Chapter 11

74 27 0
                                    

INANYAYAHAN ni Ashton si Brianna na lumabas at doon nalang kumain para narin makapag usap sila ng maayos. Panay kasi ang sigaw nila sa isa't isa baka bukas ay mawalan sila ng boses. Maingay sa loob kaya napagpasyahan nilang magtungo sa garden. Dala nito ang plato na puno ng pagkain. Susulitin niya iyon dahil libre naman iyon habang si Ashton ay nagbitbit ng mga inumin. Umupo sila sa lamesa na malapit sa fountain at nagsimula nang kumain.

Marami silang napag usapan gaya nalang ng family background nila at iba pa. Mas lalo nila nakilala ang isa't isa. Akalain mo yun, nakatagpo siya ng kaibigan sa isang araw lamang! Masaya siya sa isiping iyon.

"Close kami ni Rhett noon. Pero simula nung nalaman niya na niligawan ko ang babaeng gusto niya, he went histerical. Lalo na nung naging kami. He felt betrayed kaya pagkatapos non, hindi na niya ako pinansin at nagtanim siya ng galit sa akin." Ngumiti si Ashton ng mapait habang nakatingin sa langit at diretsong nilagok ang bote ng beer.

Napasinghap si Brianna sa narinig. Kaya pala hindi man lang nito kinibo ni Rhett noong nahanap siya sa bar at diretsong hinila pabalik.

"Kung may gusto pala si boss sa babae, bakit tinuloy mo parin ang panliligaw sa kaniya? Hindi kaba natatakot sa posibleng mangyari? Na baka magalit siya sayo? Di ko naman siya masisisi eh. Inagaw mo ang babaeng mahal niya."

"Hindi naman sila ah. He has no hold on her. Hindi ko naman kasalanan iyon na kusang lumapit si Chloe sakin. Sa tagalay ko ba namang kagwapuhan?" Kinidatan pa siya nito. Umakting namang parang nasusuka si Brianna sa pagmamayabang ni Ashton at tsaka ito inirapan. Gwapo naman talaga ito pero mas gwapo si Rhett para sa kaniya. Napangiwi siya. Bakit ba naisip niya ito out of nowhere?

"Curious lang ako Ash, kayo pa ba nung Chloe?"

Umiling ang binata. "Hindi na... Pero siguro nga kami pa. Hindi naman kami naghiwalay eh bago siya kinuha ng Diyos sakin."

"I'm sorry."

"Okay lang" wika ng binata "Nagkaroon kami ng tampuhan ng araw na iyon. Iniwan niya ako at naunang naglakad.Ayun nga namatay siya dahil nasagasaan ng truck. I blamed myself for everything. I saw it with my own eyes dahil sinudan ko siya."

Nagsimulang magtubig ang mata niya at maya maya pa ay nagsilabasan na ang kaniyang mga luha. Rare lang siya makakita ng lalaking umiiyak kaya parang na amaze siya. Weird right? Pero she expressed empathy para kay Ashton. Kinomfort niya ito dahil wala naman siyang ibang magawa.

Ipinahid niya ang luha sa mukha gamit ang palad "Sorry sa kadramahan ko." Tumingin siya kay Brianna at ngumiti.

"Miss mo na siya noh?" tanong nito.

"Sobra. Siya lang ang babaeng minahal ko ng lubusan. Wala nang iba. Siya lang din ang nakaintindi sa akin at nakakilala sa totoong ako. I know she loves me too. I just wish I had the chance to spend time with her a little longer."

Halata sa mata nito na malungkot kaya hinayaan na lamang niya ito maglabas ng hinanakit. She felt pity. Ang swerte naman nitong si Chloe.

"Ikaw naman ang magkwento." sabi ng binata. Pero bago pa man siya nagsimula ay bigla nalang sumulpot si Rhett. May lahing bulate ata ito dahil bigla bigla nalang ito sumulpot. Naiinis siya dahil ang sarap na nga ng kwentuhan nila ni Ashton. Umirap sa kawalan si Brianna nung narinig ni Rhett ang pagtawag sa kaniyang pangalan at tsaka tumayo.

"Yes boss?" ngumiti itong pilit at plastik. Saglit na tumingin si Rhett sa katabi ng dalaga. Di niya mabasa ang emosyon sa mga mata ng boss niya, may halong galit at lungkot. Dumilim ang itsura nito.

"Kasama mo na naman ang lalaking iyan?" tanong nito.

"Bakit? May problema ba don? Ang boring sa loob. At least siya pinapansin ako di tulad ng isa jan." Teka. Bakit ba siya nagagalit? As if naman boyfriend niya ito. Kalma lang self.

"Ah ganon? Asahan mo ang bawas ng unang sweldo mo." pananakot niya kay Brianna.

"Unfair naman non!" napasigaw siya.

"Iuuwi na kita." Tumalikod na nga ito at naunang maglakad. Binalingan niya ng tingin si Ashton "Next time nalang ah. Pasensiya ka na. May regla ata kapatid mo"

Napatawa sila pareho. Hiningi muna ni Ashton ang cellphone number ni Brianna kung sakali man may free time ito, magkikita sila ulit. Lumabas na siya at diretsong tinungo ang parking lot. Nakita niya si Rhett na nakatayo at may hawak na sigarilyo sa kaliwang kamay. Akala ba niya No Smoking Area ito? Well kaya naman siguro nito ipagwalang bahala ang rules dahil kapag nahuli siya, may pera naman itong pambayad.

Nakita naman agad siya ng boss at tinungo na agad nito ang driver's seat. Napakagentleman talaga nito. Hindi siya pinagbuksan.

"Get in the car" bago ito pumasok sa sasakyan.

UnexpectedWhere stories live. Discover now