PROLOGUE

392 83 10
                                    

SIYA si Brianna Mendez. Isang simpleng babae na namuhay ng tahimik at walang ibang ninanais kundi ang makatrabaho ng permanente. Pabalik balik sa syudad at probinsya ang gawain niya. Ilang buwan na din siya naghahanap ng trabaho pero hindi nagtagumpay kasi hindi naman siya nakatapos ng pag aaral. Nakatungtong na siya sa 2nd year college pero nagdesisyon na tumigil sa pag aaral para tumulong sa kaniyang magulang sa pagsasaka.  

Nasa probinsya si Brianna ngayon at kumakain ng hapunan kasama ang mga magulang.

"Ma, Pa, babalik na ako sa city bukas. Sana naman makahanap na ako ng trabaho para naman masustentohan ko kayo." wika ni Brianna. Tinugunan siya ng ngiti ng kaniyang ama na si Jesus Mendez.

"Hindi mo naman kami kailangan sustentohan dahil kaya pa namin. malakas pa kami ng mama mo. Kaya pa namin to."

"Gusto kong tumulong kahit papaano para naman umahon na tayo at magkakaroon na tayo ng maginhawang buhay."

"Anak, mag ingat ka ha. Makakahanap ka din ng trabaho. Magtiwala ka lang." sabi ng ina nitong si Susan Mendez.

Pagkatapos ng hapunan ay agad naman siyang tumungo sa kwarto niya para magdasal na sana naman maganda ang takbo ng pag apply niya ng trabaho sa syudad. 


UnexpectedWhere stories live. Discover now