwarto. Treatment is not equal, I know.

Sa floor ko naman, paglabas mo mula sa elevator, bubungad sa iyo ang malawak na sala. May ilang set ng sofa at isang malaking tv screen. Makikita mo naman agad ang tatlong pinto. Ang isang pintuan ay para sa mini kitchen na may kompletong kagamitan at ang cr. Ang nasa kabilang gilid naman ay ang mini library. Tas ang pintuan sa gitna ay ang aking silid.

Pagpasok mo sa loob ng silid ay bubungad sa iyo ang study table na nasa gilid ng bintana. Tas pagtingin mo sa right part ay makikita mo ang queen size bed na may lamp shade sa gilid. Meron ring walk in closet at sa tabi nito ay matatagpuan ang isang malawak na banyo na may kompletong kagamitan. May jacuzzi pa nga na tamang-tama lang para sa akin.

Sa kaliwang bahagi ng silid ay makikita ang ilang sofa at ang sliding door na nakakonekta sa terrace ng floor na ito. At may nakalagay pa ngang ilang sofa at glass table sa labas. All in all ay tamang-tama lang ito para sa akin.

After kong mag ready ay pumasok na ako sa elevator para makababa. Pero huminto ito pagdating sa 2nd floor at bumukas. Tumambad ang lalaking may dalang backpack, si Kendo. Pagpasok niya ay agad niyang pinindot ang para sa ground floor.

"You have a mission?" Tanong ko.

"No. Pupunta lang ako sa lugar mo." Sagot nito na may munting ngiti sa labi.

"I see."

"May gusto kasi akong ipagpaalam doon." Tumango lang ako. Nang tumunog ang elevator at bumukas ay agad na akong lumabas. Pupunta kasi ako ngayon sa silid-aralan para makausap ang trainor ko.

"Wait...." Huminto naman ako at hinarap siya.

"What is your full name?" Napataas naman ako ng isang kilay. What's with him?

"I'm Kendo Kai Herrer. You are?" Sabay lahad nito ng kamay. Tinignan ko lang ito at tinimbang ang mga pangyayari. Sa huli ay tinanggap ko nalang.

"Jarielle Rafereina Heiress Dale." Napatigil naman siya lalo na ng marinig ang apelyido ko. Pero nakabawi rin at ngumiti.

"No wonder your a legend. It's nice to have a small talk with you..... Rielle." Saad nito bago binitiwan ang kamay ko. Tumango lang ako at hindi na pinansin ang pagtawag niya ng Rielle sa akin at umalis na.

"It's the first time for years when we became friends, that he smiles like that. I think he likes you." Napatingin naman ako sa nagsalita.

"Stop saying nonsense." Sabay irap ko sa kanya.

"You're so unique." Natatawa niyang sambit.

"I didn't know that a person named Kleinton knows how to laugh." Napatigil siya at pinagmasdan akong mabuti.

"How did you know that I'm Kleinton?" Taka niyang tanong. Ofcourse who wouldn't be shock. Magkamukhang-magkamukha silang tatlo at wala kang makikitang kaibahan sa kanila pero nalaman ko kung sino siya. I'm a keen observer kaya madali ko lang mapi-pinpoint kung sino-sino sila.

"You don't need to know." Sagot ko at iniwan na siya. Baka malelate pa ako ng dahil sa kanya.

Pagdating ko sa room ay nakita kong hinihintay na pala ako ng aking Preceptor.

"Sorry." Hinging paumanhin ko dito. Tumango naman ito. Medyo awkward pa nga dahil kami lang dalawa.

"It's okay, I am Londille and as you know ay ako ang magiging guide mo sa buong training. Being the only legend in the academy, you have the most hard and risky activities. And we will have an outdoor training. I've learned that you can control the element of air. What about the others?"

"I'm having a hard time controlling the element of fire."

Yes, everyone in our region may or can control the four elements. Basta ba nature ito. What I mean is for example, ang hangin na pinapalabas ng isang air bender sa sariling katawan ay hindi namin makakayang kontrolin. Hindi kasi yun mula sa kalikasan. Pero yung hangin na nasa paligid ay kaya naming makontrol. Same with fire, earth and water. Basta ba hindi ito gawa ng isang tao. Ngunit five percent lang sa aming population ang may kayang kontrolin ang apat na elemento ng kalikasan. Kadalasan naman sa amin ay makakayang kontrolin ang isa sa apat na elemento kagaya ko. Ang hangin pa lang ang mas na-master ko. Hindi kasi madaling kontrolin ang tatlo pa lalo na ang apoy.

"So ganito ang mangyayari sa training mo. Uunahin natin ang pagkontrol mo sa tubig at doon ito gaganapin sa Aqua region. Ako ang magtuturo sa iyo sa mga dapat gawin. Sunod naman ay ang lupa. May ibang magt-train sa iyo sa part na ito kaya pupunta tayo sa rehiyon ng Madim. At pupuntahan naman natin ang Valir region para sa pagkontrol mo sa apoy. Since gamay mo na ang hangin, hindi na tayo pupunta pa ng Airo region. Isasabay nalang natin ito sa ating paglalakbay. Dalawang araw ang magiging paglalakbay natin patungong sentro ng Aqua. Sa kagubatan tayo dadaan para narin mas masanay mo ang iyong kapangyarihan sa paggamit ng kalikasan ng hindi madaling mapagod." Tumango naman ako.

"Kailan tayo aalis?" Tanong ko.

"Mamayang tanghali. So pack all the things that you need in our journey right now. Babalik lang tayo dito kapag magagamay mo na ang lahat ng elemento." Kaya pumunta na ako ng dorm dahil kailangan ko pang maghanda.

Pagkatapos kong kumain ay kinuha ko na ang aking backpack na pinaglagyan ko ng mga kakailanganin kong gamit. Bumaba na ako at agad na tinahak ang malaking field ng academy. Malapit lang kasi dito ang east gate kung saan napagpasyahan namin na doon magkita ni Londille.

Habang naglalakad ay nakita ko ang ilang estudyante na nagpupursige sa pagsasanay. Hindi rin nila maiwasan ang mapatingin sa gawi ko na siyang pinagsawalang bahala ko nalang.

"Jara! Jara! Wait lang!" Napalingon naman ako sa tumawag sa akin at nakita si Xyrus na tumatakbo papalapit sa gawi ko. Kasama niya naman ang iba pang taga Eligere. Ayon kay Headmaster ay may dati ng anim na estudyante ang Eligere bago pa sila Xyrus. Nasaan kaya ang tatlo?

"Sabi ni Kleinton, ay nagkausap raw kayo ni Kendo bago siya umalis. Sinabi ba niya kung saan siya pupunta?" Napakunot naman ako ng noo saka inilibot ang paningin sa mga kasama niya. Ah oo nga pala.

"Ah Oo. Sa Horos daw ang punta niya." Sagot ko.

"Ano kayang gagawin niya don? Nasabi ba niya?" Nagkibit balikat lang ako. Nakakatamad magsalita.

"Where ang you going?" Tanong ni Kleion.

"Maglalakbay."

"Where to?" Tanong naman ni Xenon.

"Sa amin na iyon. Let's go Jara?" Sagot ng kadadating lang na si Londille. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan ni Londille at ng Eligere. Nakaamoy ako ng away kaya tinanguan ko na sila Xyrus at nagpaalam.

"Sige aalis na kami. Malayo pa kasi ang region ng Aqua mula dito." Saad ko at nauna ng lumakad papuntang gate. Naramdaman ko namang sumunod na sa akin si Londille. Siya mismo ang nagsabing tawagin ko siya sa pangalan niya. Kaya Londille lang ang tawag ko sa kanya. Isa pa, halos magkalapit lang naman kami ng edad kaya ganun.

The Tale Of The First Legend [Completed]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin