Chapter 5

123 54 4
                                    

HINDI parin makamove on si Brianna sa nangyari. After their encounter, walang imik silang dalawa. Magpapansinan lang sila kapag may kailangan abutin na papeles. Hanggang sa matapos ang kaniyang trabaho, diretso siyang umuwi sa boarding house.

This day is totally exhausting! Unang araw palang niya eh naiistress na siya. Siya? Si Mr. Carter? Magiging boss ko? Oo nga at nagwapuhan siya dito noong una pero di niya alam na ganon pala ang kaniyang ugali. Isang mayabang at masungit na nilalang na nakilala niya sa balat ng lupa. Naisipan niyang tawagin si Mrs. Dinah Carter para maglabas ng saloobin dito. Parang hindi na nito kaya ang ipapagawa sa kaniya. Di niya kaya iyon lalo na at sa lalaking iyon. Never! Sayang man ang pera na kaniyang matatanggap mula sa ginang eh bahala na. May disente naman siyang trabaho eh. Magsisiskap nalang siya nang sa ganon ay dodoble ang sweldo niya. Kailangan lang niyang pagtiisan ang boss nitong masungit.

Kinuha niya ang cellphone sa ibabaw ng cabinet at tiningnan ang calling card. Huminga siya ng malalim at dinial ang number nito. Ilang beses iyong nagring bago sumagot ito.

"Hello po Mrs. Carter. Si Brianna po ito." mahinahon ang boses nito na kausap ang matandang babae. Maya maya pa ay sumagot na ito "Oh iha. Kumusta? Napag isipan mo na ba ang offer ko?" Natagalan bago sumagot ang dalaga. Kinabahan siya nang sa di malaman na kadahilanan.

"Yes. And I won't accept your offer. Isang mayabang at masungit na nilalang ang anak mo. Akala mo sino kung makaasta. Nabuhusan ko lang siya ng kape kaninang umaga eh nagyabang na ito kung gaano kamahal ang damit niya" Di na nakapagtimpi si Brianna at nilabas na nga niya ang saloobin sa kausap. Ilang minuto bago niya marinig ang tawa nito sa kabilang linya.

"Pagpasensiyahan mo na ang anak ko. Pero Brianna, pag isipan mo ito ng mabuti. Matutulungan mo ang magulang mo ng madalian. Mabibigyan mo pa sila ng magandang buhay. Kung gusto mo titriplehin ko ang sweldo mo. Makukuha mo rin ang loob ng anak ko. May tiwala naman ako sayo. I need you, iha"

Malungkot ang boses nito. Di niya kaya na marinig itong ganon, may konsensiya rin siya kahit papaano. Sabi pa nito ay triple ang magiging sweldo niya. This is tempting! Wala siyang ibang choice. Gusto niya itong matulungan, at dahil na rin sa offer na pera nito.

"Please think it over." binabaan na siya nito. Napasinghap siya habang sumalampak ang katawan sa higaan. Gusto lang naman niya mamuhay ng simple pero parang mas naging challenge itong trabaho para sa kaniya.

Papayag na ito sa gusto niya. Sana nga lang ay magtagal siya. Baka masuntok niya ito ng wala sa oras kapag inangasan siya nito. Yabang!

Di mawala sa isip ni Brianna ang pagmumukha ng lalaking iyon. Gwapo nga, pangit naman ng ugali. Pabaling baling siya ng higa. Madaling araw na at di parin siya makatulog. Bukas na niya kausapin ng masinsinan si Mrs. Dinah. Sana tama ang magiging desisyon niya. Sana di niya ito pagsisisihan.

DALI DALING pumasok sa opisina kinaumagahan si Brianna. Di na nga siya nakapag apply ng light make up dahil late na siya. Takbo lakad ang ginawa niya. Nang makasakay siya sa elevator, kinabahan siya dahil nga masungit ang boss niya. Baka masisante pa ito ng wala sa oras. Dali dali niyang tinungo ang opisina ng boss niya at bumati dito. "Good morning boss. I'm sorry I'm late"

Umikot ang lalaki sa swivel chair at humarap sa kaniya. Nakaukit ang madilim nitong mukha. "Why are you late?" Parang kakainin siya nito ng buhay dahil sa mga titig nito.

UnexpectedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang