Chapter 6

98 42 0
                                    

KINABAHAN at kinapos man si Brianna ng hininga ay nagsimulang parin siyang magpaliwanag "I woke up late. Matraffic din" Di niya maiwasan na irapan ang boss dahil naiinis parin siya sa inakto nito noong una silang magkausap. Dahan dahang nilapitan ito ng boss. Napaatras naman siya hanggang sa wala na ngang maatrasan. Amoy niya ang mabangong hininga nito. Naiilang man siya but she managed to maintain her poise. Halos hindi na siya makahinga dahil ang lapit nito sa mukha niya

Ipiniid nito ang kamay sa dingding "Don't talk to me that way. It's rude. I'm your boss." Learn to respect me"

"L-lumayo ka nga s-sakin" she looked away. Oo nga at gwapo ito pero this is inappropriate. Nasa opisina sila kaya dapat maging professional ito.

Mr. Rhett Carter. Oo, ito ang pangalan ng lalaking nasa harap niya. Gwapo at sobrang yaman nito. Hindi niya iyon maitatanggi pero sobrang basura ng ugali. A smirk just formed on his lips and stepped away from her. Nakahinga naman siya ng maluwag. "Don't do it again or else---" Natigilan ang dalaga sa pagbabanta nito pero di na niya ito tinugunan ng pansin "Just get your work done."

Then they part ways. Lutang si Brianna pero salamat naman at nagawa parin niya ng maayos ang trabaho. Nagrereplay sa utak nito ang mga pangyayari. Hinawakan nito ang puso. Kinakabahan siya sa tuwing maaalala iyon pero umiling na lamang ito na para bang to ang paraan para mawala ito kaagad sa isip niya.

Malapit na ang uwian at nagsimula na itong mag ayos sa sarili. Bago pa siya natapos ay may babaeng nakasuot ng isang sexy red dress. Lmapit ito sa kaniya. Napangiwi siya sa isipan. Ang revealing ng damit ng babae na halos kita na ang malalaking dibdib.

"Hi. I'm Savannah. Is Rhett here?" Tumango si Brianna "Yes. Do you need anything from him? I'll let him know that you're here.

Akmang tatayo ito sa upuan pero pinigilan siya ng babae "It's okay. Sabi niya sakin na papasok lang ako ng diretso pagdating ko"

Umupo ulit si Brianna. Maganda ang babae. Makinis, maputi at mukhang may lahing foreigner ito. Kaya naman di na din siya nagtaka na lumapit ito sa boss niya. Gwapo din naman si Rhett Bagay sa isa't isa. Bigla niyang naalala ang misyon na binigay sa kaniya ni Mrs. Carter. Sht. Siguro sa susunod nalang niya ito simulan. May oras pa naman siya.

Pagkalipas ng ilang minuto at handa na siyang sumakay sa elevator, nakasabay niya ang babae. Ngumiti ito sa kaniya. Tinugunan naman ito ng ngiti ni Savannah. Ang ganda niya talaga. Sabay silang sumakay sa elevator pero bago pa naman ito nagsara, kumaripas ng takbo si Rhett at naabutan nga niya ang papasarang pintuan ng elevator. Awkward. Iyon ang naramdaman niya sa mga sandling iyon. Tahimik lang siya dahil ang dalawang kasama niya ay panay ang landian. Kita naman niya ito sa peripheral vision. Umirap nalang siya sa kawalan.

Pagkarating nila sa ground floor, agad siyang lumabas na walang lingon lingon sa likod. Diretso siyang pumara sa taxi at ito ay naghatid sa boarding house. Di niya alam kung bakit pero naiinis siya. Pagkarating niya sa bahay ay agad sumalampak ang katawan niya sa higaan. Kinapa niya ang cellphone sa bag dahil nagring ito.

Mrs. Carter calling...

Agad niyang sinagot ito. "Hi Mrs. Carter."

"Kumusta na ang pinapagawa ko sayo?" Ito agad ang sinalubong na tanong ng matanda. "Hindi ko pa po nasinulan. May babae itong bisita kanina at naglandian pa itong dalawa sa elevator dahil nakasabay ko sila." Narinig niyang kumawala ito ng buntong hininga "Hay nako ang anak kong babaero talaga. Basta huwag mong kalimutan ha. Ibibigay ko ang sweldo mo sakin bukas. I'll see you tomorrow at my office"

Pagkatapos ng kanilang usapan ay bumangon ito at nagpasyang mag half bath para presko ito bago matulog. Bukas na ang trabaho niya na pinapagawa ng ginang. I hope it will go well.

Unexpectedحيث تعيش القصص. اكتشف الآن