Chapter 2

165 75 6
                                    

MAS nauna pa si Brianna sa alarm clock niya dahil ito ay excited. Di naman niya nasisiguro na matanggap siya sa RX Company pero parang ang sagana niya ngayong araw. Parang ang sarap lang sa feeling at di niya alam kung bakit. Ito ba ay dahil sa guts niya na nagsasabing matatanggap siya? Pero sana nga.

Nakaalis na siya ng bahay ng alas otso ng umaga. Ayaw niya malate sa interview lalo na't ang inaapplyan niya ay isa sa pinakasikat na kompanya sa buong mundo. Ayun nga at pumara na siya ng taxi. Pagkarating niya sa kompanya, may nakasalubong siyang isang gwapo at matipunong lalaki. Tila tumigil ang kanyang mundo. Ang  macho ng aura at malakas ang sex appeal. Hindi niya maiwasang tumitig sa mukha nito. Natauhan lang ang kanyang isip nang mawala na ito sa kanyang paningin. Paglingon nito, may babae na papalapit sa kanya na naka formal na damit. Ito yata ang isa sa employee ng kompanya.

"Good morning" bati nito. "I am Tiana. One of the executive directors here. Are you one of the applicants?"

Tumango tango si Brianna sabay tugon "Opo." "This way please." Tiana leads the way to a bench outside a room where the interviewees were lined up. Aba, may mas nauna pa pala dito. She sat on the space beside the blonde haired girl. Mataray itong tingnan. Makikipagkaibigan sana siya at makipagchikahan but that girl beside her just rolled her eyes. Parang sino kung umasta. Pareho lang naman silang aplikante. Nabagot na siya sa kakahintay. So, she plugged in her earphones. After a while, nagsimula na ang pagtawag isa isa pero nakasimangot lang ito pagkalabas ng silid. Bakit kaya?

"Brianna Mendez." tawag ng aking pangalan. Agad niyang inayos ang sarili para magmukhang presentable saka pumasok sa silid. Isang may edad na babae ang natagpuan niyang nakaupo sa swivel chair. "Have a seat iha." wika ng ginang. Agad niyang sinunod ang sabi nito. 

"Tell me about yourself" sabi nito sa kaniya. Tumikhim siya bago nagsimula "Hi. I'm Brianna Mendez. You can call me Bri. I am 23 years old. I really have no experience to any professions kasi 2nd yr college lang ang natapos ko. Matagal narin po akong naghahanap ng trabaho. I want to support my family and give their needs. Yan lang ang paraan para makabawi sa kanila."

Napahinto ang ginang sa kanyang harapan pero laking gulat niya nang makitang ngumisi ito. Ang ngiti nito'y parang kakaiba. May ibig na pinapahiwatig ang ngiti nito. 

"You're hired. I admire your honesty. Yan ang katangiang gusto ko para sa kompanya. Magsisimula na ang trabaho mo bukas. Congratulations." Tumayo ang ginang at nakipagkamay ito. Wow that was fast. Hindi makapaniwala na natanggap siya sa trabaho. "Tiana... Pauwiin mo na ang mga naghihintay sa labas. This girl right here is perfect for the secretary position." Agad namang sumunod ang babaeng naghatid sa kaniya dito at pinalayas na ang line up sa labas.

"Maraming salamat po" wika ni Brianna sa ginang. "No worries iha. You're just what I'm looking for. I could double your payment and do me a favor in return. Nacurious naman ang dalaga sa sinabi nito. "Anyways, I'll see you tomorrow" Nauna na itong lumabas sa kaniya. Sumunod naman siya.

Ano kayang favor ang tinutukay nito?

UnexpectedWhere stories live. Discover now