Chapter 8

84 36 0
                                    

NGAYON na ang araw ng kanilang party. Half of her is excited and half of her isn't. May pagka introvert din si Brianna kaya nagdadalawang isip siya pero wala siyang choice. Kailangan siya dun sa party para maging alalay ng boss niya. Akalain niya yun. Sa tanang buhay niya, ngayon lang ito nakaranas ng isang grand party. Yung sobrang bongga na talaga.

Wala siyang pasok ngayon kaya naman natulog lang siya buong araw. Nagising lang siya noong mag tumawag sa kaniyang phone.

"Hoy babae. Nakapaghanda ka na ba? Papunta na ako dyan." saad ng boss nito. Napamulat siya ng mata sa sinabing iyon. It's 5 pm already. Alas sais magsisimula ang party. Kaya naman di na niya ito sinagot at binalibag na ang cellphone niya. Naligo na siya ng mabilisan at sinuot ang damit na binili ni Rhett para sa kaniya. Tumingin siya sa salamin. Napamangha siya sa sarili dahil kita nito ang pagka kurba ng katawan. At syempre and cleavage niya. Nag apply na siya ng light make uppp at nag ayos ng buhok. Pagkatapos ng lahat ay timing naman na tumawag ang kaniyang boss.

"I'm here. Where are you? Ang ayaw ko sa lahat ay paghintayin ako"

She rolled her eyes "Wait lang" Dali dali niyang sinuot ang high heels at lumabas na ng pintuan dala ang kaniyang purse.

Bumaling si Rhett ng tingin habang nagsisigarilyo sa gate na kakabukas lang. Doon niya nasulyapan ang magandang dalaga. Tila nag slow motion ang ikot ng mundo nito pero natauhan din nang nakalapit na ang dalaga sabay snap ng daliri sa may mukha nito.

"Huy boss, hello?" at nag wave pa nga ng kamay sa harapan nito.

Umikot ang boss niya papunta sa driver's seat. Di man lang siya pinagbuksan. Napabusangot siya. Di bale na lang, may kamay naman ako.

NAGSIMULA na itong magdrive papunta sa venue. Tahimik lamang sila buong byahe. Pagkarating nila. Agad lumapit ang boss sa mga kaibigan na nakita nito. Iniwan na nga siya nito. Bakit ba kasi sinama pa kung wala namang pake ang boss nito sa kaniya. Ayun wala siyang nagawa kundi ang magpalibot libot nalang sa vebue dahil sobrang ganda nito at halatang pinaghandaan talaga ang event. Napapunta siya sa isang mini bar at umorder ng isang basong whiskey. Ayaw naman niyang malasing kaagad kaya yun lng muna ang inimos niya.

"Ang aga niya naman ata nag inom. Di pa nga nagsimula ang party." Napaagikik ito ng tawa habang nag mimix ito ng nga inumin.

Ngiti lang ang tugon ng dalaga pero nagpakilala ang bartender sa kaniya. "Ashton nga pala." Nakipagkamay ito. Tinanggap iyon ng dalaga "Brianna" maikling tugon niya. Maraming bagay rin ang napag usapan nila pero natigilan ito ng may tumawag sa kaniya na medyo malakas ang boses. "BRIANNA!!"

Lumingon siya dito at inirapan niya ang lalaki. Nilapitan ni Rhett si Brianna at hinila ito. "I've been looking for you everywhere. Dito lang pala kita makita. Isang irap na naman ang tinugon niya sa hinding nakatingin na binata. "Eh sino ba ang nang iwan?"

They stopped in the entrance of the big room. Nakita niya ang mga nagagandahan at nagagwapohan na mga tao sa loob. Pumasok na sila at pumunta sa isang table na nakareserve para sa kanila. May ibang kasamahan naman sila doon at pinapakilala siya nito ng boss niya.

Lumingon sila sa nagsasalitang host sa stage "Hi everyone. Good evening. Welcome to the grandest party for both boss and their secretary. Tonight, we will be having games and the announcing of the King and Queen for the night. Enjoy everyone!"

Everyone went to the dance floor and enjoyed dancing the night away. Pansin niya sa mga sekretarya ay parang close ito sa mga boss nila. Sila lang ni Rhett ang hindi. Di na siya sumali sa sayawan kaya tumungo muna siya sa mini bar ulit at nakita nito si Ashton. Umupo ito sa upuan kaharap niya. "Hi" bati ng dalaga.

UnexpectedWhere stories live. Discover now