Chapter 18

84 32 0
                                    

HINDI nakatulog ng maayos si Brianna nang gabing iyon. Pabaling baling lang siya samantalang si Rhett naman ay ang sarap ng tulog. Nagrereklamo nga ito minsan dahil malikot siya. Pinagbantaan pa siya nitong halikan kapag hindi siya magtigil kaya naman wala siyang choice so she stayed still. Puno ang utak niya ng mga katanungan. Kung sino ang may pakana nito, at kung mangkikidnap man ito ay bakit malaki ang lugar na pinagdalhan nilang dalawa at malambot pa ang kama na hinihigaan nila. 

Binuksan niya ang kurtina at laking gulat niya sa nakita. Napakagandang tanawin iyon para sa kaniya. Maganda ang kulay asul na dagat at ang buhangin maputi. Malinis ito at namangha talaga siya na para bang ito ang unang araw na nakakita siya ng dagat.

"Boss, gumising ka..." Niyugyog nito ang balikat dahil tulog mantika parin ito. Nais niyang ipakita kung anong paraiso sila napadpad at kung gaano ito kaganda.

"Hmmm..." Tinalikuran lang siya nito at tinakpan pa ng unan ang kaniyang tenga. "Hmp. Bahala ka nga!" Nagmamaktol ito at napabaling ulit sa magandang view. Inenjoy nalang niya ang sarili. How she wishes na makakalabas sila pero nakalock ang pintuan at wala ata silang plano palabasin ito. Gusto na niyang makasimoy ng preskong hangin at maglakad lakad sa dalampasigan pero wala siyang magagawa.

Pumunta na siya sa kusina para magluto ng egg at bacon. Maraming stock sa loob ng ref at namangha siya. Weird but okay. Sasamantalahin nalang niya ito kesa naman mamroblema kung paano sila makakalabas. Sa bagay, paraiso naman ito at tyak mabubuhay na sila dalawa kapag doon na tumira. Kahit panghabang buhay pa.

Pagkatapos niyang magluto ay bumalik siya sa kwarto. Naabutan niya si Rhett na gising na at tsaka palakad lakad. Parang hindi ito mapakali. Nilagay niya ang tray na puno ng pagkain sa kama. Breakfast in bed kumbaga.

"Kain ka muna boss. Nagluto ako ng egg at bacon" Sabi niya para makuha ang atensyon ng amo. Napatigil naman ito sa paglalakad pabalik balik. Hindi ba ito nahihilo?

"Huwag ka munang maingay. Nag iisip ako." Halos pasigaw na sagot nito. Nagulat naman siya don pero agad na nakabawi. Yumuko nalang siya at nagpasyang mauna na kumain.

"Ano ba kasi iniisip mo, boss?"

"Kung paano tayo makaalis dito" Ilang sandali pa ay nagsalita ito ulit. "What if we break that glass wall?"

Nabitawan ni Brianna ang hawak nitong kutsara at napatanga. "Huh? Nababaliw kana ba? Baka pagbayarin tayo ng may ari dito."

"Wala akong pakialam. Kahit magkano pa iyan babayaran ko." Tinakbo na nito ang glass wall at binangga gamit buong lakas niya. Napangiwi si Rhett sa sakit. Ang tibay pala ng pagkagawa ng glass wall na ito. Ni isang crack ay wala siyang nakita. Nag attempt ulit siya tumakbo at banggain ito nasaktan lamang ito sa ginawa niya.

"Tama na iyan boss. Kumain nalang kayo" Lumapit siya dito tiningnan ang braso. Mukhang nabalian ito kasi panay aray lang ang sagot noong ginalaw niya iyon. Iginiya niya ang binata sa kama at pinaupo roon.

Napatawa si Brianna sa naisip. Para silang mag asawa na nag hohoneymoon.

"Oh bakit ka tumatawa mag isa dyan? Baliw ka ba?"

Inirapan niya ito at tsaka umalis sa kama. Maliligo nalang siya. Hindi pa kasi ito nakabihis simula nung nakidnap sila kagabi. Pagkatapos ay pumunta siya sa closet and surprisingly, may mga damit nga dito at nakatupi sa maayos na posisyon. Arranged lahat ito. Kumuha siya ng oversized tshirt, maikling shorts at... T back? Napangiwi siya. Bakit naman tback lahat nandito? Wala bang matinong panty? Humanap siya baka sakali may makita siya pero wala. Yun na lang ang sinuot niya.

ANG tahimik ng paligid. Tulog ang amo nito at siya, walang magawa. Walang signal sa kinaroroonan nila kaya tumunganga nalang ito. Ayaw naman niyang matulog kasi hindi siya inaantok. Naglibot libot nalang ito sa bahay. Baka may interesting siyang makikita. Baka naman may library dito? Kaya ayun, nilibot niya ang lahat ng sulok ng bahay pero napatigil siya sa nakita. May isang room doon na madilim. Nakabukas ito ng kaunti kaya pumasok siya. Kinakapa kapa at hinanap niya ang switch para magliwanag. Pagpasok niya ay may mga kagamitan siyang nakita. Pamilyar ito dahil nakita niya iyon sa isang magazine na nabasa noon. Napatakip siya ng bibig nang marealize kung ano iyon. Holy guacamole. These are sexual equipments!

UnexpectedOnde histórias criam vida. Descubra agora