Chapter 13

69 29 0
                                    

KINABUKASAN ay espesyal na araw niya pero para kay Brianna ay normal lang itong araw na 'to. Kaarawan niya at wala siyang balak icelebrate iyon mag isa dahil wala ang mga magulang nito sa kaniyang tabi. Unang tawag na natanggap niya any mula sa mga magulang. Binabati ang nag iisang anak ng maligayang kaarawan. Hiling pa ni Brianna ay sana makasama niya ito sa araw na ito. Sunod naman ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Ashton. Gusto nitong makipagkita sa isang coffee shop para matuloy iyong kwentuhan nila dahil nga curious ito at sabik nang malaman ang buong pagkatao niya. Nagtext ito ng address kasi di naman siya maalam sa mga lugar sa Manila. Sabi ng binata na huwag na itong mag alala kasi susunduin niya naman ito. Nakakapag gala lang siya para maghanap ng trabaho. Nothing more, nothing less. Di naman siya nakapagpunta sa malayo kasi priority niya ang malapit lang sa boarding house na tinutuluyan. Wala naman siyang ibang hangad basta ay matanggap lang sa legal na organisasyon. Thankfully, tinupad iyon ni Mrs. Dinah Carter. Actually, tinuring niya itong life savior.

Naatawa siya sa naisip. Suot nito ang simpleng damit na sa tingin niya ay magugustuhan ni Ashton. Di niya alam kung bakit siya nagpaimpress sa lalaking iyon.

 Di niya alam kung bakit siya nagpaimpress sa lalaking iyon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

LUNCH break na kaya lumabas na siya sa sariling opisina. Bumili ito ng paborito niyang Afritada sa malapit na karinderya. Pagkatapos kumain ay bumalik na siya sa opisina. Bago paman ito tuluyang makaupo ay nahagip ng mata niya si Boss Rhett.

"Brianna?"

"Yes boss?"

"Clear your schedule. May pupuntahan tayo mamaya." tuluyan nitong pinihit ang door knob at pumasok. Patay, may appointment pa naman siya kay Ashton.

GABI na nung matapos siya sa gawain. Nakapag overtime nga ito sa dami ng paper works na dapat isubmit. Responsable naman siya kahit papaano. Ayaw niyang malate sa pagpasa. Nireview pa niya ulit iyon tsaka siya kumatok sa opisina ng amo at pumasok sa loob. Tiningnan nito ang paper works  niya at tumango tango.

"Okay na ito. Oo nga pala mag ayos ka na. Para kang nasalanta ng bagyo dyan." Kumunot ang noo ni Brianna at umirap sa boss tsaka lumabas na ng tuluyan. Aba! Sino naman ang hindi maiistress eh ang dami niyang tinapos. Hindi na siya nakapag ayos ng buhok at medyo haggard narin ang itsura kahit na naka aircon naman ang opisina niya.

Inayos na niya ang sarili nang mapagtantong hindi pa pala niya nasabihan si Ashton na hindi siya makasama. Kinuha niya ang cellphone sa bag nang mapansin niyang lobat ito. May charger siyang dala kaya dali dali itong  tinungo ang outlet. Bago pa man niya ito naplug ay lumabas na ang boss niya.

"Let's go" Nauna na itong naglakad sa kaniya kaya wala siyang choice kundi sundin ito. Di bale na lang baka makita niya sa labas si Ashton. Doon nalang siya magpaalam. Tama nga naman at nakita niya ito ng nakasandal sa kotseng mamahalin at busy ito sa kakacellphone. Tinetext ata siya nito.

Akmang lalapitan niya ang binata nang tingnan siya ng masama ni Rhett kaya di na niya nagawa pang magpaalam dito. Sumakay na sila sa lamborghini at pinaharurot sa kung saan man sila magpunta. Tahimik lang sila pareho buong byahe.

Nakarating sila sa isang open area field. Malamig ang simoy ng hangin at napakaganda ng view. Nagtaka si Brianna kung bakit  siya dinala rito. Hindi kaya date ito? Napakaassuming naman niya kung ganoon.

Niyakap niya ang sarili at pinakiramdaman ang malamig na hangin na dumadampi sa kaniyang makinis na balat. Napasinghap pa siya at pumikit. Pagkamulat niya ay wala na ang lalaki sa tabi nito. Paglingon niya ay saktong sabi ng mga tao ng "Happy Birthday, Brianna Mendez!"

Di niya ito inasahan kaya napaluha nalang siya. Nakita nito si Mrs. Carter at lumpit ito sa kaniya. Siya ba ang may pakana ng lahat ng ito?

"Happy Birthday iha. I wanted to surprise you. Ops, wag kana magtaka kung paano ko nalaman. Nakita ko iyon sa resume mo." Ngumiti ito. Dahil sa kasiyahan ay niyakap niya ang ginang. Napatingin siya sa ibang tao at napagtanto nito na mga kasamahan niya pala ito sa trabaho. Inimbitahan yata nito ang lahat ng tauhan sa kompanya.

"Maraming salamat Mrs. Carter. Di niyo naman po ito dapat gawin eh."

"Okay lang Brianna. Sige na mag enjoy kana dun. It's your day."

First time nito makaexperience ng birthday party, yung bongga talaga. Dahil narin siguro birthday niya ay nakikipag usap siya sa sa mga co workers niya. Di niya kilala lahat pero sa araw na iyon ay para bang close silang lahat at panay bati ito sa kaniya.

NAGSIMULA na silang mag inuman. Hiyawan ang lahat na para bang nababaliw sila. Halatang lasing na nga ito. Pati siya ay nahihilo na rin. Katabi niya si Mrs. Carter na siyang gunner sa kanilang dalawa ni Rhett. Habang nag ikot na ang paningin ni Brianna ay nag init naman ang kaniyang katawan sabay lingon sa boss. Ang hot nito tingnan. Naglalaway siya. Pagtingin niya sa paligid ay bagsak na ang kanilang mga kasamahan maliban sa kanilang tatlo. She smiled seductively and leaned forward to the man beside her.

"Lasing na nga siya anak. Iuwi mo na siya. Ako na ang bahala sa kanila." Sabay turo nito sa mga bagsak na tauhan. Parang magtatagumpay ang plano nito.

UnexpectedWhere stories live. Discover now