Chapter 4

128 19 0
                                    

Third Person's POV

Bawat isa ay may kanya-kanyang estratehiya para makakuha ng krystal. Pero kaagaw-agaw pansin ang pangyayari sa lugar na napuntahan ni Jara. Dahil hindi niya na kailangan pang maghirap para hanapin ang tatlong krystal, ang para sa Beginner, Higher at Inferior. Dahil ito mismo ang lumapit sa kanya. Pero dito nagsimula ang twist na sinasabi ng facilitator kanina na pagsubok ni Jara. Dahil nagsama-sama ang tatlong krystal para patumbahin siya.

Ang mas ikinahirap pa dahil bawat krystal ay may ibat ibang level ng kakayahan. Kapag mapagtagumpayan itong makuha ni Jara ay lahat ng karunungang itinuro sa section ng Beginner, Higher, at Inferior ay mapapasakanya ng sabay-sabay. Ganun din ang nangyari sa tatlong lalaki.

Ang kaibahan lang ng pagsubok ng tatlo ay sila mismo ang maghahanap sa bawat krystal na siyang magtuturo sa lokasyon ng panibagong level ng krystal. Ganito din ang nangyayari sa mga pagsubok na dinaanan ng iba pang naunang representatives ng iba't-ibang region kapag may isang representative na mula sa Horos. Habang ibang klase naman ng pagsubok ang kakaharapin nila kapag walang representative na pinapadala mula sa Horos. Ganyan ka laki ang expectations na meron ang academy pagdating sa mga taga Horos.

Hindi na nagulat ang lahat ng ilang saglit lang ay natalo na ni Jara ang tatlong krystal. Mas magugulat pa ang lahat kung matatalo ang isang representative ng Horos sa tatlong krystal. Dahil lahat ng nagmula sa Horos ay sa Eligere section ang bagsak. Ang pinaka-mataas na section sa academy. Pero sa puntong ito, dito nasasabik ang lahat.

Bigla nalang nag-iba ang kulay ng tatlong krystal at naging pula ito. Ang krystal para sa Superior section.

Nagtaka man ay kinuha parin ni Jara ang tatlong krystal. At sa kanyang paghawak ay nagsanib ang tatlong krystal at naging isang malaking itim na krystal ito. Ang kulay ng krystal para sa Eligere section.

Sa kabilang banda, naunang makita ni Xenon ang kulay pulang krystal. Pero nagtaka siya dahil walang lumabas na mapa para sa Itim na krystal. Magkahalong pawis at dugo ang dumaloy sa kanya dahil sa pagsubok na hinarap niya. Tapos hanggang dito lang pala siya? Kaya asar niyang binato ang krystal sa lupa na naging dahilan ng pag-ilaw nito. At naging portal ang pulang krystal. Kaya pumasok na siya dito at agad na iniluwa sa gubat.

Nakaramdam siya ng presensya sa likurang bahagi kaya liningon niya ito at nakita si Jara na nakatingin pala sa kanya. Bago pa siya makalapit sa babae ay tumingkad ang hawak niyang krystal, ganun din ang nangyari sa hawak na itim na krystal ni Jara.

Bigla itong lumutang sa ere at nahati sa tatlong itim na krystal. At ang isa rito ay tumingkad ang ilaw na para bang sinasabihan si Xenon na dapat ay mapasakanya ito. Ngunit bago pa man siya makalapit ulit kay Jara upang kunin ang isa sa tatlong krystal ay biglang nagsanib ang tatlong bato at nahulog kay Jara na siyang nasalo naman ng huli.

Tila nagkaintindihan naman ang dalawa sa kung anong gustong mangyari ng itim na mga krystal. Yun ay ang makuha ni Xenon ang krystal sa kamay ni Jara, na siyang hindi basta-bastang ibibigay ng huli.

Sa isang iglap lang ay halos mapanganga na ang mga manonood sa paghanga. Halos hindi na nila masabayan ang galaw ng mga ito. Alam ng lahat kung gaano ka galing ang mga representante na nagmumula sa Horos. Pero ngayon palang nakasaksi ang mga ito ng isang napakagandang laban ng mga representative. Ngayon palang.

Sa kabilang dako ng arena ay nabuhayan ng loob ang isang tao. Ang Head master ng academy. Nararamdaman na niyang ito na ang taong matagal na niyang hinintay para sa isang napakahalagang misyon.

Mas nagiging sabik ang lahat ng makita ang pagpapamalas ng dalawa sa kani-kanilang mga kakayahan. Matagal ang naging laban ng dalawa. Pero makikita ang pagka-angat ni Jara sa laban. Para bang sanay na sanay nitong gamitin ang kanyang kakayahan lalo na kapag sinasabayan niya ito ng physical combat.

Hinihingal sa pagod si Xenon ng lumayo ito kay Jara para magpahinga saglit. Hindi niya aakalaing mas malakas si Jara kung ikokompara sa mga nakilala niya ng mga mamamayan ng Horos.

Naagaw naman ang pansin ng dalawa ng biglang lumiwanag ang lugar na medyo malapit lang sa pwesto nila. Magkasabay na lumabas sa dalawang portal sina Kleinon at Xyrus. Katulad ni Xenon ay may mga galos din ang mga ito ng lumabas ng portal. Nagtaka naman ang dalawang kakarating lang dahil nagkatagpo-tagpo silang apat.

Magtatanong pa sana si Xyrus ng bigla nalang umilaw ang pulang krystal na hawak ng dalawa. At gaya ng nangyari kanina sa krystal ni Xenon ay ganoon din ang nangyari sa dalawa. Gustong magpaliwanag ni Xenon kung ano ang nangyayari pero parang may pumipigil sa kanya na magsalita. Saka lang narealize ni Xenon na ang ibinigay na pagsubok ng panghuling itim na krystal ay tungkol sa talino, lakas at abilidad. Kung maiintindihan nina Kleinon at Xyrus ang ibig sabihin ng pag-ilaw ng hawak nilang pulang krystal at ang kakaibang reaksyon ng itim na krystal na hawak ng dalaga, ay nalagpasan na nila ang unang pagsubok. Ang mabilis na paggamit ng isip.

Mabilis lang din namang naintindihan ng dalawa ang ibig sabihin nito. Kaya sabay sabay na nagkatinginan ang tatlong lalaki na para bang nag-uusap gamit lang ang kanilang mga mata saka nagtanguhan.

Ngunit napatigil ang apat ng may bigla silang narinig na boses sa kawalan. Pumapailanlang ito sa bawat sulok ng gubat.

"May tatlumpung minuto nalang kayo para mapatunayan na karapat-dapat kayo sa itim na krystal upang maging ganap na estudyante ng Akademya. Para mapasama sa Eligere."

Hindi na hinintay ng tatlo na matapos ang sasabihin ng facilitator sa kanila dahil sabay na sumugod ang mga ito sa dalaga.

The Tale Of The First Legend [Completed]Where stories live. Discover now