Chapter 12

75 26 0
                                    

PINAANDAR na ni Rhett and makina ng sasakyan pagkatapos nilang magseatbelt.

"Bakit ang sungit mo boss?" tanong ni Brianna na nakasimangot at tumingon ito sa mukhang seryoso na nagmamaneho.

"Ask yourself." ikling tugon nito.

"Oh sige." Umayos ito ng upo at tinuro ang sarili "Brianna Mendez? Bakit ang sungit ng boss mo? Wala ka namang ginagawang masama eh nakipagdaldalan ka lang naman sa kapatid nito"

Napapreno ng malakas si Rhett at nag park muna sa gilid ng kalsada. Seryoso ang mukha nito. Masungit talaga ito kahit saang anggulo tingnan. Sa daan lang ito tumingin "Paano mo nalaman?"

"Sinabi ni Ash sakin. Alam ko narin kung bakit masama ang loob mo sa kaniya. Kinuwento na niya lahat lahat"

Narinig niya ang malutong na mura nito kahit mahina ang pagkasambit niyon. Halata sa mukha ang galit nito na parang sasabog na siya kahit anong oras. Hindi parin ata ito nakamove on kay Chloe dahil hanggang ngayon, kinamumuhian parin niya ang kapatid.

"Kung ano man ang sinabi niya sayo, labas kana dun." At tsaka nagpatuloy na itong nagdrive hanggang makarating sa boarding house na inukupahan. Pabagsak siyang humiga sa kama dahil pagod siya. Hindi na ito nag abala pang magpalit ng damit at nakatulog agad siya.

PAGKATAPOS ng trabaho ay kikitain nito si Mrs. Dinah Carter sa opisina nito para pag usapan na handa na itong gampanan ang pinapagawa nito. Sisiguraduan niyang hindi siya mabibigo para hindi sayang ang ibabayad nito sa kaniya.

Ipinagtimpla niya muna ng kape si Rhett sa usual na timplada na gusto nito. Ibinigay niya iyon nang akmang lalabas na siya sa silid nito nang magsalita ang boss. "The kiss last night was memorable. I never thought you had soft lips" kinindatan pa nito si Brianna at patuloy na nagtype sa kaniyang laptop. Parang kailan lang. Galit ito kagabi pagtapos ngayon ay good mood naman siya. Napakatindi talaga ng mood swings ni Boss Rhett kahit kailan!

Namula naman siya sa sinabi ng binata at nainis nang biglang naalala iyon. Grabe talaga makapag asar! Di naman niya ito first kiss dahil nagkaroon din siya ng boyfriend 2 yrs ato. Wala namang nangyari sa kanila noon pero nagkahalikan na ito. Tumalikod na siya at diretso lumabas sa silid ng amo niya.

MATAPOS ang lahat ng gawain ay napagpasyahan niya munang magpahinga. Isang oras nalang bago umuwi nang biglang may babae na naman na bumisita at pinatawag pa sa kaniya ang amo niya. Ibang babae na naman ang dumalaw sa boss. Grabe dalawa na yun ah simula nung nagtrabaho siya sa RX Company. Ilan ba ang babae nito? Balak ba niyang hakutin lahat ng babae sa mundo?

"Hey boss someone's looking for you." saad ng dalaga. Sinenyasan naman siya nito na papasukin. Lumabas na siya at nagsimula nang mag ayos ng gamit. Pupuntahan na niya si Mrs. Carter.

Kumatok muna siya bago pumasok "Hi Mrs. Carter!" Naabutan niya itong busy at maraming hinalungkat sa desk.

"Oh, yes Brianna dear you're here!" Tinigil nito ang ginawa at may kinuha sa drawer. Isang sobre ito. Malamang ay unang sweldo niya ito mula sa ginang. Hindi pa nga niya maayos nagawa ang misyon eh may bayad agad siya.

"Here. Huwag mo ako bibiguin ha. I'm looking forward for Rhett to become a better person soon. Pagod na akong makita siya na pariwara sa buhay. Ilang babae na ata ang nabiktima nito.

"I'll do my best then. Ciao!" Pagpaalam niya dito. Nagmamadali din kasi ang ginang dahil marami pa itong gagawin.

Tumigil muna siya bago lumabas ng tuluyan sa building. Sinilip niya ang pera at laking gulat niya ang nang makita kung anong laman. Hindi naman ikatataka iyon dahil pera naman talaga ang laman non. Pero makapal ito. Binilang niya kung ilang 1,000 peso bill ang nandoon. Bumilog ang kaniyang mata. Ngayon lang siya nakahawak ng ganito kalaking pera. 50, 000 pesos is what's inside. Talaga namang wala lang sa kanila ang pera na iyon dahil sobrang yaman naman nila. Agad niya itong itinago sa bag at umuwi na nga siya.

Pagkarating sa bahay, tinawagan niya ang magulang para kamustahin ito. Ikinuwento niya ang mga nangyari since Day 1 pero hindi lahat. Syempre may mga bagay din na dapat niyang itago gaya ng misyon niya sa matandang babae.

"Mama, papa, wala na po kayong dapat ipagalala sa pera. Magpapadala po ako jan. Mababayarin na natin ang utang niyo!" Masayang tugon ni Brianna sa magulang pero natahimik ito sa kabilang linya.

"Hello po?"

"Oh, anak..." ang tatay niya ang nagsalita. "Masaya kami ng mama mo na kumita kana diyan. May trabaho kana rin sa wakas at mabuti naman maayos ang lagay mo riyan. Mag ingat ka parati ha."

"Proud kami sa iyo anak." ang nanay niya naman ang nagsalita. Napangiti siya sa narinig. She made her parents proud. Wala na siyang ibang mahihiling pa dahil swerte siya sa mga magulang nito.

UnexpectedKde žijí příběhy. Začni objevovat