Chapter 4

139 60 0
                                    

UMALIS ng maaga si Brianna sa kaniyang boarding house. Naguguluhan padin siya kung tatanggapin niya ang offer na ito o hindi. Bago pa man pumasok sa building, pumunta muna siya sa malapit na cafe para doon makapag isip-isip. Habang sumimsim ng kape, natigilan siya sa nakita. Isang pamilyar na lalaki ang nakita niyang umorder ng kape at isang blueberry cheesecake. Nadinig niya iyon dahil wala pa namang masyadong tao at malapit lang rin siya sa cashier. Naalala niya ang lalaki. Ito ang nakita niya noong araw ng interview niya.

Tinitigan ng dalaga ang binata. Ang gwapo nito at makisig. Hanggang sa makalabas ang binata ay sinundan niya ito ng tingin. Nagbalik lang siya sa kaniyang tamang huwisyo nang mawala na ito sa paningin niya.

Patuloy itong nag isip hanggang sa makabuo ito ng desisyon. Tinapos niya ang kaniyang kape at tumayo. Inayos niya muna ang damit bago tuluyang lumabas at nagtungo sa RX Company. Pagkapasok niya sa building, napatingin siya sa relo sa kaniyang bisig. Malapit nalang bago mag alas otso.

Naglibot muna siya sa building. Tumingin siya sa mga furnitures na nakadisplay dito at dahil nga nakatuon ito ng pansin sa ibang bagay, may nakabunggo siya at nabuhos yung kape na hawak nito sa damit din doon mismo.

Bumilog ang mata ni Brianna habang nakatuon sa damit ng nabunggo niya. "Oh my gosh, I'm so sorry." Kumuha siya ng tissue at nilinis niya ang damit na para bang maialis nito ang mantsa.

"Watch where you're going, stupid" wika ng lalaki sa mala baritonong tinig. His voice sounds familiar. Parang narining na niya ang boses nito.

Aba, natapunan nga lang siya ng kape ganoon na makapagsalita. Sino ba siya? Brianna looked up dahil mas mataas ito sa kaniya. What the heck? Ito yung lalaking sa coffee shop kanina! Brianna held her temper "Nagsorry na nga ako kanina diba?" sabi nito.

Matalim ang tingin ng lalaki "Well, sorry isn't enough. Alam mo ba kung magkano itong damit na ito? Mas mahal pa ito sa buhay mo. Tatanga tanga ka kasi." Nauna na itong maglakad sa kaniya. And there she lost it. Ang yabang.

MAKALIPAS ang ilang minuto, sumakay na siya sa elevator para pumunta sa 13th floor dahil doon daw ang opisina ng magiging boss niya. Nakita niya si Tiana doon. They exchanged smiles. Nilapitan siya nito "Hi. You must be the hired secretary?" Tumango ang dalaga "Yep. Ito naba yung office ng boss ko?" kinakabahan man ay nagawa parin nitong ngumiti. Tiana replied "Yes. You may come in. Naghihintay na siya sa loob at gusto ka na niyang makilala."

Huminga siya ng malalim at pinihit ang door knob. Nakatalikod ang lalaki nang makita niya ito. Tumikhim si Brianna para kunin ang atensyon nito at saka bumati.

"Good morning Sir! I'm Brianna Mendez, your new secretary." Humarap ang lalaki at laking gulat niya nang makita kung sino iyon. Sabay nilang sabi "Ikaw??!"

"Anong ginagawa mo ditong babae ka?" tanong ng lalaki who is said to be her boss. Umapaw ang galit ni Brianna pero kinalma niya ang sarili. Inisip nito na kailangan niya ang trabahong ito. Pumikit siya at napabuntong hininga bago nagsalita.

"Nandito po ako para maging sekretarya. I am hired by Mrs. Dinah Carter. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, magtatrabaho ako sayo" Wala na siyang ibang choice kundi lunukin ang pride niya. She needs this job.

UnexpectedМесто, где живут истории. Откройте их для себя