Chapter 10

77 27 0
                                    

MAY tiningnan muna ang host sa papel na hawak bago tumawag ng mga pangalan. Nakaset up na ang lahat2.

"Yung mga single lang ang pwede sa larong ito dahil baka magalit at mapatay nito ng wala sa oras ang mga nobya o nobyo ng mga taken kapag sasali sila sa laro" Nagbibirong saad nito at nagtawanan naman ang lahat.

"From table # 13... Boss Emmett and Secretary Miles" Tumayo sila at pumunta sa gitna.

"From table # 17 we have Boss Craig and Secretary Zoella"

"From table # 22... Boss Jett and Secretary Xylenna"

"From table # 7 we have Boss Rhett and Secretary Brianna"

Naptigil si Brianna noong natawag ang kaniyang pangalan. Di nga sila close ng kaniyang boss eh nasali pa sila sa isang childish na laro. Nagkatinginin silang dalawa ni Rhett. Umirap nalang ito sa kawalan tsaka tumayo at sumunod ito sa boss na naunang maglakad sa kaniya. Pumuwesto sila sa bakanteng lugar sa harap ng nakabitay na apple. Patuloy parin sa pagtawag ang host ng mga players.

Seryosong nagtitigan sila Rhett at Brianna. Noong una ay wala itong emosyon na nakatingin sa binata. Ganon din si Rhett sa dalaga. Naalala niya si Mrs. Carter at ang misyon na binigay nito sa kaniya na dapat gawin at gampanan. Dapat magtagumpay ito para naman hindi sayang ang pera na ibibigay nito sa kaniya. Oo nga pala at hindi pa niya nakuha ang unang sweldo nito mula sa inang dahil busy siya. Kaya naman ay nilunok niya ang pride at pinagwalang bahala ang mga nangyari noong nakaraan.

Ngumiti si Brianna ng pagkatamis tamis na ipinagtataka naman ng lalaki dahil malimit itong ngumiti sa kaniya o hindi talaga.. Napakamot siya sa batok. Si Brianna naman ay napatitig sa struktura ng mukha ng taong kaharap niya. Gwapo talaga si Rhett. Parang anghel na bumaba mula sa langit. His eyes were dreamy at matangos ang ilong. Paborito talaga ito ni Lord pagdating sa looks. 

"Ready players?" sigaw ng host dahilan para matauhan siya sa pag daydream.

"Yes!!!" sigaw ng lahat 

Maayos na pumuwesto ito sa harapan ng apple na kakainin ng bawat pares.

"Remember, no using of hands. Those seen using their hands will be disqualified... Ready, get set, GO!"

Nagsimula na ang kainan. Panay sigaw naman ang mga nanonood sa kanila. Ang mga players ay tawa ng tawa din sa mga pinagagawa  nila dahil para silang timang. May mga times din na nagkahalikan sila pero smack lang naman iyon dahil sa paghahapol ng apple na nag iindayong sa harapan nila. Ipinagwalang bahala lang nila iyon na para bang walang nangyari at normal lang iyon para sa kanila. Sila Brianna at Rhett ay seryoso lang sa paglalaro.

ILANG minuto ang nakalipas nang malapit nang matapos at naguunahan silang makaubos ng apple. Kinabahan man ay pursigido ang bawat pares . May presyo din kasing 10, 000 cash ang mananalo at 5, 000 naman para sa mga hindi pinagpala.

Sina Brianna at Rhett ay malapit nang matapos nang di sinasadyang nagkahalikan sila. Smack ito. OMG!  Ito ang first kiss niya! Napansin iyon ng mga tao na malapit sa pwesto nila at naghiyawan sila. Gulat ang expresyon na nakapinta sa mga mukha nito. Hindi na nila natapos ang laro dahil di sila nakapagpatuloy.

"DONE!!!" malakas na sigaw ng isang pares. Lumingon sila pareho sa gawi nito. Nilapitan iyon ng host at tiningnan nila ang apple na halos wala nang natira. Aba! Nanigurado pa ito.

"We have the winner here for the Apple on String game! Please introduce yourselves."

"I am Grand." pagpapakilala ng lalaki. 

"And I am Vanessa." iyong babae naman ang nagsalita.

"Congratulations Boss Grand and Secretary Vanessa. Please give them a round of applause." Nagpalakpakan ang lahat maliban kay Brianna. Sila dapat ni Rhett ang nanalo kung hindi lang sana dahil sa aksidenteng iyon. Napasimangot siya.

"Please claim your price" binigay ng host ang isang envelope. 

"Don't worry for those who haven't won, you still got 5, 000 pesos. It isn't bad eh?" 

MATAPOS nila matanggap ng cash ay bumalik na sila sa respective tables nila.

"Ikaw kasi eh, hinalikan mo ako" pagmamaktol ni Brianna na parang bata. "Tayo dapat ang nanalo"

Tumawa lang Rhett. "Aksidente lang naman iyon and besides, I don't need that money. I have lots of it." pagmamayabang na sagot nito. Napairap nalang siya at umupo na ito.

May mga sumusunod na games pa at voluntary na ito. Di na sila kasali dahil tapos na sila. Nababagot si Brianna at naisipan niyang kumain kaya pumunta siya sa buffet area at kumuha ng pagkain. Nahagip ng mata niya si Ashton. Nagsalubong ang kanilang tingin at agad naman ngumiti sa isa't isa. 

"Hi!" At tsaka doon nilapitn ni Ashton si Brianna.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon