CHAPTER 20 Child?

1.5K 61 2
                                    

Keihayi POV

"Baka naman siya ang nagligtas sa inyo"biglang nasamid si Yielle sa sinabi ng hari

Agad ito inabutan ni Primo ng tubig at ininom ni Yielle bago magsalita

"Grabe kayo magbiro kamahalan"natatawang sambit nito at tinuloy na ang pagkain

"Hindi ako nagbibiro iha. Baka ikaw iuon dahil sa oras na yun ay wala ka raw"

"Malabo po na ako ang gumawa nun dahil kumuha lamang ako ng dahon ng alabay para sa sugat ng isa naming kasama"paliwanag nito

Habang nakain kami ay nag uusap usap rin tungkol sa nangyari at tungkol sa dahilan ng pagpunta namin rito

Si Yielle naman ay abala sa pagkain at parang hindi nakikinig sa mga sinasabi ng reyna at hari.

Meron na ring ketchup ang mukha nito dahil sa pagsubo ng marami

Naagaw ang atensyon namin nang iharap ni Primo sa kaniya si Yielle at hinawakan ang panga nito gamit ang kaliwang kamay

May halong kilig at kuryusidad nang kumuha si Primo ng panyo mula sa kaniyang bulsa at pinunasan ang bibig nito gamit ang panyong nasa kanang kamay niya

Nagtinginan kaming walo na parang nagkakaintindihan. Napatingin ang hari sa kanila at nagsimulang magtanong

"Anong namamagitan sa inyo?"natuon ang atensyon ng dalawa sa hari

Tumingin si yielle sa pagitan nila ni Primo kumapakapa na parang hindi naindtindihan ang saad ng hari

Kung hindi talaga seryoso napaka isip bata at slow

"Wala ho"tanging sagot ni Yielle at tinuloy ang pagkain..kelan ba magsasawang kumain ang isang toh

Natapos ang kainan at kaniya kaniya na kaming balik sa aming kwarto at pinatulog na dahil gabi na rin

Pinapunta kami ng hari at reyna sa field kung saan gaganapin ang pagsusubok bukas

Nagising ako sa sinag ng araw at agad na bumangon ng mapagtantong late na ako sa usapan. Ginawa ko lamang ang morning routine ko

Nangmatapos ako ay lumabas na ako ng kwarto ko at pagkabukas ko ng pinto ay siyang pagbukas rin ng pinto sa harap ng aking kwarto

Bagong ligo rin ito dahil basa pa ang buhok at....ang bango

"Aalis ka na? Sabay na tayo"saad nito at tumango lamang ako

Habang papuntang field ay di ko maiwasang sulayapan itong lalaking katabi ko. Ang gwapo niya

"Baka matunaw ako. Kanina mo pa ako tinitingnan"nagulat ako sa saad nito kaya ibinalik ko ang paningin ko

Ilang saglit ay bigla akong may natapakang bato at natumba pero napakapit ako kay Sebastian kaya dalawa kaming natumba at....

At

At....

At magkadikit ang labi namin! Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nangyari.shettt nakakahiya

Tumayo siya at tinulungan niya rin ako. Naglakad kami na parang walang nangyari pero ramdam ko ang pula at init ng aking pisngi

First kiss ko!!!!! Nakakahiya!!!

Pagkarating namin ay nagsimula na rin kami

"Sa unang pagsubok. Susubukan natin ang bilis niyo sa pag ilag. Kailangan niyo iwasan ang mga palasong tatama sa inyo sa iba't ibang parte ng inyong katawan"pahayag ng reyna

Tulad ng sabi nito ay dalawang tao bawat susubok

Me-Yielle
Primo-Hans
Sebastian- Cosmo
Ate Milla- Ate Elown
Antonette- Saina

Unang sumubok ay si Antonette at Saina. Sa unang limang palaso ay nailagan nila ito ngunit sa sumunod na mga palaso ay hindi na. Sa 50 na palaso ay may 13 na tama si antonette at 12 naman kay saina

Sumubok na rin si Ate milla at ate elown. Mabilis ang mga paggalaw nila pero di mawaring natamaan rin sila. 10 ang tama nilang dalawa

Sumunod naman ay si seb at cosmo. Tulad nila ate milla ay mabilis rin ang galaw ngunit natamaan rin. 8 kay seb at 6 naman kay cosmo

Sunod naman ay si primo at hans. Bawat palaso ay naiilagan nila pero sa huli isa sa kanila ang natamaad. Si primo ay walang tama at si hans naman ay may 3 tama

Panghuli ay kami. Mabilis ang kilos ng mga mata at katawan ko ganun rin si Yielle. Pumulot siya ng isa at walang pakundangang ginawang pangharang sa mga palaso

Muntik na ako matamaan sa gilid kung hindi hinagis ni Yielle ang palasong hawak niya patungo sa palasong tatama sa akin

Natapos ang pagsubok ngunit ni kaunting galos ay wala kaming nakuha ni Yielle

Pumalakpak sila na parang hangang hanga. Maya maya lang ay may naramdaman akong matulis na bagay sa gilid ng aking tenga

Pagkalingon ko ay nagulat ako. Isang palaso ngunit hindi ito iyong palasong ginamit sa pagsubok

Mas nagulat ako ng makita kung sino ang may hawak nito. Hawak ni Yielle ang mismong katawan nito at dumudugo na parang sinambot niya ito

Tumigil sila sa pagpalakpak at tumingin kay Yielle

"Ang bata! Siya lamang ang may ganiyang palaso"sambit ng hari na ikinakunot ng aming noo

"Ang batang isang Mistress ng goddess. Napakakulit at wala ni isang nakapagpigil sa kakulitan niya. Nais namin siyang dalhin sa goddess palacio ngunit ayaw niya at inihaharap niya lamang ang kaniyang may lasong pana sa amin"dugtong na paliwanag nito

Tumingin kami kay Yielle na hawak parin ang palaso at dumudugo ang kamay nito. Nagsisimulang mag kulay berde ang parte kung saan may sugat

May kinuha siyang dahon mula sa gilid at piniga sa kaniyang sugat. Tulad ng ginawa niya kay saina ay nagpapasok siya ng apoy sa sugat bago tubig

Nawala ang pagkulay berde ng parte at pinigaan niya ulit ng dahon galing sa kaniyang bulsa. Nagulat kami ng unti unting magsarado ang sugat niya

"Hindi naman siya gaanong malala tulad nang lasong pumasok sa sugat ni Sain kaya mabilis ko itong nagamot"pagpapaliwanag nitto at ngumiti

"Madami kang alam jan ha?! Saan mo natutunan ang mga iyan?"tanong ng reyna na parang ayaw maniwala

"Noong naglalakbay ako"pagkasabi niya ay tumayo na siya at pumunta kung saan nang galing ang palasong muntik tumama sa mukha ko

Sumunod kami sa kaniya at nagulat kami dahil biglang tumakbo ang apat na taong gulang na batang babae patungo sa loob ng palacio

Sinundan namin ito ngunit pumasok siya sa kaniyang silid at nilock ito

Kakatok na sana kami ng pigilan kami ng reyna

"Hindi siya lumalapit kahit kanino. Lagi niyang sinasabi na tanging kaniyang magulang lamang ang papakinggan niya" paliwanag nito

**********

Vote and leave a comment

Continue and enjoy reading!❤🤧alabyu

ENCHANT ACADEMY: The Missing Goddess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon