CHAPTER 35 Kiss Under The Moon

1.3K 53 8
                                    

Shielle POV

Hinila ako ni Primo palabas ng paaralan at papuntang hardin

Huminto kami sa ilalim ng puno kung saan tanaw na tanaw ang liwanag ng buwan

Binitawan niya ako at saka hinarap sa kaniya. Doon na ako nagsimulang magsalita

"Ano ba problema mo ha?! Nakain ang tao eh! Hindi ko pa tapos yung pagkain ko! Hindi ko pa nauubos ang chi-" hindi ako nakatapos dahil bigla niyang hinawakan ang dalawang pisngi ko at walang pasabing idinikit ang lambot ng labi niya sa labi ko

Tinanggal niya ang labi sa akin bago magsalitA

"Yan buti tumahimik ka na" saad nito kaya sinamaan ko siya ng tingin

"Hoy anong akala mo ha?! Nakakai-" hindi ko na naman natapos dahil idinikit niya ulit ang malambot na labi niya sa akin

"Isang salita mo pa di na kita papakawalan!" Maotoridad na saad nito. Hindi na ako nagsalita dahil baka gawin niya ang sinabi

"Bakit ka ba nagpapunas ng mukha roon sa isang Goddess?!" Hindi ako sumagot

"Hoy babae magsalita ka" umiling lang ako...baka bigla niya na naman akong halikan ihhh!!

"Di ka magsasalita" bigla siyang lumapit at akmang hahalik ngunit tinagkapan ko ang mukha ko bago magsalita

"Ano ba?! Nakakailang halik ka na ah! Di ko naman kasi alam gagawin ko nun! Magnanakaw ka talaga ng halik! Pag di ka tumigil babawian kita" napangiti siya sa sinabi ko. Nanlaki naman ang mata ko sa huling sinabi ko

"Babawian kita ng suntok" dugtong ko ngunit ramdam ko ang pagpula ng pisngi ko kaya nag iwas ako ng tingin

Nawala ang ngiti nito at biglang sumeryoso. Lumapit siya sa akin at bigla bigla ay yumakap

"Mahal kita Yielle! Mahal na mahal!" Bulong nito sa tenga ko nanikinatalbog ng puso ko

Kusa na rin ako yumakap pabalik sa kaniya. Naramdaman ko ang ngiti nito

"Mahal rin kita!" Saad ko at bigla siyang humiwalay sa yakap na ikinakunot ng noo ko

"Bakit?" Takang tanong ko

"Be my girl" seryosong saad niya at tumango lang ako saka ngumiti

Hinawakan niya ang dalawang pisngi ko at hinalikan. Nilagay niya ang dalawang kamay niya sa bewang ko at mas inilapit niya ako sa kaniya ng hindi nahihiwalay ang halik

Inilagay niya rin ang dalawang kamay ko sa likod ng kaniyang batok na nagpapahiwatig na mas lumalim ang halik

Pero.....

***********

Primo POV

Hawak ko na ang babaeng pinakamamahal ko!


Simula sa pagpasok niya sa paaralan

Sa pang aasar ko sa kaniya

Sa pagtingin, pagtawa at pagkain niya


Ay lalo akong nahuhulog

Hinding hindi na kita papakawalan Yielle! Hindi hindi!

Mahigit limang minuto ang tagal ng paghalik ko kaya humiwalay na ako ngunit bigla niyang hinila ang damit ko at hinalikan ulit

ENCHANT ACADEMY: The Missing Goddess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon