CHAPTER 36 Hurt Her

1.3K 50 4
                                    

Primo POV

Nagising ako dahil sa mga salitang biniitawan ng Reyna

Nakatakda sa iyo ang anak ko! Ingatan mo siya!

Nagmadali akong pumunta sa Tierra palacio upang itanong sa aking ama at ina. Pagkarating ko ay saktong palabas sila

"Narito ko pala. Patungo sana kami sa paaralan upang kausapin ka"saad ni ina

"Totoo ba yung panaginip ko?!"deretsong tanong ko na ikinagulat nila

"Mukhang totoo iyon dahil sinabi rin sa amin ng reyna sa panaginip"saad ni ama na ikinabagsak ng balikat ko

"H-hindi m-maari" napaupo ako sa sahig habang nakasabunot sa sariling ulo

Hindi pwede!!! Mahal ko Yielle! Mahal na mahal!!

"Ngunit kung hindi mo sa kasunduan para sa kalayan"saad ni ama na halatang malungkot rin

Hindi ko kayang saktan si Yielle!! Hindi ko kaya!!!

"Gusto ko siyang ipaglaban ina!"saad ko at tuluyan ng tumulo ang luha ko

Ayoko!! Ayoko ng kasunduang ito!!

"Wala na tayong magagawa anak"naluhang saad ng aking ina

Napaluha akong bumalik sa paaralan. Pumunta ako kina Cosmo at Kina Milla upang ipaalam sa kanila

Wala na akong magagawa kundi ang gawin ang dapat gawin... masakit! Sobrang sakit ang gagawin ko!!

Patawarin mo ako Yielle! Patawarin mo ako!!


********

Shielle POV

Pagkarating namin ni Hayi sa klase ay nakita ko ang mga legends na malungkot. Nakita ko rin si Milla at elown na mukhang kagagaling lang sa iyak

"Anong nangyari sa kanila?"bulong na tanong sa akin ni Hayi

Imbis na sumagot ay lumapit ako sa kanila upang tanungin ngunit nabigla ako ng yakapin ako ni Milla at Elown

"Ano nangyari sa inyo"tanong ko

"Wala lang gusto ka lang namin yakapin"saad ni elown na halatang pilit ang ngiti

"Eh bakit mukhang kagagaling niyo lang sa iyak?"

"E-eh kasi nadulas si E-elown kanina tapos ako naman at n-napuwing"alam kong nagsisinungaling si Milla ngunit ngumiti lamang ako at pumunta na sa Pwesto

Napangiti ako ng makita si Primo na nakatingin sa Bintana. Umupo ako sa upuan ko at humarap sa kaniya saka pinisil ang pisngi

"Ano ba?!"nagulat ako sa sigaw nito

"Anong nangyari sa mga kasama mo?"kinakabahang tanong ko

"Itanong mo sa kanila hindi naman ako sila!"sigaw nito sa akin at humarap ulit sa bintana

Nasaktan ako sa pagsigaw niya kaya ngumiti ako ng pilit. Nakita ko ang pag aalala nila Milla ngunit ngumiti lamang ako

Ilang sandali pa ay pumasok si sir salvador. Ngumiti ito ng mapait sa akin na parang alam ang nangyari

Napalingon ako sa likoran nito dahil may isang babaeng pumasok at nakasunod sa kaniya

"P-pasensya na p-pero ang prinsesang i-ito ay rito r-raw mag aaral"utal na saad ni sir salvador at ngumiti ng mapait sa akin

ENCHANT ACADEMY: The Missing Goddess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon