CHAPTER 5 Colored Eye Girl

1.9K 75 4
                                    

Elown POV

"Grabe nakakatakot noh"

"Oo beshie sinabi mo pa. Yung pag apoy at pagyelo ng mga kamay niya nakakatakot"

"Oo nga tapos yung mga halaman kumakalat sa katawan niya"

"Napansin ko rin ang pag iiba ng kulay ng mga mata niya. Minsan nagiging pula, asul, berde, itim at puti"

"Nakakatakot siya. Saan kaya siya nagmula?"

Ganyan ang bulungan ng ibang estudyante rito habang naglalakad kami papuntang canteen

Nagyeyelo? Umaapoy? Halaman? Nag iiba ang kulay ng mga mata?

Sino kaya yung tinutukoy nila?

Tiningnan ko mga kasama ko na halatang nakikinig rin sa mga bulungan ng ibang estudyante

Alam kong natataka rin sila. Lumapit naman ako kay Milla at nagtanong

"Milla, sa tingin mo babae siya o lalaki?"

"Feel ko babae. Kasi kaaway raw si Saina eh puro bago at babaeng estudyante ang target nun at isa pa kung lalaki yun edi patay na si Saina alam mo naman mga lalaki hindi marunong magtiis"sabay pagpaparinig ng huling linya

"Hindi naman lahat!"sigaw ng dalawa. Sino pa edi si cosmo at Hans

"Ayy oo tama ka jan!"pagpabor ko kay milla

"Grabe naman kayo samin wag niyo lahatin. Tulad ni master oh"Hans habang tinuturo si Primo

"Si primo lang pero kayo hindi"Milla

"Grabe ka naman babe"cosmo

"Babe mo mukha mo!"

"Galit ka na naman. Halika suyuin kita"

"Sapak gusto mo?"

At ayun nag sisimula na naman sila. Nagulat ako ng biglang may umakbay sa akin. Letseng hans toh bigla bigla. Agad ko itong siniko

"Arayy!!" Daing niya

"Tse! Wag mo akong inaakbayan kadiri"

"Edi yakapin"

"Eww! mas lalong wag"

"Edi mahalin"namula ako dun ah "oh namumula sige na nga mamahalin nalang kita"

"Tse!!"naglakad ako pauna sa kanya na agad naman sumunod

Rinig na rinig ko parin ang bulungan tungkol sa nakaaway ni Saina na nag iiba raw ang kulay ng mata. Nasa gitna kaming apat sa pagtatalo ng biglang nagsalita si Primo

"Interesting huh"

Napatigil kaming apat sa pagtatalo at tumingin sa kanya ng may pang aasar na ngiti

Napawi ang ngiti niya ng nakitang palapit kami sa kanya. Hindi namin masyadong naintindihan pero rinig ko ang salitang "intresado" sa sinabi niya

"Primo may sinasabi ka?"

"Oo nga master. Ano sabi mo?"

"Master wag ka magsalita di mapagkakatiwalaan yang mga yan kaya sa akin mo nalang sabihin"agad naman naming binatukan si cosmo dahil sa sinabi niya

Akala namin ay magsasalita na siya ngunit nabigla kami ng may hawak na siyang isang bolang apou na parang handa na ibato sa amin

Agad naman kami umalis sa harapan niya at nag simulang maglakad. Nauna ang dalawang lalaki na kunyaring iba ang pinag uusapan

ENCHANT ACADEMY: The Missing Goddess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon