CHAPTER 10

1.7K 61 5
                                    

Hayi POV

Break time na at umalis na lahat ng kaklase ko pati ang mga legends. Bago sila umalis ay inaya nila kaming makisabay ulit

Pero si yielle mukhang hindi napansin ang pag alis ng aming kamag aral

Inaya ko siyang pumunta sa canteen dahil nagrereklamo na rin ang aking galit na tiyan

Tumango siya bago tumayo at hinawakan ang braso ko upang magteleport papuntang canteen

Pag ka rating namin dun ay nasa upuan na ang mga legends at tanging kami na lamang ang hinihintay

Dumating si cosmo dala ang napakaraming pagkain. Umupo kami ni Yielle sa dating pwesto

Nagkwentuhan at nagtanungan kami ng kung ano ano

"Ikaw Yielle, kilala mo ba ang anak ng reyna na si adiya"tanong ni ate elown

"Tulad ng pinag aralan natin kanina, hindi ko rin kilala hehehe"natatawang sagot ni Yielle

"Sa tingin niyo? Maganda kaya siya? Mabait kaya siya? Matulungin? Magalang? Matapang? At ma-"hindi na natuloy ni cosmo ang pagtatanong dahil binara na siya ni Milla

"Bakit kami tinatanong mo?! Kami ba si adiya ha?!"

"Babe naman eh sa tingin lang naman"nakangusong tugon ni cosmo

"Sa tingin ko maganda siya, mabait, matulungin, magalang at matapang. Dahil anak siya ng reyna at sigurado akong makukuha niya iyon"singit ni hans

"Kelan kaya natin siya makikilala? O kahit makita man lang?"

"Sana kahit ngayong darating na kaarawan ni reyna Lierra. Nabalitaan ko kasi na sa Goddess Palacio gaganapin ang kaarawan ng reyna at lahat tayo imbitado"pagpapaalam ng impormasyon ni ate elown

"Talaga?! Wohh mga pre mukhang makikita na natin si prinsesa adiya ah"cosmo yan syempre

Hindi na kami nagsasalita ni Yielle dahil nakakahiya. Nakikitawa na lamang kami tuwing binabara ni ate alown at ate milla si cosmo at hans

"Babe kelan nga pala kasal natin?"tanong ni cosmo

"Eww pakasalan mo mukha mo!" Sagot ni ate Milla

"Babe naman! Ayaw mo ba talaga sakin"

"Hundred percent no!"

"Kahit mamatay ako"

"Yeah"

"Grabe ka naman saken babe!"

"Eh ayoko nga! Humanap ka ng ibang papakasalan!"

"Ayy! Edi si....." tumigil siya at nag isip "...Prinsesa adiya na lang!"

Pagkasigaw ni cosmo ng huling kataga ay biglang nasamid si Yielle kaya napatingin kaming lahat sa kanya na agad inabutan ni Primo ng tubig

"HAHAHA sori kase ba naman napadami ata subo ko" natatawang pagpapaliwanag ni Yielle

"Magdahan dahan kasi! Katakawan"hindi namin narinig ang huling sinabi ni Primo dahil bulong lamang ito

"Hoy hindi ako matakaw sadyang.....masarap k-este ung pagkain kaya ganun"depensa ni Yielle habang nakanguso

"Psh ganun rin yun"

"Hindi kaya!"

"Ituloy mo nalang pagkain mo dahil baka kulangan ka pa"natatawang ani ni Primo

ENCHANT ACADEMY: The Missing Goddess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon