Chapter 1

236 76 6
                                    


"Alagaan mo ang sarili mo anak. Wala kami para alagaan ka." sabi ng ama. Klaro sa mukha niya ang pagalala. Niyakap ni Brianna ang mga magulang. " Ma, Pa. Pangako ko sa inyo. Bibigyan ko kayo ng magandang buhay nang sa ganon ay hindi niyo na kailangan pa mag ani."

"Nako anak, masyado mo naman kaming inalala. Okay lang naman ang pagsasaka. May malibangan pa kami ng mama mo at hindi mababagot sa bahay. Malakas pa kami. Kita mo naman oh" inangat ng tatay niya ang braso at pinapakita ang muscles na hindi naman ganoon kalaki. Natawa nalang si Brianna sa inasta ng kanyang ama.

"Ingat ka anak. Mahal ka namin" Iyon ang huling katagang na narinig niya mula sa ina hanggang tuluyang nakasakay sa bus papuntang syudad.

Dahil mahaba pa ang byahe, napagdesisyunan niyang matulog muna habang nakikinig ng sad songs. Ito ang tipo ng mga kanta ang gusto niyang pakinggan habang nagbibiyahe. Gusto rin niya mag emote yung para bang nasa music video.

Ilang oras ang nakalipas, di niya namalayan na nakarating na sila sa terminal. Napasarap ata ang pahinga niya dahil tulo laway ito.

Hanggang sa nakarating na siya sa boarding house na pina reserve niya sa may ari. Kilala na siya nito at naging kaibigan pa niya.

"Hi po Manang Gina" bati niya sa may ari nang makita itong nagwawalis. Napatigil sa paglilinis si Manang Gina nang makita si Brianna. "Oh iha. Di ko alam na babalik ka na pala. Edi sana nilinis ko muna ang kwarto mo." tugon naman nito.

"Okay lang po manang. Ako na po ang bahala." sabi niya. Tinungo na niya ang kwarto. Pagkabukas niyon, napabahing siya. Napuno na nga ng alikabok ito. Kaya naman nilinis niya ang kwarto. Pagkalipas ng isang oras, natapos narin siya at dahil nga tapos na siya sa gawain, nagbihis na ito at kumain. Maya maya pa ay natulog na siya.

NAPABALIKWAS ng bangon si Brianna dahil sa malakas na tunog ng alarm clock niya. Dahil ugaliin na niya ang pag cellphone bago tuluyang umalis sa higaan, nag scroll muna siya sa social media at maya maya pa ay nakatanggap siya ng mensahe. Binasa niya iyon.

From: Unknown Number

Good day! We would like to invite you for an interview at RX Company tomorrow at 9 am. see you there!

Napangisi siya sa binasa pero naglaho din iyon. "Sana naman matanggap na ako." wika ni Brianna sa sarili. Sa dinami daming inapplyan niyang trabaho, wala ni isa ang tumanggap sa kanya. "Sa ganda ko ba namang ito?" sabi niya sa kaniyang isip at napailing.

Tuluyan na siyang umalis sa higaan at ginawa ang kaniyang daily routine. Plano sana niya ang maghanap ulit ng trabaho ngayon pero dahil nga may interview siya bukas, pass muna. Napagdesisyunan niyang pumunta sa bahay ng kanyang kaibigan na si Valerie para makipagchikahan. Matagal narin silang hindi nakapagjam dahil busy sila pareho. Si Valerie ay accountant sa isang pinakakilalang institusyon. Samantalang siya, nganga. Wala pang trabaho kaya nagbabakasakali siyang sana naman, matanggap siya bukas.

Pagdating niya sa bahay ni Valerie, nagyakapan ang dalawa.

"Uy kumusta ka na?" sabi ni Valerie

"Okay naman ako, Val. Ikaw?"

"Same. Ipaghahanda muna kita ng meryenda. Upo ka muna dyan." sabi ni Val at tinungo niya ang kusina. Maya maya pa ay may dala na itong juice at egg sandwich. Mukhang masarap ito. Natatakam siya. Ayun na nga at nagsimula na silang kumain. Pagkatapos ay nagkwentuhan na sila.

"Ano nang balita sa paghahanap mo ng trabaho?" Napabuntong hininga si Brianna at tumungo. "Hindi pa rin ako natanggap eh. Di bale na. Nagtext ang isang inapplyan ko ng trabaho kanina. Yung RX Company. Sana naman mapagbigyan at madinig ang panalangin ko. Pagod na ako. Gusto ko na kumita."

"Huwag ka mag alala. Magtiwala ka lang." Yun lang ang kaya ng kaibigan niya. Ang magcomfort. She felt pity. Pinatatag niya nalang ang loob nito.

GABI na ng makauwi si Brianna sa boarding house. Masyadong nag enjoy silang dalawa sa pag uusap na hindi nila namalayan na ilang oras na pala ang lumipas. Bukas, may interview pa siyang haharapin. "Help me God" sabi niya at tuluyan nang nakatulog.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon