CHAPTER 38 Academy Ball

1.3K 53 2
                                    

Shielle POV

Ang sakit! Akala ko ipagtatanggol niya ako! Pinagtatabuyan niya na ako!

Anong problema! Bakit nagkaganun?

Akala ko ba mahal niya ako!

Akala ko ba hinding hindi niya ako papakawalan!!

Akala ko ba hinding hindi niya ako sasaktan!!

Pero sa pinapakita niya mas sinasaktan niya ako!

Akala ko lang pala ang lahat!

Naglalakad kami ngayon ni Hayi papunta sa dorm nila Elown upang maghanda sa academy ball ngayong gabi

Bakit ganun?!

Di ko namalayang tumulo na ang luha ko kaya napatigil si Hayi at tumingin sa akin

"Ayos ka lang Yielle?" Konsern na tanong nito

Ngumiti lang ako ng pilit at niyaya na siya para mapabilis ang paghahanda namin

Alam kong nag aalala sila para sa akin pero wala na akong ibang magagawa kundi tanggapin ang lahat ng sinasabi niya

Mamaya ko na itatanong sa kaniya ang lahat kasama ang

Huling tanong, huling sagot




***********
KeiHayi POV

Nakikita ko ang pagsimpleng pagluha ni Yielle iniiwas niya ito at pilit na ngumingiti

Nakarating kami sa dorm nila Elown na busy sa paghahanda rin

Ngumiti si Yielle ng pilit bago pumunta sa mga gown upang mamili. Nakita ko ang pag aalala sa mukha ni elown at Milla

Natapos na kami pero si Yielle ay nasa loob pa ng bihisan. Dumating naman si cosmo at hans

"Wow ang gaganda niyo girls lalo ka na babe my love" manghang saad ni cosmo sa amin na ikinapula ng pisngi ni Milla

"Ang ganda niyo ah" papuri naman ni hans at ngumiti bago tumingin kay elown

Nakasuot sila ng pormang suot

"Asan si Yielle?" Tanong ni Cosmo

Tinuro namin ang pinto ng bihisan upang ipaalam na nasa loob si Yielle

Dumating rin si sebastian at nakangiting nakatingin sa akin. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko

"Ang ganda mo ah" saad nito bago lumapit sa akin

"Siya lang?"sabay na tanong ni Milla At Elown na ikinatawa namin

Nakakulay asul na gown si Milla, pula kay Elown at Itim sa akin

"HAHA syempre kayo rin" saad ni seb at tumawa

Ilang saglit pa at lumabas na si Yielle

Ang ganda! Puti ang kulay ng kaniyang gown. Itim na itim na buhok nito. Mapulang labi, haba ng pilik mata at ang kulay gintong sapatos nito

"Woww!" Sabay na saad namin

"Ang ganda mo Yielle!" Sigaw ko sa pagkamangha

"Salamat" ngumiti siya pagkasabi. Walang halong pilit na ngiti

Nakakagaan sa pakiramdam na ngumingiti siya kahit nasasaktan

"Tara na" aya niya at lalakad na sana pero sabay sabay kaming sumigaw

ENCHANT ACADEMY: The Missing Goddess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon