Chapter 3

153 69 0
                                    

EXCITED si Brianna sa first day ng kanyang trabaho. Naligo na siya pagkatapos ay pumunta na sa closet para pumili ng damit na susuotin to impress. Syempre unang araw niya, ayaw niya magkaroon ng bad impression sa kaniya. Pumili siya ng isang blazer at dress. Tumingin siya sa salamin at nag apply ng light make up dahil di naman niya kailangan pa pagandahin ng todo ang sarili dahil maganda na naman siya. Di sa pagmamayabag. Chos.

Lumabas na si Brianna at pumara ng taxi. Pagkalipas ng ilang minuto, dumating na siya sa RX Company. Pinagpagan niya ang sarili bago pa pumasok sa building. Lumibot muna ang tingin niya. Napakalaki nga ng building na ito at maganda pa. Pagkatapos ay agad naman niyang nakita ang ginang na nag interview sa kaniya at lumapit dito.

"Hi po. Good morning." wika nito. "Oh, Brianna Mendez right?" Tumango si Brianna "Opo. Uhm, di ko pa po kabisado ang pasikot sikot ng building dito. Magtatanong lang po sana kung saan ako pupunta para makapagsimula na ng aking trabaho." Ngumisi ang ginang "Oo iha pero bago ang lahat, may pag uusapan muna tayo" Kinabahan man ang dalaga pero sumunod parin siya nito sa elevator papunta sa 8th flr. Huminto sila sa isang malaking silid. Office ata nito ng matandang babae. Pumasok sila at pinaupo niya si Brianna.

"Ano po ang pag uusapan natin?" tanong ng dalaga. Umupo ang babae sa harapan niya "Di pa pala ako nakapagpakilala. I am Dinah Carter. Kahapon nabanggit mo sa interview na gusto mo tulungan ang mga magulang mo. Naalala mo pa ba ang sinabi kong favor sayo? Napaisip si Brianna. Oo nga pala. May binanggit itong dodoblehin ang sweldo pero may kapalit. "Opo. Ano pong favor ang sinasabi niyo?" nagtatakang tanong nito.

The lady infront of her crossed her arms infront of her chest sabay titig sa dalaga. Ang titig nito ay  para bang may malalim na iniisip bago ito nagsalita. "My son is the boss here and you are hired as his secretary. I want you to make him fall in love with you. "

Ilang sandali pa nang ma process ni Brianna ang sinabi ng ginang. She's in shock. Di niya alam ang sasabihin. "Maganda ka naman. Di ka mahihirapan na paibigin ang anak ko" dugtong nito.

"Nako hindi ko kaya iyan. Pasensiya na po." tugon ni Brianna. Tumayo si Mrs. Dinah  at nilapitan ang dalaga. "Alam mo, madadagdagan ko ang sweldo mo kapag gagawin mo iyan. Babaero ang anak ko at di ko na kaya na may mga babae pa siyang sasaktan. Kapag napaibig mo siya siguro naman titino na iyon."

Nanatili itong tahimik.  "I'll give you time to think. Kung magbago man ang isip mo, just call me." May iniabot itong calling card. Lumabas na siya sa silid nito na lutang ang isip. What the heck was that? Parang ang hirap ng pinapagawa nito. Naisip rin niya ang mga magulang. Gusto niya ito matulungan. Si Mrs. Dinah na ang nagoffer nito ng malaking pera. Ano ba naman itong napasukan niya. Akala niya magiging madali lang pero nang dahil sa pabor nito, magiging complicated ang magiging trabaho niya. "Ano na'ng gagawin ko?" bulong niya sa sarili.

UMUWI si Brianna galing trabaho ng lutang. Nasa isip parin niya ang sinabi ni Mrs. Dinah. Tinitigan niya ang calling card. Nagdadalawang isip parin ito. Sa tagal ng pagbuo ng kaniyang desisyon, di niya namalayan na nakatulog siya.

UnexpectedWhere stories live. Discover now