Chapter 15

86 34 0
                                    

MASAKIT ang ulo ni Brianna nang magising ito kinabukasan. Pilit niyang inaalala lahat. Naghanda si Mrs. Dinah Carter ng bonggang party para sa kaniya pagkatapos non ay nagkatuwaan sila at nalasing pa. Pagkatapos non ay... Omg! Napatakip siya sa kaniyang bibig at naghisterical siya. Pero hindi din nagtagal kasi napaaray siya sa sakit ng kaniyang balakang at yung perlas niya naman ay mahapdi. She had sex with her boss! Naaalala niya lahat! Siya ang kusang lumapit nito at nilandi niya ang boss kaya hindi niya masisisi ito na kinagat ang paglalandi niya. She felt embarrased. Napasabunot siya sa sariling buhok at tinakip ang mukha. Umiiral talaga ang kalandian niya kapag nalalasing. Paano niya nalaman? Nalasing na ito dati pero dahil malaki ang respeto ng ex boyfriend niya ay hindi ito nagpadala sa temptasyon.

Pilit siyang umalis sa higaan at paika ika na naglakad patungong banyo. Naligo siya. Pagkatapos ay lumabas ito nang may narinig siyang kumakatok. Binuksan niya ang pintuan at laking gulat niya ng makita si Rhett na nakapamulsa. Hindi, hindi pa siya handang humarap dito kaya pinagsaraduhan niya ito ng pintuan pero agad nitong humarang at tuluyan nang pumasok. Nakatuwalya palang siya kaya naiilang ito kahit na nakita na ni Rhett ang buong katawan niya. Tinungo niya ulit ang banyo at doon nagbihis. Alangan namang sa harapan niya ito magsusuot ng damit.

Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas na siya. Naabutan niyang nakaupo si Rhett sa kama niya. Nilapitan niya ito at umupo ng maayos.

"Bakit po kayo nagpunta rito boss? May kailangan ba kayo?"

"Gusto ko lang malaman kung bakit hindi ka pumasok ngayon."

Oo, hindi siya nakapasok dahil late na siya magising.

"I'm not feeling well boss"

"Okay, take a rest and your medicine. That's all. I gotta go."

Yun na yon? Tinitigan niya ang papalayong rebulto ng binata. Wala man lang itong plano pag usapan ang nangyari sa kanila kagabi? Sa bagay, kung paano nito tratuhin ang ibang babae ay ganon din ito sa kaniya. Biglang sumikdo ang kaniyang puso. Ano ba itong nararamdaman niya? Siya dapat ang magpaibig sa boss niya at hindi siya. Agad niyang sinuway ang nararamdaman. Hindi maaari ito.

Humiga lang siya sa kama at natulog buong maghapon. Di naman siya makalabas kasi nga paika ika pa siya at masakit ang kweba nito.

SA kabilang panig naman ay hindi mawala wala sa isip ni Rhett Carter ang nangyari kagabi. Di niya mawala sa isip ang mukha ng sekretarya niya. Napasabunot siya sa buhok niya. Ano ba ang nangyari sa akin? Nang dahil lang sa isang babae biglang nag iba ang pananaw nito sa lahat. May gayuma ba ang pagkababae nito? Siguro dahil virgin ang nakatalik niya. Tama. Yun nga ang inisip niya para pilit na mawala ito sa kaniyang utak. Nagpatuloy siya sa kaniyang mga gawain sa opisina para mabaling ang atensiyon niya sa ibang bagay.

SABADO kinabukasan nang magkita sila ni Ashton. Tumawag ito sa kaniya pagsapit ng gabi. Yung ang dahilan kung bakit nagising siya sa kalagitnaan ng kaniyang tulog. Susunduin siya nito at inaya magpasyal. Hindi na daw dapat mag alala pa ng dalaga kasi sagot naman nito ang lahat ng gastusin.

Nagbibihis na siya nang may matanggap itong text.

From: Ashton

I'm here.

Dali dali siyang namili ng susuotin. Isang simpleng t shirt at shorts ang napili nito.

Pagkalabas ay nilapitan agad niya si Ashton na nakasandal sa harapan ng kaniyang kotse

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Pagkalabas ay nilapitan agad niya si Ashton na nakasandal sa harapan ng kaniyang kotse. Ngumiti ito nang magtagpo ang kanilang mata. Pinagbuksan pa siya nito ng pintuan. Mas gentleman nga ito kesa kay Rhett.

Nang makarating sila ay kumain muna ito sa mamahaling restaurant. Napamangha si Brianna kasi first time niya kumain dito. Halos inorder nila lahat ng pagkain kasi pareho naman sila na mga tigre ang tiyan.

"Grabe. Busog na busog ako. Salamat ah" sabi ni Brianna habang papalabas na sila ng kinakainang restaurant.

"Wala yun. Para sa magandang binibini." Tinapik naman si Brianna ang braso nito na siyang ikinatawa nila. Nambobola pa ito.

Patungo sila sa isang boutique nang magkasalubong sila ni Rhett. May bago na naman itong kasamang babae. Maikli ang buhok nito at kasingtangkad sila ng boss niya. Parang isa itong modelo. Hinila niya si Ashton patungo sa isang malapit na stall at nagtago roon.

"Bakit tayo nagtago?" Nagtatakang tanong ng binata.

"Basta. Huwag ka na magtanong" Tumahimik nalang ito at naghintay na lumayo sila bago lumabas. Hindi pa siya handa ipagtapat sa kasama kung bakit talaga ito nagtago. Gusto niya muna ienjoy ang oras na namamasyal sila.

Tumingin tingin ito sa bawat boutique at pinagbilhan ito ng
damit pati narin sapatos at sandals. Napagod din siya sa paulit ulit na pagsukat niya ng damit dahil parang halos naman na sakto sa kaniya ay pinamili agad ni Ashton. Parang naspoil na siya agad nito.

Gabi na nang hinatid siya ng binata pauwi. Bago ito tuluyang umalis ay niyakap niya muna ang binata.

"Salamat ah. Maraming salamat talaga sa lahat ng ito."

"Wala iyon." Ngumiti pa ito ng pagkatamis tamis. "Sige pasok kana."

Tuluyan na itong sumakay sa kotse at pinaharurot iyon. Pumasok na siya sa loob ng bahay at inayos sa closet niya ang mga damit na napamili.

(Mga damit, sapatos at sandals na pinamili ni Ashton para kay Brianna sa next chapter. Trip ko lang iwalay dito. Pake mo ba? Shems HAHAHA)

UnexpectedWhere stories live. Discover now