Chapter 7

93 37 0
                                    

BAGONG araw na naman. Sigurado maiistress na naman siya sa pagmumukha ni Rhett Caster. Bago pa siya makaalis sa bahay, tumunog ang cellphone niya. Agad niyang kinuha ito at tumingin kung sinong tumawag. Kumunot ang noo niya dahil unknown number ang nakaregister dito.

"Hello? Sino to?"

"This is Rhett. Huwag kang malate. May pag uusapan tayo."

"Paano mo nakuha ang number ko?"

"I found it in your file. Ang bobo mo talaga."

Namilog ang mata niya. Sa sobrang inis ay pinatayan niya ito ng tawag. Bwiset. Sino ba ito para pagsalitaan siya ng ganyan. Nasira ang mood niya. Umagang umaga... Pero kahit na ganon ay tuloy parin ang buhay.

NAKARATING na siya sa opisina at agad sinimulan ang trabaho. Tinawagan siya ng boss sa pamamagitan ng telepono para papasukin sa silid. May inilapag si Rhett sa lamesa. Dinampot niya iyon at binuksan. Isang invitation para sa grand party. Tyak na pupunta rito ang mga sikat na may ari ng kompanya at syempre, invited rin ang kani-kanilang sekretarya. Napasimangot siya. Wala itong magandang maisusuot. Simple lang siya manamit. Mga jeans at t shirt lang ang tanging laman ng closet niya.

"I want you to be there with me."

"Boss, wala akong masusuot. Hindi nalang po ako pupunta"

Tumayo ito at nilapitan siya "Don't worry. I'll take care of it"

Di niya alam kung paano naging mabait ito. Isang araw sobrang sungit. Ngayon, sobrang bait. Daig pa ata sa babae ang moodswings nito. "Okay boss" Tinalikuran na niya ito at bumalik sa kaniyang desk. Okay, calm down. Act normal. Nagpatuloy siya sa gawain hanggang sa matapos ito.

Uwian na nang sabay na lumabas ang boss niya at ang pagtayo nito.

"Huwag ka muna umuwi. May pupuntahan tayo." Nauna nang maglakad Si Rhett kay Brianna patungong elevator. Nagtataka man ay sumunod nalang siya. Di na siya nagtanong baka akalain pa nito na ang feeling close niya. Mapride ata ito.

Sumakay sila sa isang lamborghini na naghatid sa kanila sa isang boutique. Nilapitan ni Rhett ang babae na nagbantay sa counter table at binigay nito ang invitation. "On it sir" sagot nito.

Naglibot libot muna siya habang naghihintay sa susunod na mangyayari. Ang laki ng shop na ito at sa tingin niya ay personal boutique nito ng boss. Di na siya nagtataka. Sa sobrang yaman ba naman nito?

Ilang minuto lang ay bumalik ang babae na may dalang iba't ibang style ng damit. Di siya sure sa theme pero sa tingin niya ay sexy ito base sa nakita niya. Di sanay si Brianna sa sexy na damit kaya napailing siya. Tumalim ang tingin ng boss niya ng masulyapan ito.

"Try those on. Gusto mo ba ma out of place sa party?" Ayan na naman ang masungit na aura nito. Wala siyang choice kaya sundin ito. Tumungo siya sa dressing room at nagsimulang isukat ang damit. Una niyang sinuot ay ang Retro French sexy low cut dress. Napangiwi siya nang makita ang sarili sa salamin. Ang sexy ng damit. Kita masyado ang kaniyang malulusog na dibdib. Lumabas siya at pinakita iyon sa boss.

 Lumabas siya at pinakita iyon sa boss

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Next"

Pumasok ulit siya at sinuot ang White Vintage Cowl Neck na silk ang clothing. Pareho din sa previous. Masyadong sexy.

Puro next lang naging tugon ng boss niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Puro next lang naging tugon ng boss niya. Pagod na siya pero sa last na suot niya ay tila para bang namangha ito. Ang suot nito ay long sleeve velvet romper dress na sobrang iksi at sobrang haba ng V cut nito sa may dibdib na hanggang gitna ng tiyan niya. Jusko ang revealing. Maganda naman ang katawan niya pero di kasi siya sanay sa ganitong pananamit.

 Maganda naman ang katawan niya pero di kasi siya sanay sa ganitong pananamit

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"We'll take that one." sabi ng boss niya. Hays. Bakit ba kasi sexy ang theme ng party na pupuntahan niya. Wala siyang choice kundi sumang ayon. Sunod nilang tinungo ang heels section. Matataas ang heels nito. Ang napili din sa huli ay isang 4 inch heels na silver ang kulay.

Pagkatapos ay inilagay na nung babae yung pinamili nila sa isang paper bag

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pagkatapos ay inilagay na nung babae yung pinamili nila sa isang paper bag.

"I'll take you home" sabi ng boss niya na ikinagulat niya. Hinatid niya nga ang dalaga sa tinuluyan na boarding house. Nagpasalamat siya dito at tuluyan nang pumasok sa loob ng bahay.

UnexpectedWhere stories live. Discover now