Chapter 13

75 12 0
                                    

Third Person's POV

                      ~Flashback~

Two years ago ay nagpaschedule ang kasalukuyang Headmaster ng El Mahika ng isang meeting kasama ang mga Elders ng Galaxia. Gusto niyang makausap ang mga ito tungkol sa isang premonition ng isang Oracle. Kailangan niyang makuha ang opinyon at permiso ng mga ito tungkol dito.

Pagpasok niya sa silid ay halos pigilan na niya ang hininga ng makita ang labing tatlong Elders ng Bawat Region. Mga seryosong mukha kasi ang nabungaran niya at ang mga mabibigat nitong aura.

Dalawang silya nalang ang bakante ng ilibot niya ang paningin sa mesa na kanilang pagpupulongan. Isang long table to be exact. Iminuwestra ng may katandaan ngunit bakas parin ang kagandahang taglay ng isang ginang na mula sa Aqua, ang kanyang kamay sa isa sa dalawang upuang bakante. Kaya agad niya itong sinunod. Yung nasa gitnang silya nalang ang natirang bakante.

Hindi tago ang identity ng mga Elders maliban sa Elder na mula sa Horos. Lagi itong nakasuot ng maskara na mata lang ang nakikita na halos matakluban na ng suot nitong hood na luntian. Kahit nga ang mga Elders na kasama nito ay hindi kilala ang tao sa likod ng maskara at ang edad nito.

Magsasalita na sana siya ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang may nakakakilabot na aura, ang Elder na mula sa Horos. Alam nilang isa itong babae dahil sa postura at katawan nito.

Tatlong taon na mula ng hinamon ng babaeng ito ang Elder noon ng Horos. Marami ang nakasaksi sa naging laban ng dalawa. Kahit siya ay isa sa nakasaksi ng pigil hiningang laban na iyon.

Nang makaupo ang babae sa nag-iisang bakanteng silya ay tumango ito bilang senyales na sisimulan na ang pagpupulong. Kaya agad niyang kinalma ang sarili at pekeng umubo.

"May isang premonition na nakita ang Oracle. Magkakaroon ng isang Legend ang El Mahika. Alam nating lahat ang itinalagang kasunduan noon ng mga Elders kapag dumating ang panahon na may magiging Legend. Kaya nais kong buksan na ang ating mundo sa iba pang mundo kapag dumating na ang Legend na iyon. Kaya naman sana'y sasali na ang ating mundo sa gaganaping Ranking month pagnagkataon." Mahabang paliwanag nito. Ilang minutong katahimikan ang namayani sa apat na sulok ng silid. Mabuti nalang at binasag ng Elder ng Aqua ang katahimikan.

"Bigyan mo kami ng ilang minuto. Lumabas ka muna at ipapatawag ka lang namin pag nakakapagdesisyon na kami." Tumango lang ito saka lumabas. Saka lang niya naalalang huminga ng matiwasay ng makalabas siya sa silid na iyon.

Sino ba kasi ang hindi makakaramdam ng nararamdaman niya gayong nakaharap niya sa unang pagkakataon ang mga ito sa isang pulong. Wala siyang kaibigan o kahit kakilala sa mga ito. At alam niya kung gaano ka makapangyarihan ang mga ito kaya halos maihi na siya sa kinauupuan.

Sa silid naman kung nasaan naiwan ang mga Elders, wala pa ring nagsasalita ng makalabas na ang Headmaster. Wala ring nagtangkang bumasag ulit sa katahimikan kaya nagsalita na ang Elder ng Horos.

"Papayag ba kayo?" Malamig at nakakatakot na saad ng babae pero ramdam mo parin ang awtoridad sa boses.

"Hindi pa tayo nakakasiguro kung mangyayari talaga ito." Sambit ng Elder ng Manipular.

"Pero paano kung mangyayari nga?" Tanong naman ng Elder ng Valir.

"We can't risk everything." Sagot naman ng Elder na mula sa Darkum Region. Sumang-ayon naman ang karamihan dito.

"But being a Legend means no one is on par with him or her. So maybe that Legend can handle that responsibility, right?" Komento naman ng taga Ayron.

"Your right. Baka makakasabay ang isang Legend kapag maglalaban kami." Hambog na saad ng taga Airo. Hindi nalang ito pinansin ng mga kasamahan dahil talagang nasa dugo na ng mga taga Airo ang pagiging mahangin.

"Why don't we try then? Ilang dekada na simula ng simulan ng apat na mundo ang paligsahan at ipadala sa Ealmihtig Academy ang mananalo." Biglang komento ng taga Lithia.

"I'll agree then." Ani ng taga Valir. Ganoon din ang taga Madim at Magom. Habang ang iba naman ay hinihintay ang opinyon ng taga Horos.

"How can you agree that fast? We need to make sure everything first." Kontra naman ng ginang ng Aqua.

"She has a point. We need to measure great lengths before we decide. Pero hindi naman natin pwedeng ipagsawalang-bahala ang panukalang ipinasunod ng pinaka unang mga Elders." Ani ng minsan lang nagsasalitang Elder na mula sa Majika region. Habang ang Elder ng Acean ay nanatili paring tahimik na minsan ay sumusulyap sa gawi ng Elder ng Horos.

"Then we should abide the past Elders' deal. We wouldn't know if we won't try." Biglang sambit ng taga Horos. Sumang-ayon naman ang lahat kaya ipinatawag na nilang muli ang Headmaster para ipaalam dito ang kanilang naging desisyon.

                  ~Flasback Ends~

Nagsimula na ang labanan sa pagitan ng dalaga at sa lalaking nagmula sa Darkum. Parehong binabantayan ang bawat kilos.

"I'll admit, I am not on par with you when it comes to power. So I want a physical combat with you. Is that okay with you?" Walang alinlangang tumango si Jara saka naghanda.

Ilang saglit pa nga ay sumugod na ang lalaki at pinuntirya ang vital parts ng dalaga gamit ang mga paa nito. Pero sinalag ito ng dalaga na para bang hindi ito naapektuhan sa lakas ng impact ng sipa ni Dark. Tumalon palayo ang dalaga pero sinusundan parin siya ni Dark.

Isang suntok sa tiyan ang kamuntikan ng tumama sa dalaga, kaya napagpasyahan niyang umatake na rin pabalik. Hindi naman magkamayaw ang mga nanonood dahil sa excitement na nararamdaman. Hindi na nila nasasabayan ang kilos ng dalawa pero hindi parin sila tumigil sa kakahiyaw.

Napadaing ang dalaga ng matamaan siya sa balikat. Kaya sunod sunod na suntok ang pinakawalan niya kay Dark na siyang hindi naiwasan ang ilan. Natamaan siya sa panga kaya ng sumuntok ulit ang dalaga ay sinalo niya ito at pinilipit patalikod. Ngunit sa kasamaang palad, naunahan siya ng dalaga.

Sinipa ng dalaga ang likod ng tuhod ni Dark kaya napaluhod ito bago niya sinapak sa batok. Natigil sa kakahiyaw ang lahat ng makita ang nangyari. Dahil sa pwersa na ginamit ng dalaga ay nawalan ng malay ang lalaki.

The Tale Of The First Legend [Completed]Where stories live. Discover now